Part 11- Hopelessly Hoping

64 4 0
                                    

Daniel's POV

"Can I be your date? On that night?"

Hindi man mahalata, but I am shaking. Pinagpapawisan na yata ako sa sobrang kaba.

Please.

Please, Javi.

Just say yes.

"Kailangan pa ba'ng may ka-date2 churva eklabu yan? Ba't hindi ako na-orient?" tanong niya na ikinatawa ko.

Toinks. Epic fail.

"Hahaha! Of course. It's a tradition every year, unless hindi ka sumali the past years" I explained to her.

"I have no idea. Never naman ako'ng sumali sa mga events sa school, eh. Studying is my only focus." she looked away.

*A moment of silence*

*tuko tuko tuko tuko*

Pareng tuko, 'wag ka'ng panira ng moment. -_-

I stared at her face. She has that beauty that every man would fall for... A mesmerizing beauty. Even though sometimes ay natatakpan nu'n ng kalungkutan.

Kung alam mo lang, Javi. I want to make you smile. I want to be the reason of your smile, mostly in your darkest hours.


I want you to be mine, Gabriella Joanne Kristelle Magpugay.

"Kailan nga ba yun?" bigla niyang putol sa katahimikan.

"Feb 9. One week from now" I answered.

"Bakit ako? Wala ka ba'ng ibang pwedeng yayain maging date mo?"

That hurts. "I want you"

Mukhang na-shocked siya sa sinabi ko.
"I mean I want your company more than anyone else. We're friends, right?" biglang bawi ko.

"Y-yeah. One week pa naman, diba? Pag-iisipan ko muna. Baka kasi hindi na ako umattend niyan" I felt disappointed upon hearing her answer.

----------------------------------------------

Javi's POV

"I want you"

Na-shocked ako pagkasabi niya nu'n.
"I mean I want your company more than anyone else. We're friends, right?" dugtong pa niya.

Friends? Ouch. I thought there's something else more than that.
"Y-yeah. One week pa naman, diba? Pag-iisipan ko muna. Baka kasi hindi na ako umattend niyan" hindi ko na pinahalata ang disappointment ko.

Hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Nadismaya ako sa bagay na unti-unti na'ng lumalalim ang feelings ko for Daniel.

Or baka natatakot lang ako...

Na baka masaktan ulit.




Or baka...


Mahal ko pa rin si Dexter at hindi pa ako handa?


Javi, ano ba'ng pinagsasabi mo? He just asked to be your date for one night. Hindi ka naman niya inalok ng kasal. You have nothing to worry.

*sighs* Mas masaya pa pala kung naging crush nalang kita sa malayo at sinusundan ng tingin kung saan-saan, kesa ngayong nasa malapit ka na...

Mr. Statue of Liberty, nagugustuhan na talaga kita, eh. Gustung-gustung-gusto talaga.

Naglalakad na ako sa may pathway ng school at lovelife parin ang iniisip ko. Papunta na ako sa first class ko in which classmate ko si Daniel.

*dug dug dug dug*
Kinakabahan ako. Kinakabahan ako'ng makita siya.

Nakarating na ako sa room and as usual, late na naman ako. Pagpasok na pagpasok ko, nagche-check na ng attendance si Ma'am.

"Danilo Pahamak?"

"Absent po si Daniel, Ma'am" sagot nu'ng nasa likuran ko.

Out of curiousity, lumingon ako sa likuran ko at nagtanong sa kaklase. "Sino'ng Danilo Pahamak?"

"Ah, si Daniel. Yung nakaupo du'n" may tinuro siyang vacant seat.

As long as I remember, si Mr. Crush ang nakaupo du'n.

*loading...*

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! DANILO PAHAMAK? HAHAHAHAHAHA. KAYA PALA AYAW NIYA'NG SABIHIN ANG REAL NAME NIYA. GRABE. HAHAHAHAHAHAHA!!!

May Daniel pa'ng nalalaman, ha. XD

Hindi maipinta ang mukha nu'ng pinagtangunan ko'ng kaklase. Iniisip yata na nababaliw na ako. Eh kasi naman, tawang-tawa talaga ako. Lord, hindi niyo naman sinabi na mas mapala pa pala ako sa pangalan ko. XD

So, Danilo Pahamak pala, ha? Hahaha. How about the future wife? Lol.

*back to serious mode*
Bakit naman kaya siya absent? Nalungkot tuloy ako. Kahit kinakabahan ako na makita siya, I'm still craving for his presence.

Nu'ng nag-dismissal na ay dumiretso na ako sa cafeteria since vacant hour ko.

Nakita ko si Daniel na kasama ang mga kabarkada niya. Lahat sila naka-engineering shirt.

Namataan niya ako. Ngumiti siya at lumapit sa kinaroroonan ko.

"Javi." I also smiled towards him.

"Ba't di ka pumasok?" hindi ko napigilang maitanong.

"Bakit? Na-miss mo na agad ako?" he winked.

Ugh. My weakness.

"Biro lang. May one hour seminar kami'ng mga officers kanina sa class time natin kaya nagpa-excuse na muna ako kay Ma'am." he explained.

"Officer ka?" Whoa. I didn't know that. Kaya pala nakikita ko siya'ng nag-aassist sa mga booth noong Engineering fest.

"Yep. Sa Engineering department lang naman. Vice-pres here" he proudly shared.

"Oh, I see. May matino ka naman pala'ng ginagawa sa buhay, eh" I joked around.

"Mas matino ako pagdating sa pagmamahal" he said.

Suddenly, we had eye to eye contact for about a minute.

"Tara, ipapakilala kita sa mga ka barkada ko" he pulled me papunta sa katabing table.

Paglapit namin ay nakatingin na sa'ming dalawa yung mga kabarkada niya. Lima silang nandu'n. Dalawang babae. Tatlong lalaki kung isasali si Daniel. "Guys, meet Javi. My new found friend. Javi, this is Mia, Candy, Paige, and Arvin." pagpapakilala ni Daniel.

They gave me such warm smiles. "Hi~" halos sabay sabay nami'ng bati. "Si Mia at Candy, nagka-classmates na kami niyan sa isang minor subject" I told Daniel.

"Ah, oo. We remember you. Yu'ng minsan kausap rin ni Eddie, diba?" sabi ni Mia.

"Ah, oo" I smiled again.

Nakiupo na ako sa table nila. Inaya nila ako'ng sumabay mag-late breakfast. Nag-snacks nalang ako konti dahil nag-breakfast na ako. I'm really enjoying their company.

Pinagmasdan ko sila isa-isa.

Arvin- Pinakamataba sa kanilang magkakabarkada. Maitim at halatang malakas kumain. Siya ring pinaka-joker.

Paige- Gwapo. Chickboy ang dating. Maangas rin.

Candy- Maamo ang mukha. Shy type. Tahimik lang sa isang tabi.

Mia- Makwela at makwento at siyang girlfriend raw ni Paige.

Natutuwa ako dahil hindi ako naO-OP sa presence nila.

Ipinakilala na niya ako sa mga ka barkada niya. What could be the meaning of this? Kaibigan lang ba talaga ang tingin niya sa akin? Is this another step towards something? I am hopelessly hoping.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon