EPILOGUE (END)

116K 2.3K 110
                                    

EPILOGUE

NAGISING siya dahil sa pagkalam ng kanyang sikmura ng tingnan niya ang orasan sa tabi niya ay hindi na siya nagulat ng mapagtantong masyado ng late para magising ang isang normal na tao. Hindi nga pala siya normal dahil buntis siya! Pasado alas nuwebe na ng umaga at kaya siya hindi nagising para sa early breakfast ay dahil may pinuntahan ang mga tiyahin niya. Nasa isang two days seminar ang kanyang mga tita samantalang si Ross naman ay inaayos ang business na pinapatayo nito.

Kaya heto siya walang taga-gising and for sure wala ding taga-luto. Kumalam ang kanyang sikmura dahil sa gutom, now that she's pregnant she always crave for foods kahit na lumampas na siya sa first trimester niya. Isa siya sa masuswerteng buntis sa mundo na hindi nagke-crave ng mga weird na foods. Pero kahit asar siya sa mundo at kahit ideny pa niya isa lang talaga ang bagay na gusto niyang makita na sa tingin niya ay dahil na rin sa kagustuhan ng maliit na nilalang sa tiyan niya... si Warren.

Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula noong huli silang magkita sa mall, mabuti nalang talaga ay dumating agad si Ross or else ay sinugod na niya ito ng yakap. Hipokrita siya kung sasabihin niyang hindi niya ito namimiss dahil miss na miss na niya ito pero hindi pa rin maiaalis sa isip niya ang lahat ng sinabi nito sa kanya.

He said she's a whore which he knew better.

He said he regrets the idea of loving her which hurt her the most.

He said he hates the idea of her having his name kaya nga agad niyang pinaayos ang mga annulment papers na naibigay na siguro ni Ross dito. At malamang sobrang saya na nito ngayon, iyon ang dahilan kung bakit ayaw niya itong makita pa. Ayaw niyang makita na masaya na ito samantalang siya ay nagpapanggap na masaya at okay kahit na hindi naman.

Nararanasan pa rin niya iyong kahit na kumakain siya ay umiiyak siya dahil naaalala niya ang sarap ng luto nito at hindi siya nasasatisfy sa luto na ng ibang tao. Kapag nakahiga siya at nanonood ng TV ay naiiyak din siya dahil naaalala niya ang mga panahon na kapag nakahiga siya at nanonood ng TV ay bigla itong yayakap sa kanya at hahalikan siya. They will cuddle and enjoy each other's company.

At bago pa man siya ngumawa ay agad siyang tumayo at nagpunta sa banyo upang maligo. Since nabuntis siya ay nagiging maselan siya sa katawan niya, ayaw niya ng naiinitan siya at pinagpapawisan. Kapag pinagpapawisan siya ay palit agad siya ng damit o kaya naman ay naliligo na siya.

Pagkatapos maligo at mag-ayos ay kinuha niya ang kanyang laptop, nagresign na siya sa kanyang trabaho. Sabi kasi ng kapatid niya mas mabuting magpahinga muna siya kasi masama sa buntis na nagtatrabaho. Of course sinabi niyang ayaw niya dahil nga sa nasanay na siyang palaging nagtatrabaho ang even if he assured her that he is capable of giving her everything she needs still ayaw pa rin niyang umasa dito not now when she's pregnant. Kaya ang ginawa nito he hired her, kinuha siya nito na umayos sa website ng business na itatayo nito. Siya daw ang bahala sa pagbabahagi sa mundo tungkol sa business nito and besides Hexel asked her to do something very important kaya hindi din pwedeng mahati ng iba pa ang isip niya.

Marami na siyang alalahanin ngayon pero nakatulong din iyon para kahit papaano ay madivert niya ang lungkot niya. At saka nitong mga nakaraang araw nararamdaman niyang may nakamasid sa kanya, kapag lumalabas siya ay may nakasunod sa mga kilos niya and the chills that it gives her are so familiar with her. Alam niyang sino iyon and probably her sisters were keeping that person away from her kaya nahihirapan itong makalapit sa kanya.

Inalis niya sa isip ang ideyang iyon, their distance somehow gives her enough space to think at dahil sa pag-iisip na iyon kaya ginugutom siya kaya agad siyang bumaba upang maghanap ng pwedeng makain sa kusina.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon