Chapter Ten-A (spg)

107K 2.2K 80
                                    

a/n: munting paalala mula sa akin, huwag basahin dahil espegee pa rin po ito. Bawal sa mga inosente pero okay lang sa nagpapanggap na mga inosente at sa mga hindi na virgin ang utak dahil masyado ng maraming nabasang ganito. Hhahahahaha.. Ingat sa pagbabasa and handle with care. Huwag sanang ibato ang cellphone pagkatapos nito.

Chapter Ten-A

NAGISING siya ng may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya, mabuti nalang at nakalabas siya sa pagpulupot nito sa katawan niya. Nagsuot siya ng shirt  na nakita lang niya sa tabi na pakalat-kalat, it's his kaya medyo mahaba sa kanya. She's just too hungry nakakapagod kaya ang ginawa nilang kababalaghan kagabi.

Nagpunta siya sa kusina, kung ang asawa may ay chef malamang puno ang ref ng mga pagkain at mga pwedeng iluto. She decided to cook something for herself, magluluto naman siguro si Warren pagkagising nito. He is a chef at malamang may standard ito sa pagluluto. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang ginagawa ng may maramdaman siyang braso na nakapulupot sa  katawan niya.

"Warren!"

"Good morning wife." Bati nito sa kanya at hinalikan siya sa labi. Nagawa nito iyon iba na talaga ang mahahaba ang biyas. "What's that?"

"Nagutom ako."

"Bakit kaunti lang iyan? It looks delicious."

"Baka kasi hindi ka kumakain nito." Ipinatong nito ang baba nito sa balikat niya. "You are a chef."

"Kung luto mo bakit hindi ko kakainin and I am open for food tasting. Damihan mo nagugutom din ako."

Gusto niyang mapangiti sa takbo ng usapan nila, parang kailan lang ay hindi sila inaabutan ng ilang minuto ay nagbabangayan na sila. Mukhang totoo nga yata ang sinabi nito na gusto nitong maging normal na mag-asawa sila. Kung iyon ba ang gusto nito bakit aayaw pa siya hindi ba sinabi niyang paiibigin niya ito? She'll make him fall for him really hard.

"Saan mo natutunan iyan?" anitong sinayaw-sayaw pa siya. Dumikit na kasi ito sa kanya na parang tuko.

"Sa mga tita ko, mukhang masungit lang iyon but they are really good dahil naalagaan nila ako."

"They love you kaya nga ayaw ka nilang ibigay sa akin." Anito. "Where are your parents?"

Natahimik siya sa tanong nito, mukhang hindi nga sinabi ni Kristine ang mga nangyari sa buhay niya. Noon nakakalimutan niya ang mga eksenang ayaw na talaga niyang maalala pero habang tumatagal natatanggap na niya na nangyari nga iyon kaya kahit anong baon niya sa isip niya ay umaalpas pa rin.

"They were killed when I was six." Ito naman ngayon ang natigilan. Maybe he needs to know everything if he likes to. "It's a long story."

"I have all day." He is willing to listen then.

"They were killed during my papa's birthday, may mga lalaking pumasok sa bahay and they killed my parents. Naitago ako nina papa pero nahanap ako ng mga lalaki, they stabbed me here." Turo niya sa likod niya. "And when they thought I died already umalis na sila, but I was saved."

Unti-unting lumilinaw sa isip niya ang mga bagay. "There were people, kinuha nila sina mama at papa. Dinala nila ako sa hospital, I was awake during that time. Pagkagising ko wala na sina mama at papa, sina tita na ang nakamulatan ko. Hindi ko na nga nasilayan ang kapatid ko, may kapatid dapat ako ngayon pero nawala din siya."

"Is that the reason why you fear being touched?

Tumango siya. "Everytime they touches me it reminds me of those men who killed my parents and those who stabbed me."

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon