Chapter Five

85.5K 2K 84
                                    

Chapter Five




            "Diana wait!" Ayaw n asana niyang huminto sa paglakad, gusto lang muna niyang makatakas. Gusto na muna niyang patahimikin ang nararamdaman niya, ang lakas ng tibok ng kanyang puso at isa lang ang ibig sabihin ng bagay na iyon natatakot siya. Mali ang sinabi ni Kristine kanina, she doesn't trust Warren impossible iyon. How can she trust someone whom she doesn't know on the first place?

            Lalaki si Warren, yes, he's her friend's friend but it doesn't mean they are friends. Pinakisasamahan lang niya ito dahil kaibigan ito ng mga kaibigan niya and nothing else. Pinapatulan niya ang mga jokes nito dahil mas madali naman iyon keysa magsungit at saka hindi niya personality ang magsungit. Ano nga ang term doon? Tama, acting civil.

            "Diana-." Hinawakan nito ang braso niya at agad siyang napatigil at napapikit sa sakit sa hawak nito. Agad na namuo ang pawis sa kanyang noo at ilang Segundo nalang ay alam niyang mawawalan na ng hangin ang katawan niya dahil sa lakas ng tibok ng kanyang puso.

            "Bitiw Warren." Hirap n autos niya dito mabuti nalang at agad nitong nakuha ang nangyayari sa kanya dahil binitiwan agad siya nito.

            "Sorry I didn't mean to hurt you."

            With all the things that happened to her ayaw niya munang marinig ang mga salitang iyan. "Warren I don't want to be rude or anything but I can really manage and I don't need your help. And you are a guy for pete's sake sasaktan mo rin ako." Sigaw niya dito.

            "Look I just want to help hindi kita sasaktan."

            Sunod-sunod siyang umiling. "You are a guy Warren and guys do hurt woman." She pointed out, nawawala na ang kanyang sense of reasoning.

            "Huwag mo namang igeneralize ang lahat ng mga tao Diana," matigas na sabi nito unti-unting nagbago ang aura ng lalaking kaharap niya. "I may not be a man but give me a benefit of a doubt of not hurting you, tutulungan lang kita."

            "I don't need your help, kaya koi to."

            "Hindi naman masamang humingi ng tulong sa iba. Why won't you reach my hand and try me?"

            Umiling uli siya. "Sino ka ba? Sino ka ba para hingan ko ng tulong Warren? You're my friend's friend but not my friend. Hindi ko kailangan ng tulong mo."

            "Ang tigas ng ulo mo bakit hindi mo nalang tanggapin ang tulong na kaya kong ibigay?"

            "Dahil ayoko sa iyo get it?" nasapo niya ang sariling dibdib sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya and she could see hurt from his eyes when she said she doesn't like him. "I don't like you because... because you are a guy and you'll hurt me."

            "Hindi lang lalaki ang marunong manakit Diana, hindi lang naman kami ang tao sa mundo. Hindi mo ba naiisip na kayang-kaya niyo ring mga babaeng manakit ng mga lalaki?" nagbago na ang tono ng boses nito, his voice was full of venom trying to kill her soul with just a drop of it. "Fine, I tried extending my hand to help you pero ikaw na mismo ang ayaw makinig. I am fine with it tutal hindi nga naman kita kaano-ano, hindi din kita responsibilidad. Mas mabuti sigurong hindi na kita tulungan tutal ayaw mo rin namang patulong." Iyon lang tuluyan na itong umalis sa harap niya.

            Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan habang nakatanaw sa papalayong pigura nito. Hindi siya gumalaw not even trying to reach him it's not because she can't move, it's because she doesn't want to. Ayaw niyang isali sa gulo niya ang isang inosenting nilalang na tulad ni Warren because no matter what she does and no matter what will happened in the future, even if she wanted to be cured, kahit na maayos niya ang buhay niya mananatili pa rin naman ang latak ng kanyang kahapon.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon