Chapter Three

92.7K 2.1K 79
                                    

Chapter Three


            NAPAPANGITI nalang siya habang nakikita ang mga kasama niyang abala sa paghahanda sa kasal ni Zyrene. It's really amazing how love can make a person go wild kagaya nalang ni Heinz. Never in her wildest dream na ang lalaking masungit na iyon na minsan din sa buhay niya ay naging crush niya ay natutong lumuhod sa isang babae. That moment when Heinz decided to give up everything pakiramdam niya ay ang swerte-swerte ng kaibigan niya and yes nakaramdam din siya ng inggit pero mas nangibabaw pa rin ang saya na naramdaman niya ng malaman na magiging masaya na rin sa wakas si Zyrene.

            Napalingon siya sa kanyang tabi at kusang kumuha ang kanyang mga daliri ng isang pirasong lumpia na naghuhumiyaw na kunin niya ito. Wala pa siyang tulog pero buhay na buhay pa ang dugo niya salamat sa mga pagkain na nandoon, in fairness masarap ang pagkain.

            "Fried iyan baka tumaba ka." Paalala sa kanya ni Ainsley na ngarag sa kakaayos ng kasal.

            "Mag-eexercise nalang ako." Tinaasan siya nito ng kilay. "Sa panaginip ko." Ngumisi siya. "Or ibang exercise ang gagawin ko iyong mag-eenjoy ako." Ngumiwi ito sa kanyang sinabi.

            "Bakit kapag ikaw ang nasabi lahat ay may double meaning?"

            Ngumisi lang siya. "Nasa isip mo lang iyan." Aniya at kumuha uli ng lumpia, sa totoo lang hindi siya mahilig sa lumpia, ayaw nga niya ng lumpiang may gulay sa loob o kahit na karne. Nagustuhan lang niya ang lumpiang kinakain niya dahil sa crispy kasi iyon. "Sino ba ang kinuha niyong caterer, siya din ang kukunin ko sa kasal ko."

            "Baka mas mauna pang makasal sa iyo si Monica."

            "Mas mauuna ako sa kanyang makatikim ng langit, mas mahal yata ng babaeng iyong ang lesson plan niya keysa sa mga lalaking may abs." Napaisip siya. "Pwede din ako ang magtuturo sa kanya ng wonders of nature, gaya ng paano gumawa ng lesson plan 'my style'."

            "May style mo na pala ang paggawa ng lesson plan."

            "You want to know? Ganito iyon, first magsulat ka muna ng schedule, next magsulat ka ng objectives like, maghanap ng lalaki, tikman ang luto ng langit kasama ang mahahanap na lalaki, at gumawa ng masasayang bagay kasama ang lalaki. Subject matter na iyong, maghappy-happy kasama ang lalaki, procedure, may preparation dapat prepared ka magpaganda ka, presentation, sayawan mo muna hanggang sa mangyari na ang live action and most awaited part, maglagay ka na rin ng abstraction, eexplain kung ano ang nangyari. Huwag kalimutan ang practice, magpractice ng paggawa ng baby. Tapos sa evaluation naman, paano ginagawa ang baby at kailangang idemo and lastly, assignment, gumawa ng baby. O, hindi ba may complete lesson plan na ako detailed pa." ngumisi siya sa sinabi niya habang ito naman ay napapailing na rin.

            "Huwag mong sabihin kay Monica iyan dahil ipapabilanggo ka niya for sure. Ginawan mo ng malisya ang lesson plan niya."

            "Matalino ako eh."

            "Alam ko na iyang matalino ka kaya tulungan mo na ako dito huwag kang kain ng kain."

            "Masarap ang pagkain kailangang pakasalan ko ang nagluto nito."

            "Kung papatulan ka niya kapag ikaw niyayang pakasal ng chief ako mismo ang mag-aayos sa kasal mo for free."

            "Sinabi mo iyan ha, nasaan na ba ang chief huwag sanang babae I am not swinging the other way. Kapag babae ang chief revoke na ba ang sinabi mo?"

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon