Chapter Six

80K 2K 110
                                    

Chapter Six



            NAALIMPUNGATAN siya ng marinig ang ingay mula sa ibaba ng kanilang bahay, hindi naman kasi sound proof ang dingding nila. Naririnig niya ang malakas na tinig ng kanyang tita Rosenda na halatang may kausap. Pabara-bara niyang hinila ang sarili niya upang bumangon kahit na medyo nahihilo pa siya. nang dumating siya kanina mula sa Achers ay agad siyang natulog at ngayon naputol na naman ang tulog niya.

            "Tita-." Natagpuan niya ang sarili na nakatunghay sa tita Rowena niya na kasalukuyang umiiyak habang ang tita Rosenda niya ay nakatayo at kaharap si—Warren. He isn't wearing his chef uniform now gusto sana ng bangag na isip niya na i-appreciate ang hitsura nito pero hindi niya magawa dahil na rin sa nakitang pag-iyak ng tita niya. "Anong nangyayari dito?"

            "Umalis ka na Mr. Cuevas hindi magbabago ang isip namin mas gugustuhin naming lumipat ng bahay keysa gawin ang gusto mo." Galit na taboy ni tita Rosenda sa binata. Nalilito siya sa pinagsasabi ng kanyang tiyahin, palipat-lipat ang tingin niya kay Warren at sa mga tiyahin niya.

            "Hindi po kayo ang makakapagdesisyon niyan ma'am, nagpunta po ang pamangkin sa opisina ko kanina para humiling ng palugit." Bigla itong tumingin sa kanya, kung wala lang siguro silang dalawa sa ganitong sitwasyon malamang ay iisipin niyang pinapasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. Saka lang niya napagtanto ang kanyang ayos, dahil nasanay siya na puro babae sila sa kanilang bahay kaya normal na sa kanya na magsuot ng ganoong klaseng pantulog.

            She's wearing a white sando and a pair of cotton shorts na sa sobrang iksi ay nagmumukha na iyong panty shorts. Pasimpleng pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib dahil hindi siya nagsuot ng bra, kagigising lang niya hindi ba?

            "Kahit ano pa ang sabihin mo hindi pa rin kami papayag." Matigas na tanggi ng tiyahin niya mas lalong lumakas ang hagulgol ng kanyang tita Rowena.

            "Pwede ba sabihin niyo sa akin kung ano ang nangyayari dito? Goodness bakit ako nadadamay dito?"

            Tumikhim si Warren. "You wanted to buy this house right?"           

            "Iyon nga ang sabi ko." Hinuli nito ang kanyang mga mata at nandoon pa rin ang lakas ng pagtahip ng kanyang dibdib habang nakatunghay sa mga mata ng binatang kaharap.

            "Hindi ko ipinagbibili ang bahay at lupa, karapatan kong tumanggi dahil ako ang may-ari."

            "Umakyat ka na sa kwarto mo Diana Rose at huwag kang makinig sa lalaking ito, mag-empake ka ng mga gamit mo aalis na tayo ngayon mismo." Utos ng kanyang tita Rosenda.

            "Tita wait lang..." hinarap na niya si Warren. "Ano ba ang pinagsasabi mo sa mga tiyahin ko at ganyan nalang ang naging reaksyon nila?" magkahalong pagtataka at kaba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

            "Ayokong ipagbili ang bahay at lupa, hahayaan ko kayong tumira dito ng libre." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito pero hindi muna siya nagsalita, she needs to listen first before she jump into conclusion. "Pero may kapalit."

            "At sinabi namin na hindi kami papayag sa kapalit na tinutukoy niya." Ani ng kanyang tita Rosenda.

            "Anong kapalit ba iyon?" hindi ba sinabi na niya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat para mapanatili niyang sa kanila pa rin ang bahay na tinitirahan nila? Gagawin niya ang lahat kahit na ang lumuhod sa harap nito at magmakaawa. Handa niyang ibaba ang pride na siyang meron siya sa harap ng lalaki na minsan ay sinabihan niyang ayaw niyang hingan ng tulong.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon