Chapter Eight-B

74.8K 1.9K 93
                                    

Chapter Eight-B

NAPABUNTONG-HININGA siya at hinarap ang ama ni Warren, iba pala talaga kapag nakakaharap ka na ng mga tulad nito. It's a scene she would never imagine na mararanasan niya. Hindi niya ineexpect na mangyayari ito sa kanya pero gaya nga ng sabi nila she needs to be tough and strong, wala si Warren at saka hindi nga niya alam kung ipagtatanggol ba siya ni Warren sa mga pagkakataong ganito. It's always like this, iyong siya lang ang humaharap sa mga mahihirap na pagsubok sa buhay niya.


"I do respect your decision Mr. Cuevas." Napakunot ang noo nito sa sinabi niya. "He's your son after all kaya alam kong gusto mo lang ang nakakabuti sa kanya. At mahirap nga lang po ako pero mas gugustuhin ko na pong maging mahirap keysa mayaman na magnanakaw at matapobre. Palagi man po ako sa clubs pero hindi po lahat ng mga taong nagpupunta doon ay masama ng tao dahil kung ganoon man po, kung igegeneralize po natin para niyo na rin pong sinabi na nagpalaki kayo ng isang hindi matinong anak dahil una ko pong nakilala ang anak niyo sa bar. Hindi po ako mayaman pero may trabaho po ako, hindi po ako masamang babae, at kung gusto ng anak niyo sa akin sa kabila ng sitwasyon ko sa buhay ibig pong sabihin hindi po siya tulad niyo. Hindi po siya tulad niyo na ang tanging tinitingnan ay ang antas ng tao sa buhay, sorry po Sir pero hindi po ako makakapayag na pagsalitaan niyo ako ng ganoon."


Magalang na paliwanag niya sa ama ni Warren, she just can't think of any other thing but to defend herself.


"Kahit anong sabihin mo hindi kita matatanggap sa pamamahay ko ang mabuti pa ay umalis ka na!" taboy nito sa kanya.


"Okay po." It's not like ito ang pakikisamahan niya kapag nakasal na sila ni Warren, si Warren naman ang magiging asawa niya. At saka twenty years siyang walang kinikilalang mga magulang, ano ba naman kung hindi siya tanggapin nito bilang anak nito, sanay na siya.


May inilabas ito sa drawer nito at saka isinaboy sa kanya, maraming pera sa sobrang daming pera pakiramdam niya ay umuulan ng pera. Gusto niyang mapabuntong-hininga at tiningnan lang ang mga papel na nagsisiliparan sa buong paligid. Nagsasayang lang ito ng papel, kung sana ay ibinaon nito iyon sa lupa baka magkahimala at tumubo oiyon.


"Ipapatawag ko po ang katulong niyo para linisin po ang kalat." Aniya dito.


"Pulutin mo iyan ang mga tulad mo ay iyan lang ang habol hindi ba?"


Pagak siyang tumawa. "Pera lang po ba ang importante sa mundo?" she looked at him with pity on her eyes. "Kung pera lang pala sa tingin niyo ang importante sa mundo kawawa naman po pala ang pamilya niyo dahil kayo po pala ang klase ng taong handang iwanan ang lahat para lang sa pera. Kawawa naman po kayo kasi mahal niyo ang pera at natatakot kayong mawala iyan, pero hindi kayo kayang mahalin ng mga papel na iyan. Hindi kayo kayang alagaan niyan kapag matanda na kayo, makakahire man po kayo ng katulong pero sigurado po akong hindi nila kayang tumbasan ang pagmamahal ng isang pamilya na kaya niyong talikuran dahil lang sa pera."


At bago pa man siya magalit ng husto ay lalabas na siya at uuwi na, saka nalang niya pag-iisipan ang sasabihin kay Warren.


"Teyka lang-." malakas siyang napasinghap ng maramdaman ang paghawak nito sa kanya at saka tuluyan na siyang nawalan ng malay, nakalimutan niyang ibaba ang sleeves ng kanyang suot na long sleeves.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon