Chapter Four

92.1K 2.1K 96
                                    

Chapter Four


"ARE you ready?" tiningnan lang niya ang psychiatrist na kausap niya, she's really not into this thing kaya lang hindi pwedeng hindi siya pumunta sa session niya dahil si Hexel mismo ang naghire sa taong kaharap niya. "Diana Rose."

"Kanina pa ako ready kaya ba pwede bang simulant na natin ito, I want to sleep." Ayaw niyang maging irate pero kapag ganitong inaantok na siya hindi niya alam kung ano ang irereact niya sa mga kaharap niya. She's just too sleepy, kagagaling lang niya sa shift niya ng maalala na may appointment pala siya ngayon.

"Don't be too impatient, darating din tayo diyan." Ayaw niya talaga sa mga ganito, hindi dahil sa akala nila ay baliw na siya. Hindi naman kasi lahat ng mga taong kinakausap ang psychiatrist ay baliw na, sometimes they just need some help and just like her she needs help too. Nakakafrustate lang iyon halos kalkalin na ng doctor ang utak niya ay wala pa rin siyang makuhang kasagutan at hindi pa rin naayos ang takbo ng buhay niya.

"Umupo ka Diana." Tinapik ni doctor Sheena Napoles ang isang malambot na upuan na inuupuan ng mga pasyente nito. Sumunod na rin siya dahil gusto nito para makauwi na siya ng mas maaga. "I think you are already ready for this, let's start." Tumango na rin siya.

May mga panimulang tanong ito na agad naman niyang nasagutan, during the process ay nakapikit lang siya. And while her eyes were closing kahit na inaantok siya ay hindi niya magawang ipahinga ang utak at katawan niya.

"Let's go back to the happiest memories you have, can you remember the happiest day of your life?"

She nods her head. "Noong kasama ko pa sina mama at papa, nagpunta kami sa zoo." Sagot niya.

"Ilang taon ka noon?"

"Five years old." Maiksing sagot niya, nakapikit lang siya at pakiramdam niya ay bumabalik sa kanya ang mga ala-alang akala niya ay naibaon na niya sa limot. Nakaramdam na naman siya ng takot habang lumilinaw sa kanya ang mga nangyayari sa buhay niya noong mga panahong iyon.

"Ano ang nangyari noong nagpunta kayo sa zoo?"

"Kumain kaming tatlo ng ice cream," kusa siyang napangiti ng magflash sa kanyang alaala ang nangyari. "Hawak kamay kaming nagpunta sa zoo, hawak ni papa ang kanang kamay ko habang hawak ni mama ang kabilang kamay ko rin. May nakita akong monkey at gusto ko siyang iuwi kaya tawa ng tawa si mama." Kusang tumulo ang mga luha niya ng maalala ang masayang bahagi ng nakaraan niyang iyo. "I touched mama's big tummy, I know I have a baby brother inside her tummy. I told him na lalabas na siya para masama ko na siya sa zoo."

"What happened to your baby brother then?"

Tuluyan na siyang napahikbi ng maalala na niya ng tuluyan ang mga eksenang iyon. "It was my papa's birthday, we were so happy he had a cake and we blew it together. Pero may mga lalaking pumasok sa bahay namin, may baril sila. Natakot ako at umiyak pero sabi ni mama at papa hindi ako dapat umiyak dahil magiging big sister na raw ako and I need to be brave for my baby brother." She wants to stop herself from remembering that night, ito iyong pinakaayaw niya sa lahat. Please, if anyone could hear her plea right now... "Pinatago nila ako sa ilalim ng lababo, sabi ni mama doon lang daw ako hanggang sa mawala na ang mga malalaking mamang iyon. I was crying alone when I heard my mama screaming, alam ko sinasaktan ang mama ko. Gusto kong lumabas para tingnan sila pero hindi ko kaya, hindi ako makakilos... hanggang sa may lalaking biglang sumulpot sa harap ko, hinila niya ako mula sa lababo. Umiyak ako at sumigaw ng malakas pero hindi siya tumigil. Hinila niya ako palabas at dinala sa tabi ng mama at papa ko. P-patay na sila ng makita ko sila, maraming dugo ang nasa paligid, ang mama ko hindi na siya gumagalaw. Tapos sinabi ng mga lalaki na kailangan kong maging katulad ng mga magulang ko." Humagulgol na siya ng iyak ng maalala ang mga bagay na iyon. She can't bear it anymore. "Sinaktan nila ako, may humiwa sa likod ko. Masakit... sobrang sakit, hindi na ako makaiyak dahil sa sakit."

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon