33

9 0 0
                                    

RITS; Chapter Thirty-three


"How are things going on here?"


Binigyan ko ng isang ngiti si Tito Zuce bago tinanguhan si Eonah ng sinabi niyang lalabas na raw muna siya. I stood and greeted Tito Zuce, offering to take him around the Hospital for a talk. He was well aware of the expenses because of the apparatuses and renovations sa laboratory for the University's use, dahil iniinform ko siya. Maging siya kasi ay nagtataka rin sa biglaang pagtaas ng financial instability ng Ospital.


"Everything seemed to be fine," tumango-tango siya habang binabasa ang latest financial report. "Just be thorough when it comes to financial reports and receipts. Baka doon nagkaroon ng error. Mislookings. You know that for sure."


I gave him a nod saka nagpasalamat sa kaniyang pagdalaw. Honestly, without Tito Zuce's guidance, baka nabuang na 'ko sa mga isipin sa kumpanya.


When in noon, Reon picked me up for lunch, like the usual he does the past few days. It was just an hour of us together pero ang sulit na. Though we don't talk about the confidentialities at work, we still reminded each other to be tough.


After the lunch, hinatid niya ulit ako sa Ospital saka hinalikan muna ako bago siya umalis. I went on doing my work, signing papers and documents, hanggang sa may natanggap akong tawag mula kay Chrion na kailangan daw ng Doktor sa lab dahil parehong wala sila Hane at Renz, kaya agad akong pumunta doon dahil tapos na rin naman ang trabaho ko sa Ospital.


"Bakit hindi ikaw nag-operate?" Sinamaan ng tingin ng kakarating lang na si Renz si Chrion matapos kong lumabas ng autopsy room. "Si Dra pa yung pinapunta mo rito!"


"Hoy, excuse me! She wanted to be given more cases!" Pinagtaasan siya ng kilay ng isa habang nakakrus ang mga braso sa kaniyang dibdib.


Inilingan ko naman sila sala hinubad ang suot kong mask. I told Renz that it's fine, pero pinagi-insist niya pa ring hindi daw dahil tatlo yung mga bangkay tapos wala pa akong assistant, habang si Chrion ay prente lang daw na nakaupo sa kaniyang opisina porket siya na ang bagong head. Wala raw dapat exception dahil Forensic Pathologist pa rin naman daw siya.


At dahil gabi na at wala pa akong kain, Renz ordered for us dahil wala narin naman daw siyang trabaho dahil nagawa ko na lahat. Kahit man lang daw tinirhan ko siya ng autopsy report, hindi ko raw ginawa.


We talked at the Toxicology lab dahil may pinatikim sa'ming juice si Emma, yung bago naming Toxicologist, gawa raw niya sa mga experiments niya. Renz even joked na baka may lason daw 'yon at ako naman ay nakasinghap sa sarap! I even asked her to make me one kapag nandito ako sa lab niya at kaagad naman siyang napapiksi sa komento ko bago nag-paalam na kukuha lang ng extra sa ref.


Renz would just stop talking about the past... Giving emphasis sa mga pagmamalupit ko raw sa kanila noon ni Hane, making me frown.


"Totoo! Ang maldita mo kaya noon, Dra!" He laughed after my reaction saka aliw na inayos ang sarili niya sa pagkakaupo sa high chair.


"'Wag mo na nga 'yong ibalik! Alam mo, nagsisisi ako sa ginagawa mo kahit wala akong maalala!" Sambit ko.

Remains in the Sand | Los Quiros Series Book #01Where stories live. Discover now