26

18 0 5
                                    

RITS; Chapter Twenty-six


Naalala ko yung sinabi sa'kin ni Papa noong isang beses na nagtanong ako tungkol sa buhay ko. Wala akong maalala nu'n... At sinagot ako ni Papa na nagka-amnesia raw ako. Hindi naman ako matanong, kaya kinuntento ko yung sarili ko sa sagot niya. Inisip ko nalang na baka nagkasakit ako tapos humantong sa amnesia kaya ako walang maalala... Siguro ayaw ko ring dumagdag sa isipan ni Papa... Nung mga panahong 'yon kasi ay kakamatay lang ni Mama at nakita ko kung paanong nahihirapan si Papa kaya ayaw kong lumabas na makulit.


May kasalanan rin naman ako dahil hindi ako nagtanong... Na kinuntento ko yung sarili ko sa kung ano yung isinagot sa'kin ni Papa kahit wala akong alam... Kahit wala akong maalala sa nakaraan ko, hindi ko nagawang magtanong.


Siguro dahil ang gaan ng pakiramdam ko sa pamilya namin. Ni minsan, hindi ko naramdamang hindi nila ako kadugo... Ni minsan, hindi nila pinaramdam sa'king hindi nila 'ko mahal... Ni minsan, hindi ko naramdamang hindi ako parte ng pamilya.


"Hindi na 'ko makahanap ng tamang pagkakataon para sabihin sa'yo yung totoo kasi parang anlayo na... Ang tagal na..." Huminga ng malalim si Papa. Kanina pa siya umiiyak.


"Huwag sanang sumama ang loob mo sa Papa ha..." Pagsusumamo niya. Inabot niya ang kamay ko at hinaplos 'yon.


Para siguro akong baliw ngayon. Nakangiti ako habang umiiyak. "Hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa'yo, Pa," hinigpitan ko ang pagkakahawak sa mga kamay niya. "Dapat pa nga akong magpasalamat sa'yo kasi tinuring mo 'kong parang anak mo... Pinaghirapan mong mapakain ako... Kami ng kambal... Hindi ko magagawang magtanim ng galit sa'yo, Pa."


Pero siguro, may parte lang sa sarili kong nagtatampo dahil may karapatan naman akong malaman yung isang bagay na 'yun tungkol sa pagkatao ko.


Pagkatapos ko sa trabaho ay hindi muna ako umuwi. Alas dos na ng madaling araw pero nandu'n pa rin ako. Ang sabi kasi ni Boss Euan ay dadaan raw si Cassioreon kaya hihintayin ko nalang. Mabuti nalang at pinayagan niya 'kong doon muna tumambay. Nasa'kin naman yung susi kasi opening ako bukas.


"Why... Are you still here?"


Napaangat ang tingin ko kay Cassioreon nang bumaba siya ng kotse niya. Mabuti naman at dumating na siya. Kanina pa kasi ako nilalamok dito sa labas. Ewan ko ba, hindi pa 'ko dinadalaw ng antok. Iniisip ko yung mga sinabi ni Papa... At yung mga itatanong ko kay Cassioreon tungkol sa pagkatao ko.


"Gusto sana kitang makausap," sambit ko.


"At this hour?" Nag-aalalang tanong niya. "Can't it wait for tomorrow? You have to rest."


Umiling ako. "Ang dami ko kasing tanong... Parang hindi ako patutulugin ng konsensya ko hanggat hindi ko sila nasasagot."


Tinimbang niya ang aking ekspresyon bago nagpakawala ng hininga. Umupo siya sa harap ko matapos hubarin ang suot niyang coat. Mukhang kakagaling lang niya sa trabaho at halatang pagod rin.


Pero kailangan ko ng kasagutan sa mga tanong ko... At siya lang ang alam kong makakatulong sa'kin.

Remains in the Sand | Los Quiros Series Book #01Where stories live. Discover now