28

26 0 0
                                    

RITS; Chapter Twenty-eight


"Huy! Hindi na 'yan kailangan!"


Napailing nalang ako at kulang nalang talaga mag-face palm ako sa harap nila. Kasi naman, lahat sila ay bumili ng mga regalo para kay Aro, ang dami! Mga mamahalin pa! Yung kay Leorthon ay relo, yung kay Lach naman ay mga sapatos! Habang yung kay Lincoln naman ay dalawang cake; yung isa ay 'Congratulations, Aroveil' yung nakasulat, habang yung isa naman ay 'You did your best! Bawi next time!'. Naninigurado e!


Hapon pa kasi yung championship nila Aro kaya nag-ensayo pa sila ni Reon sa condo para preparado daw talaga siya mamaya habang nag-aya naman sila Lach na pumunta raw kami dito sa Ayala Malls para sana ilibot lang ako pero nagulat nalang ako nang bilhin na nila lahat ng makita nilang babagay raw sa kapatid ko.


Sobra talaga! Yung isang relo ata, 50k?! Tapos yung mga sapatos naman mula kay Lach ay halos 100k rin! Jusko naman! Balak ata nilang sponsoran nalang rin yung pag-aaral ng kapatid ko! Parang wala lang sa kanilang nagwawaldas sila ng malalaking pera e!


"I could even fund his school tuition kung balak mong dito siya papaaralin sa Bacolod for College," seryosong sabi ni Lincoln. Mukha kasing inaasar siya ng mga pinsan namin kasi cake lang yung regalo niya kay Aro. "And if he plans on taking law, I would stand as his backer."


Tinawanan siya nila Lach at Leorthon at ako naman ay napailing nalang. Nakita kong sumama ang timpla ng mukha ni Lincoln at kulang nalang suntukin niya sila para ipakitang naiinis siya. Itong mga lalakeng 'to, parang laro sa kanila yung pagpapakilala ng yaman nila.


Habang naglilibot kami, naalala ko yung sinabi ni Reon na kilala raw yung mga Los Quiros sa Bacolod dahil ang daming napapatingin sa gawi namin at bumabati sa mga pinsan ko. Nginingitian lang sila ni Leorthon at Lach, habang si Lincoln naman ay maliwanag na hindi sila pinapansin habang inaabala ang sarili niya sa kaniyang cellphone. Mukhang ang dami niyang trabaho. Ilang tawag na rin yung nasagot niya.


Sa Lacson kami kumain para sa pananghalian, sa L Kaisei ata yung restaurant. Japanese restaurant yun— sa pangalan palang at lahat nga ng mga pagkain nila ay ganu'n rin. Yung kilala ko lang ata du'n ay sushi. Ang dami ng in-order nila Lach! Para atang magpapakain sila ng isang baranggay sa dami ng mga pagkain! Mabuti nalang at hindi pihikan sa pagkain ang kapatid ko dahil kung ano yung inilagay sa pinggan niya'y inubos niya.


"How's the food?" Nakangiting tanong ni Lach kay Aro habang pinupunasan ang bibig niya ng table napkin doon.


"It's fine,"


Mahinang natawa naman ang pinsan ko. "You want to try Chinese foods? Pwede ring Korean kung gusto mo,"


Walang naging sagot ang kapatid ko at nakita kong ginulo ni Reon ang buhok niya kaya sinamaan niya ito ng tingin. Sa sasakyan kami ni Reon sumakay, habang nakasunod naman ang tatlo sa likuran.


"Wala ba silang trabaho?" Bumaling ako kay Reon na ang atensyon ay nakatuon sa daan. "Si Lach... Di'ba Mayor siya? Ang dami kaya ng trabaho ng isang Mayor. Saka sila Leorthon at Lincoln, sa Ospital at Korte rin sila."

Remains in the Sand | Los Quiros Series Book #01Donde viven las historias. Descúbrelo ahora