30

22 0 0
                                    

RITS; Chapter Thirty


"Kayleigh? Nasa'n si Kayleigh?"


Kaagad akong napatayo ng marinig ang boses ni Reon. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha at nang makita ako'y kaagad niya akong kinulong sa kaniyang mga bisig. I immediately felt consoled with his warmth kung kaya't mas lalo pa 'kong napaiyak.


"Akala ko nandu'n ka sa inyo? Di'ba... Di'ba umuwi yung mga magulang mo?" Pilit na pinatatagan ang boses kong tanong.


He pulled away and gave me a small smile. Pinahiran niya yung mga luha ko at pinanatili ang kamay niya sa aking pisnge. "They came here with me... As soon as they heard what happened."


Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. Ti-next ko kasing siyang naaksidente si Papa... At dead on arrival nung nasa Ospital na siya... Habang si Mang Pedring naman ay maraming pasa sa iba't-ibang parte ng katawan niya.


"Kayleigh! Ija!"


Kaagad akong napabaling sa pinanggalingan ng boses at nakita ang isang napakagandang ginang habang nakasunod sa kaniya ang isang may katandaan nang lalake. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa'kin at kaagad akong niyakap.


"Goodness! I couldn't even believe that you're... Real," aniya. Bahagya siyang lumayo sa'kin at binigyan ako ng magandang titig at niyakap akong muli. "Goodness, you're really real!"


"Vebi, Kayleigh doesn't remember anything. You might put her in shock," sabi nung lalake sa likod niya.


Kaagad na kumawala sa akin yung tinawag nung lalakeng Vebi bago ako binigyan ng isang tipid na ngiti. "I'm sorry, I just... got overwhelmed."


Marahang ipinulupot ni Reon ang aking bewang mula sa likuran bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko.


Hinarap ko siya't binigyan ng isang maliit na ngiti. "Ang ganda ng Mama mo,"


Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok sa aking mukha. "Mas maganda ka,"


Napailing nalang ako't dinala siya sa loob ng morgue. Kanina pa du'n sila Aro at Ino... Halos ayaw nilang tumigil sa pag-iiyak at hindi manlang nila namalayang nandu'n na 'ko sa labas.


"Kailangan niyong kumain," pag-aalo ko sa kanila nang makalabas na kami ng Ospital.


Kailangan nang ayusin yung bangkay ni Papa kaya lumabas na kami. Iniwan muna ako ni Reon dahil may kailangan raw silang pag-usapan ng mga magulang niya.


"Hindi kaba nalulungkot, Ate?" Biglang tanong ni Ino.


Pakiramdam ko'y bumigat ang dibdib ko. Kinuha ko ang mga ulo nila't isinandal sa aking magkabilang mga balikat. "Ano bang tanong 'yan Ino? Kahit hindi man kami magkadugo ni Papa, tinuring niya pa rin akong anak niya at siya rin yung kinilala kong Papa sa buong limang taong kayo yung kasama ko, kaya syempre, masakit rin sa'kin ang pagkamatay niya."

Remains in the Sand | Los Quiros Series Book #01Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz