Kabanata 29

30 4 0
                                    

Tristan Milandro's 

"So, who's your winner, Mr. Laurente?" I blinked as one of my fellow judges tapped my shoulder to get my attention. 

Maliit na ngumiti ako sa kanya at saka ibinaling ang tingin ko sa stage kung saan naroon ang mga kandidata ng isang patimpalak kung saan ako kinuhang hurado. Napangiwi ako dahil hindi ko alam kung sino ba talaga ang dapat manalo dahil wala naman dito ang atensyon ko kanina kundi nasa sa phone ko at sa panunuyo sa fiancee kong nagtatampo sa'kin dahil lang umuwi ako dito sa hacienda. 

I cursed silently and searched for the most beautiful candidate on the stage. Tutal, this is a freaking beauty pageant kaya tama lang na yung pinakamaganda ang manalo. Napailing na lang ako sa naisip. Ano ba kasi itong pinasok ko? Lalong magagalit sa'kin ang fiancee ko pag nalaman niya ang pinaggagagawa ko dito. 

Hindi naman kasi ako ang dapat na nandito kundi ang tatay ko. Nagkataon lang na nagkasakit siya kaya ako ang pina-attend niya at nakapangako na  siya sa principal ng school na ito na kaibigan niya nung high school pa siya. 

"Sir?" muling tawag ng babaeng katabi ko dahil ako na lang yata ang hinihintay nila. 

Shit, ano bang alam ko sa pageant?! 

My eyes laid on candidate no. 7.  She's really an eye catcher for her face screams perfection. She's beautiful, a little bit shy but also confident in her own way. That silky red dress suits her fair complexion. Her hazel eyes were very captivating, and damn that luscious red lips.  This girl took my breath for a couple of minutes for she embodies grace in every delicate curve and line.

"I'll give my vote to candidate number 7." I said to my fellow judge as my eyes remain fixed upon the stage looking at the most beautiful candidate where she stands like a vision bathed in soft stage lights, a portrait of elegance and allure.

"Now, without further ado, I am thrilled to announce that our Miss Central Integrated National High School is none other than candidate 7, Calilah Agatha Enriquez!" The crowd goes wild upon hearing the announcement as if everyone is also rooting for her. With a wide smile on my face, I stood up and clapped my hands as I watched her claimed her crown and wave her hands to the audience. The stage is really her place. She belonged in there. Everyone must see her beauty. 

-- 

"Kamusta ang lakad mo, Milandro? Nakausap mo ba ang Ninong mo?" kaagad na tanong sa'kin ni Daddy pagkauwi ko ng bahay. Naabutan ko siyang nandito sa garden at naglalaro ng chess kasama ang isang tauhan ng hacienda. Mukhang wala na siyang lagnat gaya ng sabi niya sa'kin kanina kaya ako ang pinagtulakan niyang mag-judge doon. 

Bumuntong hininga ako at naupo sa tabi niya. "It was good but wasn't really my thing. Anyway, thank you daw sa donations mo sabi ni Ninong." 

"Sino pong nanalo sa pageant, Sir Tristan?" napatingin ako sa kalaro ni Daddy nang magsalita ito. Kilala ko siya. Lagi siyang nandito dahil siya lang ang nakakatapat ng tatay ko sa chess. Matagal na siya dito sa amin at naging kaibigan na rin siya ni Daddy. 

Natigilan ako at bahagyang napangiti nang maalala ang mukha ng nanalo kanina. She's really a beauty. Hindi ako magtataka kung malayo ang mararating niya. 

Nagkibit balikat ako saka siya sinagot. "I don't remember her name, but I think her surname is Enriquez." 

Nagulat ako nang pumalakpak ang kalaro ni Daddy na para bang tuwang-tuwa siya. "Ang galing talaga ng Lila ko" 

Napakunot ang noo ko. "You know her?" 

Natawa si Daddy. "Anak niya si Lila. Madalas niyang ikwento sa'kin ang batang iyon. Napakabait daw nito at napakaganda pa"

GalimgimWhere stories live. Discover now