Kabanata 11

13 4 0
                                    

Calilah Agatha's

"Ate, gising! Nasa labas si Sir Tristan. Ayaw siyang papasukin ni Tatay!" napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sinabi ni Ataliah. Kagabi ay nakatulog na lang ako sa pag-iyak sa di malamang dahilan kaya nakalimutan kong susunduin nga pala ako ni Sir Tristan ngayong umaga.

Mabilis na bumangon ako at lumabas ng kwarto. Muntik pa akong mahulog sa hagdan kung di lang ako nakahawak sa baradilya pero wala akong pakialam. Naririnig ko kasi ang sigaw ni tatay sa labas. "Lumayas ka dito, Laurente! Wala na kaming utang sa inyong mga sakim kayo! Pati yung mga kinuha ko noon sa inyo ay nabayaran ko na! Patas na tayo!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sir Tristan na kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa Tatay kong galit na galit. May hawak pa itong itak habang naglilitanya sa amo ko. "Akala niyo kung sino kayo porket may pera lang kayo?! Pwes, pareho na tayong may pera ngayon, Laurente! Kayang-kaya na rin kitang ipabugbog dito ngayon gaya ng pinagawa sa'kin ng tatay mo noon!"

"Tay!" kaagad na lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niyang may hawak na itak. Pilit ko yung kinukuha sa kanya pero sadyang matigas siya. Napangiwi ako nang tabigin niya ako dahilan para mapaupo ako sa lupa. "Wag kang makialam dito, Calilah. Pasok sa loob!"

Hindi ko inintindi si Tatay. Nilingon ko si Sir Tristan na dagling tiningnan lang ako bago muling binalingan si Tatay. Tumaas ang sulok ng labi niya. "Paano ka nga nagkapera, Manding? Sa sabong? Sa casino o sa droga?"

Napasinghap ako at muling nilingon si Tatay na ngayon ay mas nanggagalaiti ang itsura. "Tumahimik ka, Laurente! Wag kang makialam sa buhay ko! Lumayas ka na dito. Hindi na babalik sa inyo ang anak ko!"

Natawa si Sir Tristan at naiiling na lumapit sa'kin para tulungan akong tumayo. Parang hindi siya  natatakot sa itak ni tatay. Hindi niya inintindi ito kahit nagtatatalak pa rin hanggang ngayon. Kung hindi siguro siya hawak ni Ataliah ay baka nasugod na niya ngayon ang amo ko.

"Nasaktan ka ba, Calilah?" nakangiting tanong sa'kin ni Sir Tristan nang makalapit siya. Umiling lang ako kaya ginulo niya ang buhok ko at saka inalalayan akong makatayo.

"Hinahanap ka ni Daddy kagabi pa" sabi niya habang iniipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa nakakatunaw niyang mga mata na nakatitig sa'kin. "Sasama ka ba sa'kin pauwi ng hacienda?"

"Calilah, lumayo ka sa lalaking yan!" rinig kong sigaw ni tatay pero hindi ko magawang mag-iwas ng tingin kay Sir Tristan. "Gahaman ang mga Laurente na yan! Mayayabang porket mayaman!"

"Your father is pissing me off" natatawang bulong sa'kin ni Sir Tristan kaya napakurap-kurap ako. Natauhan ako bigla na nagkakagulo pa nga pala dito sa'min dahil sa pag-aamok ni Tatay.

"K-kailangan kong kausapin si Tatay" sagot ko sa kanya at saka nag-iwas ng tingin. Nilingon ko si Tatay na ang sama-sama na ng tingin sa'kin. Natatakot dahil ganun ang tingin niya sa tuwing bubugbugin niya kami noong mga bata pa lang kami. Napahawak ako sa laylayan ng damit ni Sir Tristan. Napatingin naman ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon. Kinindatan niya ako at bahagyang hinila para itago sa likod niya.

"Look, Manding. Wala akong intensyong masama. Hindi mo kailangang magalit dahil hindi naman ako nandito para manggulo. Gusto ko lang sunduin si Calilah" mahinahon niyang sabi kay Tatay. Lalo naman akong humanga sa kanya. Sa kabila ng pagkapikon niya ay nagpapakita pa rin siya ng paggalang sa tatay ko kahit papaano. "Saka bakit ba nagagalit ka? Di'ba ikaw ang may gustong makilala ko si Lilah? You even said that you will be happy kung pakakasalan ko siya"

Ngumisi si Tatay. "Sinabi ko lang yun noon dahil wala na akong maisip na paraan para makabayad sa utang ko sa ama mo"

May gumuhit na sakit sa dibdib ko. Alam ko naman yun pero masakit talagang sa bibig mismo ng sarili kong ama ko naririnig na pambayad utang lang pala ako para sa kanila.

GalimgimWhere stories live. Discover now