Kabanata 5

29 5 0
                                    

Calilah Agatha's 

"Ayos ka lang ba talaga, Lila? Kung gusto mo, ako na lang muna ang magpapakain kay Sir Tristan pagkagising niya" nag-aalalang tanong sa'kin ni Ate Lourdes, isa sa mga kasambahay ng mga Laurente. Kanina ko lang siya nakilala pero ramdam kong totoo ang pag-aalala niya sakin. 

Tipid na ngumiti ako tumango. Nagthumbs-up pa ako sa kanya para ipakitang ayos lang ako kaya sa huli ay ngumiti na lang siya. Binuhat ko ang tray na naglalaman ng pagkain ng amo ko. Sigurado akong magigising na yun dahil tanghali na. Hindi naman kasi malala ang pinsala niya. Ang kwento ni Don Sofronio ay nahulog daw ito sa  kabayo kaya napilayan. 

Nang makarating ako sa kwarto niya ay dahan-dahang inilapag ko ang pagkain sa bedside table. Tulog pa rin ang mokong kaya malaya ko siyang napagmamasdan. Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga siya kilala. Hindi ko nga alam na may anak pala ang pinakamayamang tao dito sa bayan namin. Sabi ko nga noon, wala naman akong pakialam sa kanila. Ang alam ko lang ay amo sila ng Kuya Arnulfo ko. Hindi rin sila binabanggit ni Kuya sa'min pag umuuwi sila bahay.

Speaking of Kuya Arnulfo, mula nang dumating ako dito ay hindi ko pa sila nakikita ng pamilya niya. Marahil dahil sa kasalanan ni Tatay ay pinalayas na rin sila dito. Siguro ay doon sila tumuloy sa karatig bayan kung saan naninirahan sina Kuya Patricio - ang pangalawa kong kapatid at ang pamilya niya. May maliit na sakahan kasi doon ang pamilya ng asawa ni Kuya Patricio at iyon ang kanilang ikinabubuhay. 

"What are you doing here?" napakurap-kurap ako nang makarinig ako ng isang tila ba paos na tinig. Nakita kong gising na ang amo ko at kunot na kunot ang noong nakatingin sa'kin. Salubong na salubong ang makakapal niyang kilay na tila ba hindi siya natutuwang ako ang nabungaran niya ngayong umaga. Pasimpleng napairap ako. Para namang natutuwa din akong makita siya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at binalingan ang pagkain niya. Inayos ko ang isang maliit na lamesa at inilagay iyon sa kama. Doon ko inayos ang mga pagkain niya. Sa lahat ng iyon ay nakamasid lang siya sa akin. 

Matapos kong ayusin ang pagkain niya ay inalalayan ko siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Hindi na naman siya nag-inarte pa kaya madali lang siyang nakaupo nang maayos. 

Nang muli akong napatingin sa kanya ay tinaasan niya ako ng kilay. "Ano ngang ginagawa mo dito?" 

Nagkibit balikat lang ako at inginuso ang pagkain niya. Tumaas naman ang sulok ng labi niya. "Pipi ka ba talaga?" 

Muli ay nagkibit balikat ako at hindi na inabala ang sariling sumagot. Hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanya. Naririto lang ako para sa kapatid ko. Pag nasiguro kong maayos na ang kalagayan niya ay aalis rin ako dito. At habang pinakikinabangan nila ako dito ay pakikinabangan ko din sila. Ipapaalala ko kay Don Sofronio ang pangako niyang pag-paaralin ako. Mag-aaral akong mabuti at magtatapos ako. Babayaran ko ang utang namin sa kanila at aalis na ako sa landas nila. Mga taong mapagsamantala sa kahinaan ng iba. 

"Kailangan kong pumunta ng banyo" rinig kong sabi niya kaya bigla akong kinabahan. Pati ba sa banyo ay kailangan ko rin siyang alalayan?

Napangiwi siya nang pilit na iginalaw ang paa at binti niya. Hindi pa siya tuluyang nakakababa sa kama ay pawis na pawis na siya kahit bukas naman ang aircon. Siguradong masakit talaga yung pilay niya.

Napakamot ako sa ulo ko at dali-daling lumapit sa kanya. Tinulungan ko siyang makatayo. Kaagad na umakbay naman siya sa'kin at pinilit ang sariling makatayo.

Dahan-dahan lang ang lakad namin hanggang sa makarating kami sa banyo. Nakaalalay pa rin ako sa kanya habang nagsisipilyo siya at naghihilamos. Ilang na ilang ako dahil masyado siyang malapit pero wala naman akong magagawa. Trabaho ko ito.

Iniisip ko na lang ang kapatid ko. Sa lahat ng sakripisyo ko ay siya ang nasa isip ko.

"I need to pee" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Pati na naman sa pag-ihi ay kailangang nakaalalay pa rin ako?! Kasama ba talaga yun sa trabaho ko?!

Hindi na ako nakaalma nang ihakbang niya ang isa niyang paa. Dahil nga nakaakbay siya sa akin ay wala akong nagawa kundi ang mapasunod sa kanya.

Nang makarating kami sa harap ng toilet bowl ay mariing ipinikit ko ang mga mata ko. Narinig kong natawa siya kaya lalong namula ang mukha ko.

Nang marinig ko ang pagflash ng toilet ay saka lang ako nagmulat ng mata. Bahagyang napaatras pa ako nang makita kong nakatitig siya sa'kin habang may mapaglarong ekspresyon sa mukha.

"Sabi ni Daddy, ikaw daw ang mapapangasawa ko. Bakit nahihiya ka pang makita yun?" pang-aasar niya kaya nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling hinampas siya sa balikat. Napahalakhak naman siya sa reaksyon ko.

Naiinis ako. Kung hindi ko lang siya amo ay binigwasan ko na siya. Ang bastos niya at ang yabang pa.

Matapos niyang gawin ang mga dapat gawin sa banyo ay muli ko siyang inalalayan pabalik ng kama. Habang magana siyang kumakain ay nagtutupi ako ng mga damit niyang bagong laba. Madali lang naman ang mga bagay na ito sa'kin dahil sanay na ako sa lahat ng gawaing bahay.

Pagkatapos kong isalansan ang mga bagong tuping damit niya sa closet ay muli ko siyang binalingan. Tapos na siyang kumain at sa kasalukyan ay nagsecellphone. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatitig sa kung anong nasa aparato niya.

Lumapit ako sa kanya at dahan-dahang niligpit ang mga pinagkainan niya. Ilang beses kong narinig ang mga pabulong na mura niya kaya sigurado akong hindi maganda ang nababasa niya sa cellphone niya.

"Kailangan kong maligo" biglang sabi niya kaya natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko. Pati ba sa pagligo niya ay kailangang nakaalalay parin ako?!

Tumaas ang kilay niya. "What? Can't you hear me? I need to take a bath! Kailangan kong bumalik sa Maynila dahil kailangan ako sa office ko" maaskad na sabi niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Anong gagawin ko?! Ayokong samahan siyang maligo! Amo ko siya at lalaki siya. Hindi tama yun!

"Tsk! Just call my dad!" tila ba pikon na pikon na sigaw niya kaya napapitlag ako at nagmamadaling lumabas ng kwarto niya. Pagkasara ko ng pinto ay napahawak na lang ako sa pader habang hinahabol ang hininga ko. Dito pa ata madedevelop ang nerbyos ko!

Noong kalmado na ako ay nagmamadaling hinanap ko si Don Sofronio. Kaagad ko naman siyang nakita sa lanai habang umiinom ng kape.

"Magandang umaga po, Don Sofronio. Pinatatawag po kayo ni Sir Tristan" magalang na sabi ko sa kanya. Bumakas naman sa mukha niya ang pag-aalala sa anak. Walang sali-salitang kinuha niya ang kanyang baston at nauna nang maglakad sa'kin papasok ng mansyon. Kakamot-kamot sa ulong sumunod naman ako sa kaniya.

"Hindi ka pa pwedeng bumalik ng Maynila, anak. Hindi ka pa magaling" mahinahon ang boses ng matanda habang kausap ang anak. Nanatiling nakatayo naman ako sa may pinto ng kwarto habang nakikinig sa kanila.

"Dad, the company needs me. Halos tatlong buwan na akong nandito sa hacienda. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho." mahinahon din ang boses ni Sir Tristan pero ramdam ko yung frustrations niya.

"Anak, magpagaling ka muna. Hindi kita papayagang bumalik doon hangga't hindi ka pa magaling" bakas sa boses ng matanda ang pag-aalala. Mukhang close silang mag-ama.

Pagak na natawa si Sir Tristan. "Alam mong hindi ako basta-basta gagaling, Dad. Hangga't hindi ko nakikita si Selene ay hindi ako gagaling" pahina nang pahina ang boses ng amo ko. Nang silipin ko siya ay nakita kong nakayuko siya habang kuyom na kuyom ang mga kamay.

Napabuntong hininga si Don Sofronio at naupo sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang kamay ni Sir Tristan at marahang pinisil. "Anak, wala na si Selene. Tanggapin mo na lang ang katotohanang hindi na siya babalik sayo"

Hindi ko na narinig ang tugon ni Sir Tristan. Humiga ito sa kama at nagtalukbong ng kumot. Bumuntong hininga naman si Don Sofronio habang nakatitig sa anak. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman nilang mag-ama.

At sa mga oras na ito, sigurado akong hindi lang ang pilay ni Sir Tristan ang dapat pagalingin. Kundi ang mas malalim pang pinanggagalingan ng sakit na nararamdaman niya.

..

GalimgimWhere stories live. Discover now