Kabanata 12

14 4 0
                                    

Calilah Agatha's

Matapos ng usapan namin ni Tatay ay umuwi ako sa condo ni Sir Tristan at nagkulong sa kwarto. Iyak lang ako nang iyak dahil ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Ipinanganak lang ba ako ng mga magulang ko para maging taga bayad ng utang nila? Kailan ba magiging normal ang buhay ko?

"Ate, anong nangyayari? Labas ka na diyan, please" kanina pa ako kinakatok ni Ataliah pero wala akong lakas para tumayo at pagbuksan siya. Nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Gusto ko na lang matapos ang lahat ng ito. Ayoko na ng gulo.

Sabi ni Tatay, 53 years old na daw si Wilson Ong at wala pa itong asawa at anak. Sobrang yaman daw nito pero ang negosyo nito ay pawang mga ilegal. Hindi nahuhuli dahil hawak niya ang mga may matataas na ranggo sa pulisya. Napaka unfair ng mundo, ng tadhana at ng mga taong sakim!  Bakit ba mayroon pang mas makapangyarihan? Hindi ba pwedeng pantay-pantay na lang ang lahat ng tao sa mundo?

"What's happening here?" napalingon ako sa pinto nang narinig ko ang boses ni Sir Tristan. Bakit parang ang aga naman niyang umuwi?

"Kasi po, Sir umiiyak si Ate pagkarating niya tapos ayan, nagkukulong sa kwarto. Kanina pa po ako kumakatok pero ayaw akong pagbuksan" sumbong ng kapatid ko kaya napabuntong hininga ako. Nakakahiya tuloy sa amo ko. Baka sabihin nya, ang drama ko.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Sir Tristan ngunit hindi naglaon ay narinig ko ang pagclick ng doorknob. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at marahang pumasok ang amo ko. "Calilah? Are you okay?"

Dahil sa hiyang nararamdaman ay nagtalukbong ako ng kumot. Ayokong makita niyang umiiyak na naman ako. Baka makadagdag pa ako sa inaalala niya. Hiyang-hiya na ako sa kanya.

Lumugso ang kama at naramdaman kong dahan-dahan niyang inaalis ang kumot na nakatalukbong sa'kin. "What's happening, Calilah? May problema ka ba?"

Hindi ako nagsasalita. Nanatiling nakapikit ako dahil ayoko siyang tingnan. Narinig kong natawa naman siya. "Hindi mo na naman ako kakausapin? Sige ka, baka magsisi ka ma --"

Kaagad na nagmulat ako ng mata at pinilit ang sariling bumangon para makaupo sa kama. Natawa siya kaya tiningnan ko siya ng masama. Lagi na lang ganun ang panakot niya pag hindi ko siya kinakausap. Nakakainis siya minsan!

Tinaasan niya ako ng kilay na parang naghihintay ng paliwanag ko kaya napabuntong hininga ako at saka niyakap ang mga tuhod ko. "Kailangan ko nang umalis dito, Sir Tristan"

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Saan ka pupunta?"

Ngumuso ako. "Mag-aasawa na ako"

Lalong nangunot ang noo niya. "Ha? High ka ba? Aba, Calilah! Pinapayagan kitang pumunta sa bar pero hindi ko sinabing mag-adik ka!"

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. Muli ay naramdaman ko ang pang-iinit ng sulok ng mga mata ko. "S-sir, di'ba magkaibigan naman tayo?"

Yun ang sabi niya sa'kin nang tanungin ko siya minsan kung anong tingin niya sa'kin dahil ayaw niyang tanggapin na katulong niya ako. Kaibigan daw niya ako. Medyo masakit kasi may part sa'kin na umasa na baka pwedeng higit sa kaibigan ang tingin niya pero wala naman akong magagawa. Hindi naman napipilit ang nararamdaman.

Naguguluhang tumango naman siya. "Of course. Ano bang problema? May kailangan ka ba?"

Lalo akong naiiyak kasi ang lumanay ng boses niya. Yung tono niyon ay parang sinasabi na magiging okay din ang lahat basta kasama ko siya dahil hinding-hindi niya ako pababayaan.

Bumuntong hininga ako at saka mapait na ngumiti. Ikinwento ko sa kanya ang naging usapan namin ni Tatay. Tahimik lang siya at matamang nakikinig sa'kin habang sinasabi ko sa kanya ang lahat ng hinanakit ko.

GalimgimWhere stories live. Discover now