Kabanata 25

9 4 0
                                    

Calilah Agatha's

"Hi, Ate! Nandito ka pala. Pasok ka" nakangiting paanyaya sa'kin ni Kamilah nang makita akong nasa labas ng bahay nila. Actually ay kanina pa ako roon pero nahihiya akong kumatok. Hindi naman kasi ako sanay na magkagalit kami ni Ataliah. "Kumain ka na ba, Ate?"

Tumango ako bilang sagot at saka nginitian siya. "Nasaan si Nanay? Ang Ate Liah mo?"

"Si Nanay ay naroon sa kanluran. Anihan kasi ng lanzones ngayon kaya tumutulong siya dun. Si Ate Liah naman ay pumasok sa part-time job niya" sagot ng kapatid ko kaya napatango-tango ako.

"Anong course ang kinuha ni Ataliah? Saka ikaw, anong grade mo na?" curious na tanong ko. Ang dami ko kasi talagang namissed sa buhay ng mga kapatid ko.

"Nursing ang course ni Ate Liah, Ate. Alam mo ba, idol ko yun. Working student siya tapos Dean's Lister pa. Tapos nung grumaduate siya sa nung junior at senior high school, with highest honors pa siya!" pagmamalaki ni Kamilah sa kapatid namin kaya napangiti ako. Ang galing-galing talaga si Ataliah. Sobrang proud ako sa kanya. Siya ang unti-unting tumutupad sa mga pangarap ko noon. Sana mapatawad na niya ako. Miss na miss ko na siya. "Tapos ako naman, Ate ay grade 6 na. Nag-exam ako para ma-accelerate at hindi ko na pagdaanan ang mga naiwan kong grade level nung nagkasakit ako. Buti na lang talaga at magaling na tutor si Ate Liah"

Naluluhang niyakap ko ang kapatid ko. Ngayon ay napapatanong ako sa sarili ko kung paano ko sila nagawang talikuran ng matagal na panahon. Kailangan kong bumawi sa kanila.

Tinulungan ko si Kamilah na magluto ng pagkaing ihahatid kay Nanay sa Kanluran. Kanina ay narinig kong pupunta rin doon si Tristan para tumulong kaya dinagdagan ko na ang pagkain. Ang mga anak namin ay kasama ng lolo nila na maggala sa mall kaya pareho kaming walang alaga ngayon.

Pagkatapos naming maghanda ni Kamilah ay sumakay kami sa golf cart at nagtungo sa Kanluran. Maraming tao doon dahil talaga namang hitik sa bunga ang mga lanzones na narito. Noon pa man ay kilala na ang haciendang ito sa pagsusupply ng iba't-ibang prutas sa loob at labas ng bansa. Mas kilala nga lang sila sa lanzones, pakwan at pinya.

Pagkarating namin ni Kamilah doon ay mabilis ko lang namataan si Tristan. Walang suot na pang-itaas ang walanghiya at pawis na pawis na rin ito. May pasan-pasan siyang basket na punong-puno ng naaning lanzones. At dahil nga hubad-baro siya ay kitang-kita ko ang mga langgam na gumagapang sa likod niyang pulang-pula na.

Lumapit ako sa kanya at gamit ang towel na dala-dala ko ay pinagpagan ko ang likod niya. Gulat na gulat siya nang makita ako. Dahan-dahang ibinaba niya ang basket at saka nginitian ako. "Bakit ka nandito? Namiss mo ko?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Magtigil ka! Manhid ka ba? Hindi mo ba nararamdaman yung mga kagat ng langgam?!"

Ngumisi siya at nang-aasar na pinagalaw-galaw ang kilay. "Talaga? Nilalanggam ako? Well, ganyan kasi ako kasweet"

Naiinis na tumingkayad ako at sinabunutan siya. "Nakakainis ka kamo! Bahala ka nga diyan!"

"Naku, Senyorito, baka naglilihi na naman po yang asawa ninyo kaya parati na lang galit" rinig kong sabi nung isang lalaki kaya nanlaki ang mga mata ko. Sinundan pa iyon ng kantyaw ng iba pang mga tauhan na nagpa-init ng magkabilang pisngi ko.

Lalong ngumisi si Tristan at saka inakbayan ako. "Ganun po ba yun, Mang Isko?"

Aba't sinakyan pa talaga ng gagong 'to ang trip ng mga tao sa paligid namin!

"Opo, Senyorito. Ganyang-ganyan ang asawa ko nung naglilihi sa bunso namin. Palaging ayaw akong makita pero gusto naman laging nakayakap sa'kin" hirit pa ni Mang Isko kaya lalong nagtawanan ang lahat. Maging si Tristan ay nakitawa pa habang nakaakbay pa rin sa'kin at hinaplos-haplos ang kabilang pisngi kong sobrang init na. Siguradong pulang-pula na ako ngayon.

GalimgimWhere stories live. Discover now