Kabanata 14

9 4 0
                                    

Calilah Agatha's

Christmas eve na at nagkakasayahan ang lahat. Narito ang lahat ng mga tauhan ng hacienda at masayang ipinagdiriwang ang pasko. Nakakatuwa dahil may ganitong side ang mga Laurente. May malasakit sila sa mga taong nagsisilbi sa kanila at halatang mahal na mahal sila ng mga ito.

"Merry Christmas, Ate!" masayang bati sa'kin ni Liah sabay yakap kaya napahagikhik ako. Hinalikan ko siya sa pisngi at saka pinisil ang ilong niya.

"Merry Christmas, Taling!" pang-aasar ko kaya inirapan niya ako. Tinawanan ko lang naman siya.

"Sana sa bagong taon ay kasama na nating magcelebrate sina nanay at Kamilah." sabi niya habang nakayakap sa bewang ko. Nasa ospital pa rin kasi hanggang ngayon si Kamilah at binabantayan naman siya ni Nanay. Sabi ng mga doktor ay maganda daw ang progress ng kapatid ko. Maganda daw ang pagtanggap ng katawan nito sa mga medikasyon at sa bago niyang puso. Sapat nang regalo sa'kin yun ngayong pasko.

"Wag kang mag-alala. Kung hindi pa man makakalabas ng ospital si Kamilah sa bagong taon ay tayo ang dadalaw sa kanya para sama-sama tayong magcelebrate" pampalubag loob ko sa kanya kaya kahit papaano ay napangiti siya.

"Lila, nakita mo ba si Tristan?" napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Don Sofronio.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nagkakasiyahan ang lahat. May nag-iinuman, nagkakainan, may nagkakantahan at sayawan. Busy ang lahat pero hindi mahagip ng mga mata ko si Tristan. Muli kong binalingan ang Don. "Hindi ko po napansin, Don Sofronio. Kanina po ay nandito lamang siya. Bumati pa nga po sa'kin"

"Ganun ba? Baka pikon pa rin iyon dahil naulit ko sa kanya ang kasal ninyo. Sinabi ko kasing tutulong lang ako sa kompanya niya kung magpapakasal siya sayo" nanlaki ang mga mata ko. Alam kong may malaking problema ang kompanya ni Tristan ngayon pero hindi ko akalaing gagamitin ni Don Sofronio yun bilang oportunidad para ituloy ang binabalak niyang pagpapakasal sa'min ng anak niya.

Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Bakas sa mukha ng Don ang labis na pag-aalala kaya alanganing nginitian ko na lang siya. "Sige po, hahanapin ko po siya. Sigurado naman pong hindi yun aalis ngayong gabi dahil nasa akin ang susi ng kotse niya"

May pagkaburara kasi ang lalaking yun. Kung minsan ay nawawala ang mga gamit niya at nahihirapan siyang maghanap kaya sa'kin niya pinapatago ang mahahalagang gamit niya.

Nagpaalam ako sa Don at saka tinalikuran na siya. Una kong pinuntahan ang kwarto ni Tristan pero wala siya doon. Sunod ay ang man cave niyang paborito din niyang tambayan pag narito sa hacienda pero wala din siya doon. Nagtungo din ako sa kwadra, sa hardin at sa pool area pero wala din siya doon.

Hingal na hingal na napaupo ako sa bench na narito sa hardin at saka napayakap sa katawan ko. Ang lamig lamig ng simoy ng hangin at tanging dress at manipis na cardigan lang ang suot ko. Ang sakit-sakit na ng paa ko pero hindi ko pa rin makita si Tristan. Hindi naman kasi biro ang distansya ng mga pinuntahan ko. Napakalawak ng lugar na ito at kailangan mo talagang sumakay sa golf cart or sa kabayo kung gusto mong ikutin ang kabuuan ng hacienda.

Saan ba kasi nagsusuot ang lalaking yun?! Nasa garahe naman ang kotse niya kaya sigurado akong hindi siya umalis.

Napatayo ako at napatapik sa noo nang maalalang may isa pa palang lugar akong hindi napupuntahan.

Ang lake!

Hindi na ako nag-abala pang kumuha ng golf cart dahil sa pagmamadali. Tinakbo ko na lang ang distansya ng hardin ng mansyon at ng paboritong lugar ni Tristan dito sa hacienda.

Kahit malamig ang simoy ng hangin ay pinagpawisan pa rin ako dahil sa pagtakbo. Pagkarating ko doon ay napahawak ako sa tuhod ko dahil sa sobrang hingal. Pero hindi ko inalintana iyon dahil sa wakas ay nakita ko na ang taong kanina ko pa hinahanap. Nakaupo siya sa ilalim ng puno habang nakatingin sa lawa.

Madilim sa pwesto niya pero maraming alitaptap sa paligid na nagbibigay ng mumunting liwanag. Tila ba mga Christmas lights ang mga yun na nakikidiwang din ng pasko. Ang ganda-ganda nilang pagmasdan.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang lumapit kay Tristan. Naupo ako sa tabi niya. Nagtatakang lumingon naman siya sa'kin kaya nginitian ko siya. "Hi. Anong ginagawa mo dito?"

Masaya ako dahil wala akong nakitang alak na hawak niya. Hindi rin siya amoy nakainom. Mukhang gusto lang niyang mapag-isa at mag-isip-isip. Ganun ba talaga niya kaayaw na pakasalan ako? Kung sabagay, mahal na mahal niya kasi talaga si Selene.

Bumuntong hininga siya at saka hinubad ang jacket na suot. Ipinatong niya iyon sa balikat ko kaya mas lumapad ang pagngiti ko. "May iniisip lang ako. Bumalik ka na dun. Baka magkasipon ka pa"

"Paskong pasko pero parang ang lungkot mo" komento ko kaya natigilan siya. Muli ay tumingin siya sa lawa.

Matagal siyang nanahimik. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataong titigan siya. Hindi ko mawari ang nasa isip niya. Ilang beses ko na siyang nakitang malungkot, wasak at balisa pero parang may kakaiba ngayon. Bukod sa wala siyang hawak na alak ay hindi ko na nararamdaman ang sakit na nagmumula sa kanya. Nararamdaman ko ang lungkot pero hindi na yung sakit.

Ilang beses siyang bumuntong hininga bago ako lingunin. "I want to move on, Calilah"

Bahagyang napasinghap ako nang marinig ko ang sinabi niya. Kitang-kita ko ang lahat ng emosyon sa mga mata niya at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa mga matang yun.

"I don't want to be miserable and sad anymore" ngumiti siya ng maliit pero kasabay ng mga ngiting iyon ay ang pagtulo ng mga luha niya.

Gamit ang nanginginig na mga kamay kay hinaplos ko ang pisngi niya at pinawi ang mga luha niya. "Then let go, Tristan. Leave all those hesitations and pain behind and start a new. Nandito kami para sayo"

Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya at saka siya pumikit. Nanatiling nakatitig naman ako sa kanya. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero alam ko ang limitasyon ko.

Unti-unting nagmulat siya ng mata at sinalubong ang tingin ko. "Can you help me, Calilah?"

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Lunod na lunod na ako sa lahat ng emosyong pinapakita niya kaya tanging tango na lang ang naisagot ko.

Sa isang iglap ay nakapaloob na ako sa mga bisig niya. Nakasiksik ang mukha niya sa at mas hinigpitan pa ang pagyakap.

Ilang sandali pa ay bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at sinapo ang mukha ko. Mataman niya akong tinitigan sa mata habang hinahaplos ng mahahaba niyang daliri ang labi ko. "Will you marry me, Calilah?"

Doon tuluyang tumulo ang mga luha ko. Narinig ko na naman ang salitang may kauganayan sa kasal pero hindi na lungkot at sakit ang nararamdaman ko kundi labis na kaligayahan.

Sa mga oras na ito, napatunayan ko sa sarili kong mahal ko na si Tristan. Mahal na mahal ko siya kaya kahit na alam kong gagamitin lang niya ako para makalimot at para matulungan ang kompanya niya ay wala akong planong tumanggi sa alok niya. Gusto ko siyang tulungan. Gusto ko siyang makasama. Gusto kong makita na masaya siya.

Nakangiting tumango ako at saka yumakap sa kanya. "Yes, Tristan. Pakakasalan kita"

...

GalimgimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon