Kabanata 8

21 4 0
                                    

Calilah Agatha's

"Tuloy ka, Calilah" nakangiting paanyaya sa'kin ni Sir Iñaki nang makapasok kami sa condo unit na pagmamay-ari daw ni Sir Tristan.

Sa kompanya na kasi nagpadiretso ang amo ko at pinakiusapan lang niya si Sir Iñaki na ihatid ako dito. Mukhang hindi na talaga siya nakapaghintay na makabalik sa trabaho.

"Magpahinga ka muna doon sa kwartong iyon habang hinihintay mong makauwi si Tristan. Kailangan ko na rin kasing bumalik sa opisina ko. Una na ko" paalam niya bago tuluyang lumabas ng pinto. Mukhang nagmamadali din siya dahil habang nasa elevator kami paakyat dito ay tingin siya nang tingin sa relo niya.

Napabuntong hininga na lang ako nang maiwang mag-isa. Hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa'kin dito sa syudad. Bukod sa hindi ako pamilyar dito ay hindi rin ako sanay sa mga kalakaran dito. Nahihiya naman akong umasa sa amo ko. May sarili din siyang buhay dito at hindi niya ako responsibilidad.

Binuhat ko ang mga gamit ko at dinala sa kwartong itinuro sa'kin kanina ni Sir Iñaki. Malaki ang condo ni Sir Tristan. Nasa pinakamataas na palapag ito ng building na halos ikalula ko kanina habang nakasakay ako sa elevator.

Malinis naman ang lugar pero hindi ganun kaorganisado. Alam mong lalaki talaga ang nakatira dahil halos itim lang ang kulay ng wall, furniture, appliances at mga kurtina. Pakiramdam ko tuloy ay ang dilim dilim kahit halos lahat ng ilaw ay nakabukas na.

Inayos ko ang mga gamit ko sa kwartong ibinigay sa'kin. Mukha namang walang gumagamit ng kwartong ito dahil tanging mga extrang kumot, bed sheets, unan at punda ang laman ng closet. May mga unused hygiene kit din sa banyo. Baka guest room ito ni Sir Tristan.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas ako ng kwarto. Hindi naman ako inaantok at hindi rin ako napagod sa byahe kanina kaya habang naghihintay sa amo ko ay nilinis ko ang buong unit niya. Maging ang mga kurtina  at sofa cover ay pinalitan ko na din ng light colors para kahit papaano ay lumiwanag ang paligid.

Pagkatapos kong linisin ang living room ay dumeretso ako sa kusina. Naglinis din ako doon at inorganize ang mga gamit niya. Kumpleto at mukhang mamahalin ang mga kitchen utensils and tablewares niya pero kalat-kalat. Parang kung anong unang cabinet ang mabuksan niya ay doon lang niya ilalagay ang mga nahugasang niyang gamit. Hindi ba siya nahihirapang maghanap pag ganun?

Kahit maliit ang bahay namin sa probinsya at kakaunti ang gamit ay sinisiguro kong organisado ang lahat. Ayoko kasi nang naghahanap ako lalong lalo na pag nagluluto.

Matapos kong maglinis sa kitchen ay cr naman ang nilinis ko. Nakakapagtakang may mga gamit ng babae doon gaya ng feminine wash, shampoo, lotion at iba pang skin care essentials. May iba pa bang kasama si Sir Tristan dito?

Napabuntong hininga ako nang matapos kong linisin ang buong condo unit. Hindi ko maiwasang mapagiti dahil ang aliwalas na ng paligid. Ibang-iba na siya sa nadatnan ko kanina. Sana lang talaga ay wag magalit ang amo ko sa pagiging pakialamera ko.

Nang mapasulyap ako sa wall clock ay nakagat ko ang ibabang labi ko nang makitang 8:00 pm na. Ganun ba ako katagal naglinis? Pero kahit na ganun ay hindi ako nakaramdam ng pagod.

Napangiwi ako nang kumalam ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako nagtatanghalian at hapunan. Ang huling kain ko ay kanina pang 10 am nung nagstop over kami. Dahil sa paglilinis ay hindi ako nakaramdam ng gutom.

Pero teka, nasaan ba ang amo ko? Sabi niya kanina ay sasaglit lang siya sa opisina niya pero hanggang ngayon ay wala pa siya. Hindi siya pwedeng magpakapagod dahil baka lalong mabinat siya at lalong hindi gumaling ang pilay niya.

Kumalam ulit ang tiyan ko kaya napakamot ako sa ulo ko at muling nagpunta sa kusina. Nagbukas ako ng ref para maghanap ng pwedeng iluto pero napabuntong hininga na lang ako nang makitang puro alak at beer lang ang laman nun. Kanina pa rin ako naghahanap ng pwedeng makain dito pero wala talaga akong makita. Ni bigas nga ay hindi ko rin makita. Kumakain ba ang amo ko?

GalimgimWhere stories live. Discover now