Kabanata 17

11 4 0
                                    

Calilah Agatha's

Maaga akong nagising kinabukasan or more on hindi talaga ako nakatulog dahil sa mga nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin yung sakit, yung takot kay Don Sofronio at yung panliliit sa sarili ko.

Ang gusto ko lang naman ay makapag-aral at matulungan ang pamilya ko. Hindi naman ako naghahangad ng sobra. Nagkamali lang ako dahil minahal ko si Tristan at ibinigay ko sa kanya nang buong-buo ang sarili ko.

Siguro nga ay tama si Nanay noon. Masyado akong ambisyosa. Na masyadong mataas ang pangarap ko. Kaya heto ako ngayon. Wala pa akong nararating pero masakit na ang lagapak.

Nagtungo ako sa kusina para magluto sana ng agahan ngunit kaagad na nahinto ang mga paa ko sa paghakbang nang makita kong may nauna na sa akin doon.

Sa harap ng kalan ay naroon si Selene na nagpiprito ng kung ano sa kawali. Mukhang maganda ang gising niya dahil rinig ko ang mahinang paghimig niya. Suot niya ang isa sa mga t-shirt ni Tristan at ang mga buhok niya ay basta na lang tinipon at pinusod.

Sino ba naman ang hindi gaganda ang gising kung ang una mong mabubungaran ay ang taong pinakamamahal mo?

Lumingon sa pwesto ko si Selene at nang makita niya ako ay ngumiti siya ng matamis. "Good morning, Lila. Breakfast?"

Tipid na nginitian ko rin siya dahil ayokong maging bastos. "Good morning. Ako na diyan"

"Oh, ako na. Gusto ko kasing ipagluto ulit si Tristan gaya noon. Paborito niya kasi ang scrambled eggs ko" humagikhik pa siya habang sinasabi yun bago ako muling tinalikuran para ipagpatuloy ang ginagawa.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Sa mahigit dalawang taon kong pamamalagi dito ay wala man lang sa mga niluto ko ang naging paborito ni Tristan gayong nag-eeffort pa talaga ako pag nagluluto. Yung tipong nanonood ako ng tutorial sa internet at ginagandahan ko ang platting pero kahit kailan ay wala siyang naging komento doon.

"Baby?" sabay kaming napalingon ni Selene nang marinig si Tristan ngunit ako rin kaagad ang nagbawi ng tingin. Saka ko na lang narealize na hindi pala para sa'kin ang endearment na yun samantalang noon ay kinikilig ako pag tinatawag niya akong ganun.

Nung makalapit si Tristan sa pwesto ko ay nginitian niya muna ako bago lampasan. Nagtuloy siya papunta kay Selene at hinapit ito sa bewang at saka hinalikan sa pisngi.

Muli ay hindi ko na naman kinaya ang tanawin sa harapan ko. Bumalik ako sa kwarto ko at hinanda ang sarili para sa pagpasok sa eskwela. Kailangan kong huminga pansamantala. Kailangan kong ipaalala sa sarili ko ang dahilan kung bakit ako nandito. Kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral.

Kahit walang kain ay umalis ako ng condo nang hindi nagpapaalam sa kahit na sino. At kahit na dalawang oras lang ang klase namin ngayong araw ay wala akong balak umuwi ng maaga. I need a break.

Pagkatapos ng klase ay tumambay lang ako sa library kung saan nagtatrabaho si Carlee bilang isang part-time assistant librarian. Nag-iinventory siya ng libro habang ako ay nakayukyok sa isang lamesa at natutulog. Ngayon ko lang kasi naramdaman ang antok at pagod.

Madilim na nang magising ako. Nagliligpit na si Carlee ng mga gamit niya at nagsasara na rin ang library. Nasabi nito sa'kin na nagyayaya daw sina Gianna na pumunta sa bar kaya kaagad akong pumayag.

Pagkarating namin ni Carlee sa bar ay kaagad na hinanap namin ang grupo nina Gianna. Hindi naman sila mahirap hanapin dahil sa tuwing gumigimik sila ay palaging malaking grupo sila. Madami kasing kaibigan si Gianna sa loob at labas ng university.

Pagkarating ko sa table ay alak kaagad ang pinuntirya ko. Libre naman itong lahat ni Gianna kaya kahit anong inumin at kainin ko ay walang kaso. Ewan ko ba sa babaeng yun. Wala na atang mapaggamitan ng pera kaya sa gimik niya ginagastos lahat.

GalimgimWhere stories live. Discover now