Kabanata 28

13 4 0
                                    

Calilah Agatha's

"Hi, Lila" natigilan ako nang makita ko si Oliver pagkalabas ko ng gate ng university. Malawak ang pagkakangiti nito sa'kin habang lumalapit. "Kamusta?"

Alanganing nginitian ko siya dahil nagulat talaga ako na narito siya. "O-okay naman. Bakit ka nga pala nandito?"

"Di'ba sabi ko nga sayo, diyan lang ako nagtatrabaho sa malapit. Break time namin ngayon kaya naisip ko lang na dalawin ka dito. Hindi ko kasi nahingi yung number mo last time kaya hindi kita makamusta" napakamot ako sa ulo ko. Ganito talaga kakulit si Oliver noong high school kami. Palagi ko siyang nakikita sa labas ng classroom namin at hinihintay ako. Tapos ay yayayain niya akong kumain ng street foods sa labas ng school na syempre ay libre niya.

"Ganun ba? Okay lang naman ako. Ikaw, kamusta ka?" isang buwan na rin ang nakakalipas mula noong huling pagkikita namin.

"Okay lang din naman. Coffee? Maaga pa naman" paanyaya niya kaya natawa ako.

"Sa alas-dos talaga ng hapon mo naisipang magyaya ng coffee ha" pang-aasar ko sa kanya kaya nahihiyang napakamot siya sa ulo niya.

"E hayaan mo na. Ano? G?" bahagyang namumula pa ang pisngi niya habang kumakamot sa batok niya. Cute. Ganyan yang mahiya. Naaalala ko tuloy noon pag napipili siyang escort ng klase namin. Talagang nagkukulay kamatis siya at parang gusto na lang niyang lamunin ng lupa. May pagka-maangas lang yan pero ang totoo ay mahiyain talaga siya.

Nagkibit-balikat ako at tumango bilang pagpayag. Kaibigan ko naman siya at wala naman sigurong masama kung magkakamustahan kami over coffee.

Sa coffee shop na malapit lang sa university kami pumunta. Pagkatapos niyang umorder ay naupo na siya sa upuang katapat ko at nagsimulang magkwento ng kung ano-ano. Mostly ay ang mga kababata at kaklase namin noon ang kinukwento niya. Tawa lang naman ako nang tawa dahil with action pa talaga siyang magkwento.

"Dapat talagang umattend ka sa Alumni Homecoming natin next month para makita mo ulit sila!" excited na sabi niya. Kanina pa talaga niya binibida sa'kin ang Alumni Homecoming na iyon.

Napaismid ako. "Invited ba ako? E ngayon ko nga lang nalaman na magkakaroon ng ganyan e"

"Malamang invited ka. Reunion nga e. Saka baka hindi lang alam ni Mary Jane kung saan ka kokontakin kaya hindi ka napadalhan ng invitation" napairap na lang ako. Kung si Mary Jane Rivera ang organizer, sigurado akong sinadya niyang wag sabihan ako para hindi ako makapunta. Matindi ang galit sa'kin ng babaeng iyon dahil lagi ko siyang natatalo sa mga pageant sa school at pag nagmumuse ako sa mga liga ng barangay.

"Tsk. Wag na lang. Saka nakakahiya rin. Lahat kayo ay professional na samantalang ako na isa sa with high honors nung senior high ay wala pang natatapos at napapatunayan" Kahit naman itatak ko sa isip ko yung sinabi ni Carlee na kanya-kanyang time lang yan ay may part pa rin talaga sa'kin ang nahihiya at nanghihinayang lalo na siguro kung makakaharap ko ang mga ka-batch ko noon. Hindi naman siguro maiiwasan yun.

"Ano ka ba? Hindi pwedeng mawala doon ang Mutya ng Paaralan. Nasa faculty room pa nga yung mga pictures mo hanggang ngayon e. Ilang korona at trophy ba naman ang inuwi mo sa school" pang-uuto pa niya sa'kin kaya pabirong inirapan ko siya. Ang tagal na ng panahong yun.

"Tigilan mo nga ako. Ano? Kamusta na si Mang Kaloy? Malakas pa ba?" tukoy ko sa ama niya.

"Aba, malakas pa sa kalabaw. Siya na ang kapitan doon sa atin ngayon" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Talaga? Si Mang Kaloy na ang kapitan sa barangay natin?" Nakakatuwa naman. Siguradong magiging maunlad ang barangay na iyon dahil magaling talagang mamuno ang tatay niya.

GalimgimWhere stories live. Discover now