Kabanata 23

17 4 0
                                    

Calilah Agatha's

"Woah, is this your home, Raya?" rinig kong tanong ni Riella sa kapatid niya pagkapasok namin sa condo unit na tinutuluyan namin ni Raya. Kanina kasi nung nadischarge ako sa hospital ay nag-insist si Tristan na ihatid kami. Ayoko sanang pumayag kaya lang ay nung si Riella na ang nangumbinse sa akin ay hindi na ako nakatanggi.

"Yes, Riella. Do you want to see my room?" excited na tanong ni Raya sa kapatid na sunod-sunod namang tumango habang nagliliwanag ang mga mata. Hinawakan ni Raya ang kamay ng kapatid at saka sabay silang pumunta sa kwarto niya. Natatawang napapailing na lang ako habang nakatingin sa kanila. Ang ganda-ganda nilang pagmasdan at mukhang close na close rin sila. Siguro nga ay totoo ang lukso ng dugo.

Sa ngayon ay hindi pa rin nila alam ang totoo at hindi namin alam ni Tristan kung paano kami magsisimulang magpaliwanag sa kanila. Sana nga lang pag nalaman nila ang totoo ay walang magbago sa samahan nila. Gusto kong lumaki sila ng tinuturing na kakampi ang isa't-isa gaya sa'min ni Ataliah noon.

Tumikhim si Tristan kaya napatingin ako sa kanya. Bakas ang eyebags niya dahil siguro hindi naman siya natulog kagabi. Pagkatapos kasi ng usapan namin ay nagpaalam na akong matutulog pero ang totoo ay hindi talaga ako dinalaw ng antok. Nakita ko tuloy ang mga kilos niya na parang hindi mapakali.

Nanatili siyang nakaupo lang sa sofa kagabi na parang nagbabantay. Paminsan-minsan ay gumagamit siya ng phone, nagbabasa ng mga magazines na naroon at may pagkakataon pang lumabas siya ng kwarto. Di rin naman nagtagal ay bumalik siya at amoy yosi na ang walanghiya.

Ang awkward naman kasi talaga ng sitwasyon namin kaya gustuhin man naming magpahinga ay hindi kami matahimik pareho. Galit na galit ako sa kanya at ayaw ko na siyang makita pang muli pero ayoko namang malayo sa anak ko. Hindi ko naman basta-basta pwedeng kunin si Riella dahil baka kamuhian pa ako ng anak ko pag inilayo ko siya sa ama niya. Iyon ang pinaka ayokong mangyari. Babawi ako sa kanya sa abot ng makakaya ko. Sa part naman niya ay siguradong napipilitan lang siyang pakisamahan ako dahil gusto rin niyang bumawi kay Raya.

"Kailan natin sasabihin sa mga bata ang totoo?" tanong niya kaya nagkibit-balikat ako. Hindi ko talaga alam. Duwag na kung duwag pero natatakot talaga ako sa magiging reaksyon nung mga bata.

"Really, Calilah? Hindi mo na naman ako kakausapin?" sarkastikong tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at pasimpleng lumayo na sa kanya. Baka sapian pa siya ng masamang espiritu at kung ano na naman ang gawin niya.

Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "Bakit hindi ikaw ang magpaliwanag sa kanila? Di'ba ikaw naman ang may kagagawan ng lahat ng ito?"

Inirapan rin niya ako at frustrated na kumamot sa ulo niya. Ang nag-aalalang mga mata niya  ay muling bumaling sa'kin "Can you just help me? Please, Calilah. Hindi ko kaya ito ng ako lang"

"Oh? Kala ko ba maangas ka?" pang-aasar ko pa sa kanya pero muli ay inirapan niya ako.

Naupo siya sa sofa at napahilot sa sintido niya. "Ibang usapan pag sina Raya at Riella ang involved"

Napaismid na lang ako. Who would've thought that this egoistic, arrogant and cold-hearted asshole will be smitten by his five year-old daughters?

"Mama, Raya's room is so beautiful. I like her pink bed." bumaling siya sa ama niya. "Daddy, can we have a sleepover here, please?"

Walang nagawang tumango si Tristan bilang pagpayag dahil sino ba namang makakatanggi sa puppy eyes look at pouty lips ni Riella? Kahit ako ay mapagbibigyan siya sa kahit anong hihilingin niya kung sa'kin niya ginawa yun.

Dahil sa pagpayag ni Tristan ay nagtitili ang dalawa at sabay itong lumapit kay Tristan at humalik sa magkabilang pisngi nito.

"Thank you, Daddy!"

GalimgimWhere stories live. Discover now