KABANATA 19

27 12 0
                                    

ZAINE'S POV

Palapit sya ng palapit sa akin habang ako naman ay palayo ng palayo sa kanya.

"A-anong gagawin mo?" Pinipilit kong huwag ipahalatang natatakot pero tinatraydor ako ng boses ko.

Kitang kita ko ang nag aapoy na galit sa kanyang mga mata. Hindi ko alam pero nanginginig ako kahit wala pa syang ginagawa.

Aatras pa sana ako nang wala na akong ma atrasan.

Nilingon ko sya at nakita ko syang ngumisi. Para syang isang halimaw na anumang oras ay lalantakan na ang kanyang biktima.

"H-huwag k-kang lalapit." Saad ko pero patuloy pa rin sya sa paglapit sa akin hanggang sa halos ilang pulgada nalang ang layo namin.

"You think you can escape from me, huh?" Sobrang lamig at nakakatakot ang kanyang boses. "You can't and I will never let you, bitch." Diin nya nang nasa harap nya na ako.

Napasigaw ako nang bigla nyang hinila ang buhok ko ng marahas gamit lamang ang isa nyang kamay na naging dahilan para mapatayo ako.

Parang matatanggal na ang anit ko sa ginawa nya.

"Bitawan mo ako, nasasaktan ako." Reklamo ko kahit alam ko namang hindi nya gagawin.

"Kulang pa yan." Malamig na tugon niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.

"A-ano bang k-kasalanan ko s-sayo?" Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko dahil sa sakit na dulot ng ginawa nya at dala na rin ng kanina pang tinatago kong emosyon.

"Hulaan mo." Aniya na ngayon naman ay nakangisi. Ako naman ay napatanga ako sa sinabi nya.

Anong ibig nyang sabihin?

"Wala akong alam! Hindi ko alam kung ano ang puno't dulo ng lahat ng ito, hindi ko alam kung ano ang tunay na pakay mo!" Sa kabila ng takot na nararamdaman ko ay nagawa ko paring sigawan sya.

Nagdilim lalo ang paningin nya dahilan para itulak nya ako ng malakas sa pader. Sinakal nya ako ng sobrang higpit na kahit anong pagpupumiglas ako ay balewala lang sa kanya dahil natatalo ang lakas ko lakas sya.

Sinubukan ko siyang sipain pero hindi ko magawa dahil wala na akong sapat na lakas.

Pahina na ng pahina ang katawan ko. Unti unti na akong nawawalan ng ulirat. Ito na ba ang katapusan ko?

Nakapikit na ako nang maramdaman ko ang marahas niyang pagbitaw sa leeg ko't sinuntok nya ang tiyan ko dahilan para mapa sigaw ako dahil sa sakit.

Napahiga na ako sa sahig at hawak hawak ko ang tiyan dahil sa ginawa nya.

"You're lucky I did not kill you. Well, not yet dahil may utang ka pa sa akin." Aniya.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Ano bang sinasabi nya?

"W-wala a-akong n-naaalalang m-ay pagkakautang a-ako s-sayo." Utal utal kong baling sa kanya.

Lumapit sya sa akin at marahas na namang hinila ang buhok ko dahilan para mapa sigaw na naman ako.

"Meron. And. You. Will. Pay. For. Everything." Diin nya na nakatingin ng deretso sa mga mata ko at nararamdaman ko na ang paghinga nya dahil magkadikit na halos ang mukha namin.

Kitang kita ko ang galit at pagkamuhi sa kanyang mga mata na sa sobrang lalim ay hindi ko na mabasa.

Kalaunan ay binitawan nya na ako dahil na rin sa may tumawag sa kanyang cellphone.

"You shut the fuck up and come here. I don't fucking care if you're going to fuck her, go for it. Do what you want."  Aniya sa kabilang linya. Yun lang ang sinabi nya at pinatay na ang linya.

"You! Get out and cook some food. May bisita ako." Baling nya sa akin.

Ako naman ay nanatili lang sa aking kinalalagyan.

"Ano, tutunganga ka nalang jan?" Aniya.

Wala syang karapatang utusan ako ng ganyan dahil wala yun sa kontrata ko.

Hindi ako nagpakahirap sa pag aaral para tratuhin lang ako ng ganito.

"H-hindi ako m-makatayo." Depensa ko. Totoo iyan dahil sobrang sakit na ng katawan ko.

"Hindi ka naman siguro lumpo so cut the fucking act and do your fucking job."

Wala ba siyang pakiramdam?

Anong tingin nya sa akin? Isang robot na hindi nakakaramdam ng sakit?

Baka nakakalimutan nyang halos mamatay na ako dahil sa ginawa nya kanina.

"H-hindi nga a-ako m–

"I won't buy any of your lame excuses so you better get up there or else baka malumpo ka ng tuluyan." Banta nya sa akin. "And don't make me repeat myself again. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Dagdag nya pa.

"P-pero–

"Fuck excuses." Matapos nyang sabihin iyon ay agaran nya akong hinila patayo at parang isang sakong isinampay nya ako sa kanyang balikat.

Itinapon nya akong bigla sa kama nya dahilan para mapaluha ako habang namimilipit sa sakit.

"A-anong g-gagawin m-mo?" Gulat at kabadong tanong ko matapos niyang umibabaw sa akin.

"Can you guess it?" Matapos yun ay ngumisi sya.

Ramdam ko ang panunuyot ng lalamunan at panginginig ng buong katawan ko matapos marinig ang mga sinabi nya.

Nagpupumiglas ako pero balewala lang sa kanya. Sa halip ay itinaas nya ang mga kamay ko gamit lamang ang isang kamay nya.

Inilapit nya ang kanyang mukha sa akin at halos maramdaman ko na ang paghinga nya habang ako naman ay nakapikit na.

"W-wag po sir. Maawa kayo. G-gagawin ko na po ang lahat ng iuutos nyo. P-please p-po." Pagmamakaawa ko habang naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko.

"Akala ko ba...matapang ka." Napalunok ako sa sinabi nya.

Unti unti kong iminulat ang mga mata at kitang kita ko ang malalim na pagtitig nya sa akin.

Anong iniisip nya?

Nakita ko rin ang pag-alon ng lalamunan nya.

"S-sir." Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Y-you f-fucking asshole." Aniya nang matauhan. Dali dali niya akong binitawan at umalis sa pagkakapatong sa akin. "Get out, now!" Galit niyang usal sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Secret Revenge Where stories live. Discover now