KABANATA 8

48 12 2
                                    

[a/n: I'm sorry for the very very late UD, tambak kase ako ng mga modules eh to the point na nawalan na ako ng time sa story na ginawa ko but anyways semestral break na namin so makakapag UD narin ako sa wakas. That's all, lovelots.]

ZAINE'S POV

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon patungo sa classroom nang may biglang humatak ng malakas sa buhok ko mula sa likuran dahilan para mawalan ako ng balanse at matumba.

"Opss sorry, ain't my fault." Maarteng tugon ng babae mula sa likuran ko.

Hinaplos ko ang ulo ko dahil sa sakit.

Matapos nun ay dahan dahan akong tumayo at hinarap kung sino ang gumawa.

"Did it hurt?" Kumunot ang noo ko dahil bago lang sa paningin ko itong baliw na humatak sa buhok ko.

"At sino ka namang punyeta ka't anlakas ng loob mong hatakin ang buhok ko?" Inis na tanong ko.

"I already told ya'. Hindi ko kasalanan." Aniya sabay ngisi.

"Anung hindi mo kasalanan? Bobo ka ba? Wag mong sabihing aksidente mo lang na nahila ng malakas ang buhok kong punyemas ka!" Di ko na napigilang sumigaw dahil sa inis.

Ang kapal ba naman kase ng mukhang hatakin ang buhok ko eh hindi naman siya ang nagpalamon sakin.

Lumapit ako sa mismong harap niya at hahatakin ko na sana ang buhok niya para makaganti nang may biglang humatak sa braso ko.

"Not so fast Zaine. Wag si Keisha." Paglingon ko'y nakita ko ang galit na si Drew habang mahigpit na nakahawak sa braso ko dahilan para mamilipit ako sa sakit.

"Grei, she's hurting me. I swear I didn't do anything wrong. I don't know but she just came and slapped me. She even tried to pull my hair but buti nalang dumating ka. Gosh, hindi ko alam kung ba't niya ginawa yun, ni wala akong maalalang may atraso ako sa kanya and I didn't even know her. She must be crazy Grei." Nakita kong parang naiiyak na siya habang nagpapaliwanag kay Drew.

Bakit parang ako pa yung masama ngayon? Eh siya tong nang una, ni hindi pa nga ako nakaganti.

"Naks ang galing mong umakting ahh. Gusto mo bigyan kita ng award?" Sarkastikong tugon ko.

"Tumigil ka na Zaine! Pati ba naman si Keisha na walang kalaban laban ginaganyan mo?! Kitang kita mismo ng mga mata kong ina attempt mong hatakin ang buhok niya! Kaya don't act as if you're the victim here!" Galit na sigaw ni Drew.

Hindi na ako nagsalita pa, alam ko namang lugi ako. Tiningnan ko lang sila ng masama at matapos ay iniwan ko na sila.

Ako nalang lagi ang may kasalanan, ako nalang lagi ang mali kahit wala akong ginawang masama, sabagay kelan ba ako naging tama?

Ako na nga ang na agrabyado ako pa ang pinagalitan.

Pare pareho lang silang lahat.

Maka husga akala mo may naiambag sa buhay ko.

Mga wala silang kwenta, ni hindi man lang pinakinggan ang side ko.

Ganun na ba talaga ako kasamang tao para hindi paniwalaan? Hindi na ba talaga ako kapani paniwala?

Grabe ahh, ang saya ng araw ko ngayon. Ang saya saya.

Lagi nalang akong pinagbibintangan ng mga letcheng walang ambag sa buhay ko.

Ede magsama sama silang lahat, tutal pare pareho naman silang mali ang tingin sakin.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ay agad na bumungad sakin ang sandamakmak na itlog at harinang tumama sa katawan ko.

The Secret Revenge Where stories live. Discover now