KABANATA 3

53 13 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

"We finally found the target, small world." Nakangising sabi ng isang lalaking kasalukuyang naglalaro ng archery. Kasalukuyan nitong inaasinta ang target.

"What's your plan now?" Ika ng kasama niya habang pinapanood siyang maglaro.

Nagconcentrate muna ang lalaki at deretsahang nakatuon ang tingin sa target. Ipinikit niya ang isang mata, huminga ng malalim at nirelax ang sarili sabay bitaw sa arrow ng pana at nag angat ang kanyang labi nang masapol ang gitna ng target.

Hindi maitatangging magaling siya sa archery dahil bata palang ay ito na ang hilig niya.

"I'll tell you soon." Baling niya sa kausap.

"Yeah whatever."

"It's payback time." Giit niya.

"This will be fun." Sabi ng kasama nya sabay tawa.
_____

ZAINE'S POV

"Sabing di ko maintindihan eh di ka ba nakakaintindi?" Inis kong baling dito sa tutor kong walang ginawa kundi ang bwisitin ako sa halip na turuan.

"Magconcentrate ka kase."  Halatang naiirita na rin siya.

"Iexplain mo kase ng maayos, hindi yung bibwisitin mo lang ako. Kala mo naman ikinacool mo na yang pag gaganyan mo hindi naman." Reklamo ko. Ako pa ata ang maha highblood sa taong toh.

Lintik na buhay toh, kung pwede lang magpalit ng tutor ede sana matagal nang wala sa harap ko tong hinayupak na toh.

Andito kami sa library ngayon at kasalukuyang gumagawa ng ingay sa buong silid. Ilang beses na kaming sinaway ng librarian dahil sa ingay namin pero wa epek maingay talaga kami este ako lang pala ang maingay dahil ang tigas ng ulo nitong tutor ko.

Di ko nalang siya pinansin pa at ipinag patuloy ko nalang ang pagbabasa ng mga equations ek ek na nakasulat sa aklat na kahit anung gawin kong pag aanalisa eh hindi talaga kaya ng utak ko.

"Ey dude nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Bigla akong natigil nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

Paglingon ko nakita ko lang naman ang isang lalaking mala anghel na pagmumukha.

"Oh bakit?" Tanong naman ni Drew.

Drew ang tawag sa kanya ng karamihan kaya Drew na rin tawag ko sa kanya.

"Gala tayo, wala rawng klase ngayon kase may meeting daw yung mga teachers natin."

"San naman tayo gagala?"

"To our favorite place of course, san pa ba."

"Okay sure, mauna ka na may ginagawa pa ako. Susunod nalang ako sa inyo."

Kalaunan ay umalis na yung kausap ni Drew at nagpatuloy naman ako sa ginagawa ko.

Makaraa'y napagpasyahan na rin namin na lumabas na kase nga may pupuntahan daw siyang gala.

Okay na rin yun para naman mabawasan na yung sakit ko sa ulo.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon dito sa kalye papuntang gasoline station. Dun kase ako laging nag aantay ng jeep pag trip kong magcommute simula pa nung una.

Magcocommute ako ngayong araw dahil may klase si Lucas, hays ano kayang feeling maging college? Siguro sobrang mahirap yun.

"Aray!" Daing ko nang mabangga ako ng kung sino.

The Secret Revenge Where stories live. Discover now