KABANATA 9

42 12 1
                                    

ZAINE'S POV

(8 years later)

"You're fired!"

"Sir naman, grabe ka sakin. Kakasimula ko pa nga lang, tanggal na agad? Wag namang ganyan sir, kailangan na kailangan ko talaga ng trabaho ehh." Pagmamakaawa ko sa boss ko.

"Sorry pero maghanap ka nalang ng ibang trabaho."

"Ang labo mo Sir, kakatanggap nyo pa nga lang sakin nung nakaraang linggo tas sesante na agad ngayon. Sir naman maawa ka naman sakin, mahirap lang kami. Gusto kong iahon ang pamilya ko sa kahirapan Sir kaya wag nyo na po akong sisantehin." Pagmamakaawa ko sa harap ng boss ko.

"Manahimik ka nga jan, kung ano ano nalang yang pinagsasabi mo, kung ako sayo maghanap ka nalang ng ibang trabaho. Nagsasayang ka lang ng oras eh."

Malungkot akong lumabas sa building kung saan ako nagtatrabaho at hinayaan ko nalang ang mga paa ko kung saan ako dadalhin nito.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang biglang may tumawag sa akin, agad ko namang kinuha ang cellphone ko sa bag at sinagot.

["Hoi Zaine may naghahanap sayo dito sa apartment mo, kailangan ka raw nyang makausap."] Ika ng nasa kabilang linya.

"Sino ba yan?" Takang tanong ko.

["Malay ko dito, hindi ko kilala. Gusto ka raw nyang makausap ng personal."]

"S-sige, pauwi na ako."

Pinatay ko na ang tawag at ibinalik ko na sa bag ang cellphone ko.

Sino naman kayang kutonglupa yun? Andami ko na ngang problema may dumagdag pa hayst.

Agad akong sumakay ng jeep pauwi at nang nasa harap na ako ng apartment ay nakita ko agad na may nakaparadang sasakyan na kulay itim sa harap mismo ng tinutuluyan ko.

Agad akong pumasok at nadatnan ko si Bernard na abalang nakikipag usap sa isang estrangherong lalaki na kasalukuyang nakaupo sa single sofa.

"Oh andyan na pala sya. Zaine ikaw na ang bahala sa kanya, aasikasuhin ko muna ang mga labahin ko jusme. Maiiwan ko na muna kayong dalawa riyan." Paalam ni Bernard sabay alis.

"Hi miss, before anything else I would like to introduce myself first, I'm Khent Ruiz from Hamilton Advertising and Business Corp." Pakilala nya sabay abot ng kanyang palad at nakipagkamayan sakin. Parang pamilyar yung Hamilton sakin.

"I'm Zaine Marie Barcelo. Ano pong kailangan mo sakin?" tanong ko naman.

"Nandito ako para sana alukin ka ng trabaho." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Baka scam yan ha naku."

"Nope, ang kompanya namin ay isa sa pinakasikat na kompanya sa buong Pilipinas. As of now nasa pinakaunang ranggo ang kompanya namin." Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Pano mo nasabing sikat, eh ni di ko nga kilala yang kompanya nyo. " Nakapameywang na ika ko.

"Seriously? Miss, uulitin ko. Nagtatrabaho ako sa Hamilton Advertising and Business Corporation also known as HABC. Sayang naman kung hindi mo tatanggapin ang inaalok kong trabaho, malaki laki pa naman ang sweldo." Bigla akong natigilan.

Ano nga ulit yun? HABC? Pagkakaalam ko ang HABC ay isa sa pinaka successful business corporation sa buong Pilipinas.

Totoo ba to?

"Teka, HABC? Bat di mo agad sinabi sakin? Sige game ako jan." Ika ko habang nagliliwanag ang mga mata ko.

Nginitian nya lang ako at kalaunan ay binigyan nya ako ng calling card.

"Napakalaking coincidence naman nito, kakatanggal lang sakin kanina nung boss ko tas pag uwi ko may nag alok na agad sakin ng trabaho. Pero nagtataka ako, bat nga pala ako yung napili mo at bat alam mo kung san ako nakatira?" Takang tanong ko.

"It's because naging parte ka na ng Hamilton University dati. We are currently choosing 30 former HU students na magtatrabaho sa kompanya namin specially sa mga kapos palad so maswerte ka dahil isa ka sa mga napili." Paliwanag nya.

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nya. Totoo ba to? Nananaginip lang ba ako? Wahhhh! Magkakaroon na ulit ako ng trabaho sa wakas!

"Naku maraming salamat po sa pagpili sakin, napakalaking tulong nito para sa pamilya ko. Salamat po talaga ng marami, naku di ko talaga inexpect na mangyayari to, napakabait pala talaga ng mga Hamilton."

"You're welcome miss. Anyways, bukas na bukas magpasa ka na ng mga requirements para makapasok ka agad sa trabaho. Ang CEO na ang bahala kung saang position ka ilalagay. And kung may mga katanungan ka pa you can directly contact us." Matapos nyang sabihin yan ay agad narin syang nagpaalam.

Hindi ko mapigilang mapatalon sa tuwa.

"Ackkk! May trabaho na ulit ako! Bernard may trabaho na ulit ako!" Sigaw ko habang patakbong pinuntahan si Bernard kung saan sya naglalaba.

Haystt hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang may trabaho na ulit ako. Hindi na ako magkakandahirap sa paghahanap ulit.

Halos walong taon ko na ring kinalimutan ang skwelahan kung saan ako pinapatay ng dahan dahan.

Pinili kong lumayo sa paaralang yon at tama ang naging pasya ko. Tinupad ko yung pangako kong magtatapos ng pag aaral sa probinsya, binago ko ang sarili ko kase mahirap yung wala kang pinag aralan.

Dalawang taon na rin ang nakalipas nung makapagtapos ako sa kolehiyo. At sa loob ng dalawang taon binuhos ko ang oras ko sa pagtatrabaho pero sa kasamaang palad natatanggal ako agad ni hindi ko alam kung bakit kagaya nung huling trabahong nawala sakin.

Pero masaya parin ako, ineenjoy ko parin naman ang buhay ko sa tulong ni Bernard na naging kaibigan ko simula nung lumipat ako sa isang university sa probinsya namin. Pareho kaming nakapagtapos na at naisipan naming makipagsapalaran dito sa Maynila, tumira sa iisang apartment para maka save ng pera, tiwala naman ako sa baklang yun.

Si Lucas naman ay isa nang successful civil engineer. Masaya ako para sa kanya dahil natupad narin nya yung pinapangarap nya. Magkaibigan parin naman kami hanggang ngayon pero kasalukuyan syang nasa US kaya hindi na kami masyadong nakakapag usap.

The Secret Revenge Where stories live. Discover now