KABANATA 10

48 14 2
                                    

ZAINE'S POV

"Hi po ma'am, pwede ko po bang itanong kung san po ang office ng CEO? Mag papasa po sana ako ng mga requirements ."

Nandito na ako nga sa kompanya kung saan ako magtatrabaho. Kasalukuyan kong tinatanong ang isang employee at sinabi nya naman sakin kung saan.

Kinakabahan ako na parang natatae na naiihi na excited na ewan.

Ano kayang feeling ng makapagtrabaho ka sa isang sikat na kompanya hindi lang sa buong kamaynilaan kundi sa buong Pilipinas.

"Hey, nandito ka na pala. Tara samahan na kita." Nagulat naman ako sa biglaang pagsipot nung nakausap ko kahapon sa apartment.

"S-sige." Tanging sagot ko habang gulat na gulat parin. "Tanong ko lang, mabait ba ang CEO?" Wala sa sariling tanong ko.

"It's for you to find out miss Barcelo." Nakangiting aniya.

Ano ba naman tong taong to, tinatanong ng maayos tas ganun ang sagot. Kinakabahan tuloy ako lalo.

Pumasok na kami sa elevator at pinindot nya ang 35th floor. Grabe ang taas pala ng building na to. Kung mag susuicide ka siguradong hihiwalay yung utak sa ulo mo pag nagkataon.

Makaraan ang ilang minuto bumukas na rin ang elevator.

"Nandito na tayo. Ikaw nalang ang pumasok, ikaw lang naman ang kailangan. May pupuntahan lang ako sa kabilang side. Yung office nya andun sa right side, yung tinted ang glass." Aniya at umalis na.

Ako naman ay dahan dahang naglalakad patungo sa sinasabing office ng CEO. Hindi ko alam kung bat hanggang ngayon kinakabahan parin ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at...

1...

2...

3...

"AHHHHHHH!" Sigaw ko at dali daling sinara ulit ang pinto ng office.

Ano yun? Shit may ano...

...

...

...

Gumagawa ng himala!!

Nakakadiri!

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Zaine ano ba yang pinaggagagawa mo! Bat di ka man lang muna kumatok bago pumasok?! Ambobo mo talaga ket kailan!" Inis kong bulong sa sarili sabay kagat ng pang ibabang labi ko.

"Eyy. Narinig kitang sumigaw, anung nangyari sa loob?" Napasigaw at napaigtad ako ng biglaang sumulpot yung Khent Ruiz na kausap ko kahapon sa apartment.

"W-wala naman." tanggi ko.

"Tara, sasamahan nalang kita sa loob. Wag kang matakot hindi naman nangangain ng tao si Mr. Hamilton eh."

Talaga lang ah! Tsk.

"Wala ba syang secretary o personal assistant, dun ko nalang sana ibibigay."

"Unluckily wala. Kaya tara na sasamahan nalang kita sa loob." Hindi na ako nakatanggi dahil hinila nya na ako pabalik sa harap ng office nung walangyang ginawang motel ang office yucks kaderder.

Kinatok nya muna bago kami pumasok.

"What do you want Ruiz?" Malamig na tanong ng CEO habang nakakandong parin sa kanya yung babaeng ka halikan nya kanina.

"I'm with Ms. Barcelo, and she wants to pass all her requirements."

"You." Baling sakin ng CEO. "Didn't you know how to knock a door?" Napakagat na naman ako ng labi sabay yuko.

"I'm sorry, I didn't mean to-"

"I don't need your fuckin' explanations." Napapikit ako. Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa.

Parang masama ang ugali ng CEO na ito. Magbaback out na ba ako?

Nakakahiya!

Pero di ba sya nahihiya sa pinagagagawa nya?

"Mr. Hamilton, easy ka lang. Wag masyadong highblood. Eyy Mariza alis na muna tayo dito, hayaan na muna natin silang mag usap." Biglang singit ni Khent.

"Argh, for what? Pwede namang dito lang ako duhh." Ika naman nung Mariza na kung makakapit sa CEO eh akala mo aanurin na ng baha.

"Leave us for a while babe. Sumama ka na muna kay Khent. This will be quick." Sabi naman ng CEO kay Mariza sabay halik nito sa labi.

"Okay babe, sabihin mo lang sakin kung may ginawa sayo yang babaeng yan ha, baka kase may pagnanasa rin yan sayo." Napataas naman ang isa kong kilay dahil sa sinabi ni Mariza.

"Naka shabu ata tong babaeng to, hindi nya ba naririnig ang pinagsasabi nya? As if namang magkakagusto ako sa jowa nya." Bulong ko.

Nahagip naman ng mga mata ko na yumuyugyog ang mga balikat ni Khent.

Pagtingin ko sa kanya nakita kong nagpipigil sya ng tawa.

"May sinasabi ka ba Barcelo?" Biglang baling sakin ng CEO kuno.

Napa tuwid naman ako bigla ng tayo dahil sa gulat.

Wag nyang sabihing naririnig nya ako?

"W-wala p-po." Bat ba lagi nalang akong nauutal?

Pagkatapos kong sabihin yun ay di na sya nagreklamo pa.

Kalaunan ay umalis narin si Mariza at Khent at kami nalang dalawa ng CEO dito sa loob.

Dahan dahan akong lumapit at nilapag sa mesa ang envelope, agad nya naman itong kinuha at binasa ang mga laman.

"Zaine Marie Barcelo huh." Aniya habang patango tangong nakatingin sa info ko. Ako naman ay nanahimik lang at di alam ang gagawin. Parang nati-tense ako na ewan.

"Buti naka graduate ka pa." Napatingin ako bigla sa kanya.

Anong ibig nyang sabihin?

Kilala nya ba ako?

"Po?" Deretsahang tanong ko.

"Nakalagay sa info mo na 2 years ka sa grade 10." Aniya. Nasapo ko naman ang noo ko. Oo nga pala nakalagay sa info ko yun.

Ang OA kase ng kompanya nila, kailangan may background sayo simula pagkabata tsk.

Habang binabasa nya ang mga nakalagay sa envelope ay nahagip ng mga mata ko na humigpit ang pagkapit nya sa mga papeles at parang umigting ang mga panga nya. Yung mga mata naman nya ay parang galit na hindi ko mabasa saka naka smirk sya.

Grabe namang expression yan.

"Ahm, Sir okay lang po ba kayo?" Hindi maiwasang tanong ko.

Saglit nya naman akong tinignan.

Kalaunan ay ibinalik nya na sa envelope ang mga requirements at mga personal information ko.

"You will work as my secretary." Aniya habang deretsong nakatingin ang mga abo nyang mata sakin.

"A-ahm, kelan po ako m-mag s-sisimula?" Bat parang nakakatunaw naman yung tingin nya sa akin.

"Tomorrow, exactly 7am. Don't be late. May ipapagawa ako sayo. Makakaalis ka na."

Hay sa wakas makakaalis na rin ako.

"See you tomorrow Sir." Nginitian ko sya sabay tayo. Nahagip pa ng mga mata ko ang pangalan nya na nakaukit sa isang kahoy na nakalagay sa mesa nya.

Xiron Rivas Hamilton pala ang pangalan nya.

Parang pamilyar sakin ang pangalan nya, pati narin ang mukha nya. Ewan ko kung san ko nakita.

Pagtalikod ko ay bigla kong nasapo ang noo ko.

"Gaga ka talaga Zaine, malamang pamilyar yan eh sa dami rami ba naman ng mukha nyan na nakapaskil sa billboard sa buong kamaynilaan, tanga ka talaga kahit kailan." Bulong ko sa sarili at tuluyan nang lumabas sa office.

The Secret Revenge Where stories live. Discover now