KABANATA 12

46 11 1
                                    

ZAINE'S POV

"Mamatay na maniwala sayong bakla ka. Baka nag aadik ka na jan, sabihin mo lang nang mabitay na kita." Binatukan ko naman si Bernard dahil sa kanyang reaksyon na animoy hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Gusto mo bang yakapin kita sa leeg hanggang di ka na makahinga?" inirapan nya lamang ako.

Napagpasyahan ko kasi kanina na tignan ulit ang nasira kong kuwintas dahil nahihiwagaan ako marahil sa posibleng laman nito.

At ayun nga, pagkabukas ko nito ay bumulagtang sa akin ang isang memory card na halatang sinadyang ipasok sa loob ng pendant.

Dahil sa sobrang pagkamangha ko, dali dali akong tumungo sa kwarto ni Bernard at sinabi sa kanya ang natuklasan ko ngunit iyon nga ang nangyari, ayaw nyang maniwala sa akin.

"Ang oa mo lang." Aniya.

"Kahit tignan mo pa yung pendant, may laman nga!" Pagkukumbinsi ko pa sa kanya sabay pakita ng pendant ngunit tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Malay ko bang baka ikaw lang ang naglagay nyan jan. Wag mokong jinojoke time ha, baka biglang lumabas pagiging lalaki ko't masapak kita. Tigil tigilan moko Zaine Marie Barcelo." aniya sabay akmang susuntukin ako. Ako naman ay napailag sa ginawa nya.

"Gaga, mukha bang joker itong mukha ko?" Itinuro ko pa ang mukha ko matapos sabihin iyon.

"Teh, baka nakakalimutan mong sa isang linggo halos maraming beses mokong pinaprank. Iumpog kaya natin yang ulo mo sa kaldero nang maalala mo pinaggagawa mo sa akin." Aniya habang nakataas parin ang kilay.

"Bahala ka na nga jan, kung kailan nagsasabi ng totoo yung tao saka mo hindi paniniwalaan." Nakasimangot na tugon ko.

"Eh sa hindi naman talaga kapanipaniwala lalo na pag ikaw ang nagsalita. Masisisi mo ba ako? Akin na nga yan, patingin!" Bigla nyang inagaw sa akin ang pendant. Pa choosy talaga itong baklang to, kunyare hindi interesado pero sa huli bumigay rin.
"Ayyy empernes ahh ngayon lang ako nakakita ng memory card na gold plated." Manghang sabi nya habang sinusuring maigi ang memory card at pendant. "At grabe parang dinisenyo talaga itong pendant para maging lagayan ng memory card. Tignan mo ohh" Aniya sabay pakita nito sa akin.

Teka, bat di ko yun napansin kanina? 

"Ano kayang laman nito?" Wala sa sariling tanong ko.

"Aba malay ko sa iyo, ikaw nagsuot nyan tas ako tatanungin mo. Adik ka talaga, buti di ka natokhang." Babatukan ko na sana sya dahil sa pagrereklamo nya pero nakailag ang bakla.

"Ikaw ata tong nag aadik jan eh." Tugon ko at sya namay inirapan lang ako.

Ngayon ko lang din napagtanto na kaya pala sinabi noon ni mama sakin na ingatan ko raw itong mabuti dahil napaka importante raw nito.

Buong buhay ko ngayon ko lang nalaman na may ganito pala sa loob ng pendant.

"Tignan kaya natin ito." Suhestyon ko.

"Ilang taon na yang nakasabit sa leeg mo teh tapos ngayon mo lang titignan. Hilo ka ata ehh. Malamang sa malamang sira na yan, sa tagal ba naman ng panahon, jusme parang di ka naman nag elementary nyan." Reklamo ni Bernard.

"Bawal na ba ngayong magbakasakali ha? Ikaw na bakla ka basher ka talaga ng buhay ko, ewan ko ba kung bat naging kaibigan kita eh andami namang matitinong tao jan."

"Ay wow, ikaw pa talaga nagsabi nyan ahh. Lakas ng trip mo."

Hindi ko na sya pinansin pa at itinuon ko nalang ang pansin sa pendant. 

The Secret Revenge Where stories live. Discover now