KABANATA 16

45 13 0
                                    

ZAINE'S POV

Limang araw na ang dumaan matapos ang naranasan kong malupit na bangungot.

Hindi naman na ako ulit nagkaroon ng ganung panaginip. Siguro dahil lang talaga iyon sa pagod ko.

"Encode this one." Utos sa akin ni boss. Nandito pa rin kami ngayon sa Hotel at kasalukuyang may inaasikasong papel na hindi ko alam kung para saan. "Avoid typos. Napakaimportante nyan." Dagdag nya at tumango lang ako bilang sagot.

Grabeng business trip ito, halos nakakulong lang kami lagi sa Hotel.

Nagsimula na akong mag encode hanggang sa hindi inaasahang bumukas ang pintuan.

"Babe! Surprise!" Napalingon ako bigla at hindi nga ako nagkakamali, girlfriend nga ni sir ang dumating.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni sir.

"Hey babe, I thought you were in Canada. Why are you here?" Takang tanong ni boss.

"To surprise you of course." Maarting sagot ni Mariza. "Wait, kaya pala amoy mahirap, may kasama ka pala." Ngayon lang ata ako napansin ng babaeng ito.

Hindi ko na pinansin dahil abala ako sa ginagawa ko, at kahit kailan naman ay wala akong balak na pansinin ang babaeng ito.

Trabaho lang ang ipinunta ko dito kaya dito ko lang itutuon ang sarili ko at hindi sa ibang bagay. May pamilya akong gustong iahon sa kahirapan kaya pag iigian ko.

Napanaginipan ko kasi sila mama kagabi, dahil na rin ata sa hindi ko na sila natatawagan at nakakamusta.

Matawagan nga yung mga yun mamaya.

"Nakikinig ka ba?" Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Mariza.

Hinugot ko sa tenga ang wireless headset ko at binigyan sya ng nakapagtatakang tingin.

Sa totoo lang hindi naman talaga ako nakinig ng music. Props ko lang ito.

"Ano nga ulit yun?" Inosenteng tanong ko.

"I said get out!" Pasigaw na utos nya.

Akala mo naman sya ang nagpapasweldo sa akin. Tsk.

"Pasensya na pero may kailangan pa akong tapusin." Depensa ko.

"I don't care! Get out, now!" Hindi na talaga ako tinatantanan ng mga demonyong nag anyong tao.

"Finish that later. Umalis ka muna. Wag kang babalik hangga't hindi ko sinasabi." Utos ni sir sa akin.

Dahil si sir na mismo ang nag utos dali dali kong pinatay ang laptop at kinuha ang cellphone sabay paalam sa kanilang dalawa at tentenen nakalabas din ako sa lungga.

Ano na naman kaya ang gagawin nila.

Malamang sa malamang maglalaro ng apoy yung mga yun. Napaka liberated na kasi ng mga tao sa panahon ngayon.

Nasa groundfloor na ako nang maisipan kong gumala nalang sa mall at bumili ng kung ano anong pwedeng ipasalubong kay Bernard pag uwi ko.

Ngayon lang ako pinayagang lumabas kaya lulubos lubusin ko na.

Teka? Parang may nakalimutan ako.

"Wallet." Sabi ko sa sarili sabay pasok ulit sa elevator.

Nang makarating ako mismo sa kwarto ay kumatok muna ako ng tatlong beses. Mahirap nang maulit yung nangyari dati.

The Secret Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon