KABANATA 7

54 12 4
                                    

ZAINE'S POV

"Madaya kang mokong ka aba!" Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Iba ang maswerte sa madaya, wag ka nga Zaine. Malas ka lang talaga HAHAHA." Inirapan ko lang siya.

Nandito parin kami ngayon sa mansyon nila Andrei. Pano ba naman kase ayaw pa akong pauwiin ng loko.

Kasalukuyan kaming naglalaro ng tong its, hindi ko alam na magaling din palang maglaro ang tinaplong na ito.

"Lagi nalang akong talo, pang sampung talo ko na to walanghiya ka." Reklamo ko sabay balasa ng baraha.

"Ba't mo kasi ako hinamon eh hindi ka naman pala magaling HAHAHA." Sinipa ko naman ang paa nyang nasa ilalim ng mesa.

"Ang yabang mo, akala mo kung sino." Ika ko sabay irap sa kanya.

"Nagsasabi lang ng totoo." Aniya.

Matapos kong magbalasa ay inayos ko na ang pagkakasunod sunod ng baraha. Nauna siyang magtapon syempre siya yung panalo.

Bumunot ako ng baraha at umangat ang labi ko nang may kapares itong dalawa sa hinawakan ko. J, Q, K na buo ibinaba ko sa mesa at nagtapon ng isang baraha.

'Lagot ka sakin ngayon pag di ka nagbaba ng buo o kahit pang kill ng buo ko. Siguradong sunog ka ngayon.'

Siya na at bumunot siya ng isang baraha. Makaraa'y nagtapon siya ng baraha.

'HAHAHA lintik ka sunog ka ngayon.'

"Draw!" Dali dali kong sabi at tumayo pa ako.

"Pinagbigyan lang kita dahil kanina ka pang talo HAHAHA." Aniya.

Sa kalagitnaan ng paglalaro namin ng tong its biglang dumating ang kuya ni Andrei, ganun parin ang ekspresyon ng mukha nya parang walang pake sa paligid.

"Psst, kuya mo oh." Bulong ko kay Andrei.

"Eyy kuya, come and join us. Amboring maglaro pag dalawa lang, lagi akong panalo." Yaya niya sa kuya niya.

Tiningnan lang siya nito at bigla kaming tinalikuran.

"Tsk, ambastos naman nito." Bulong ko sa sarili.

Napansin kong napatingin si Andrei sa akin na may gulat na ekspresyon sa mukha.

Nagtaka naman ako kung bakit.

Nakita ko ring napatigil yung kuya ni Andrei sa paglalakad.

"Lagot." Rinig kong bulong ni Andrei.

"What did you just say?" Malamig na tugon nito sa akin habang nakatalikod parin.

Huh? Narinig niya yun?

Sa hindi malamang dahilan nakaramdam ako ng panginginig ng katawan.

"A-ah eh may sinabi ba ako?" Napapikit ako sa sagot ko sabay sapo sa noo ko.

'Antanga mo Zaine, bakit yun ang sagot mo?'

Lumingon sya at deretsong nakatingin sa mga mata ko. Bakit ganun? Para akong napapasailalim sa isang hipnotismo, hindi ako makalingon sa ibang direksyon.

Para akong napako sa kina uupuan ko, hindi ako makagalaw.

Makaraa'y naririnig ko na ang mabilis na tibok ng puso ko.

Bakit parang takot ako sa kanya? Anung meron?

Bigla siyang lumapit sa mismong harap ko.

"I heard you." Aniya na wala ka man lang makikitang ekspresyon sa mukha.

Huminga ako ng malalim.

'Hays bahala na to.'

"Narinig mo n-naman p-pala eh, bakit g-gusto mo pang i-ipa ulit s-sakin?"

'Tangina mo Zaine wag kang mautal jan para kang tanga.'

"Because...I said so." Aniya.

Naramdaman ko namang may sumipa ng paa ko sa ilalim ng mesa. Lumingon ako at sinenyasan ako ni Andrei na tumahimik na.

Di ko siya pinansin. Tumayo ako at nakapameywang na hinarap ang kuya ni Andrei.

"Napakayabang mo, akala mo ikinagwapo mo yang paggagaganyan mo. Bakit? Naapakan ba ang ego mo nung sinabi kong ambastos mo? Alam kong bahay nyo toh pero tangina mo pakyu ka mula ulo hanggang paa, wala akong pake kung paalisin moko ngayon dito, sisiguraduhin kong ito na ang huling araw na pupunta ako dito. May problema na nga ako dumagdag ka pa, may bisita ka tapos ganyan ka kung umasta, wala ka bang manners?" Matapos kong sabihin yun ay habol habol ko ang hininga ko.

"Yeah." Tanging sagot niya.

Nainis ako lalo sa sagot niya.

"Tara na nga Andrei! Ihatid mo na ako pauwi! Ayoko na dito, lalo akong mamomroblema pag gantong klaseng tao ang makakaharap ko." Baling ko kay Andrei.

"Okay okay fine." Ika ni Andrei sabay tayo sa kinauupuan.

Nilingon ko yung kuya nya at inirapan ko.

"Che!" Matapos ay binangga ko siya sabay alis, akala niya ah.

"Hoy san ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Andrei.

"San pa ede uuwi!" Inis kong sagot.

"At sa cr ka pa talaga dadaan." Napahinto naman ako.

Nasapo ko naman ang noo ko nang mapagtanto kong hindi ko pala alam kung saan ang daan palabas nitong mansyon. Hay nakakahiya na talaga.

Bumalik ako sa kinaroroonan nina Andrei, andun parin ang kuya niya at kasalukuyang nakaupo na sa isang single sofa.

"San ba kasi?" Napapahiyang bulong ko sa kanya.

"Dun sa kabila." Bulong niya pabalik habang pinipigilan niyang tumawa.

Kinurot ko naman yung tagiliran niya dahilan para mapa igtad siya.

"Tara! Dun tayo sa kabila! Dun ang daan!" Matapang kong sabi sabay turo sa kabilang daan at nauna nang naglakad. Palingo lingo naman siyang sinundan ako.

The Secret Revenge Where stories live. Discover now