KABANATA 15

41 13 0
                                    

ZAINE'S POV

"Hey, nagpakita ka rin. You don't know how much we missed you Xiron, iho." Nakangiting salubong ng lalaking nasa mid 50's kay sir.

Kung titignan mo'y sobrang amo ng kanyang mukha, desente kung manamit at kagalang galang kung tignan. Mabait ito panigurado hindi kagaya ni sir na parang sinumpa ng mundo.

"Same here tito." Nakangiting sagot naman ni sir at kasabay nito ang pagyakap nya sa kanyang tito.

"Ow, you brought someone with you pala. I'm sorry HAHAHA." Napaka kalmado ng taong ito, parang masaya sya sa buhay nya. "Hi iha, what's your name? Girlfriend ka ba nitong pamangkin ko?" Baling sa akin ng tito ni Boss. Ako naman ay nagulat sa sinabi nya.

"I'm Zaine Marie Barcelo po and I'm not his girlfriend, I'm his secretary po." magalang na sagot ko. Naku naku, manghuhula na nga lang nakakatakot pang pakinggan.

"Please to meet you young lady. By the way I'm Max Hamilton, Xiron's tito." Aniya sabay abot ng kanyang kamay. Tinanggap ko naman ito at nakipag shakehands. "Hmm, Barcelo. What a nice surname and it's pretty familiar. Isn't it, Xiron?" Giit nya sabay baling kay boss. Nakita kong nagkatinginan silang dalawa ni sir Xiron. Para bang nag uusap sila sa pamamagitan lamang ng kanilang mga mata.

Bakit parang ang weird ng mga tao ngayon?

"Ahh-ahm k-kung gusto nyo po sa labas na muna ako. Baka may pag uusapan pa kayong importante." Singit ko sa kanila.

"Nope, wag na iha. Besides, our meeting has been cancelled already. Both of you may go now." Ngiting baling ni sir Max sa akin. Napatanga ako sa narinig pero binawi ko rin kalaunan.

Kung kanina lang sana ito sinabi edi sana mahimbing na ang tulog ko ngayon.

"Uhm, baka lang naman po may importante pa po kayong pag uusapan, pwede naman po akong maghintay sa labas." Kung hindi lang ito mabait sa paningin ko baka ako pa ang kakaladkad jan sa pamangkin nya para makauwi na kami't makatulog na ako.

"Well, may susunod pa naman. We'll discuss it next time iha. As of now, pwede na kayong umalis. I know both of you are tired sa flight nyo kanina so it's better for you to take a rest muna." Buti pa ang tito ni sir maintindihin, eh sya mainitin lang.

12pm na nang makabalik kami sa hotel na tinutuluyan namin. Pagka pasok na pagka pasok ko sa kwarto ay agaran kong itinapon ang sarili sa higaan.

Mamaya na siguro ako kakain, gustong gusto ko na talagang matulog.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang nagsalita si boss. Ano na naman ba ito? Ba't ayaw nitong patahimikin ang kaluluwa ko? Tama nga talaga ang instinct ko na hindi kami pwedeng magsama sa iisang kwarto. Haysss

"I'm hungry, mag order ka ng pagkain." Utos nya habang kinakalikot nya ang kanyang laptop.

Sinunod ko nalang ang utos nya para wala nang gulo.

Hindi ko na talaga alam kung sekretarya ba talaga ako o ano. Parang all around maid na ang tingin nya sa akin eh. Pasalamat sya't nangangailangan ako ng pera kundi baka nilayasan ko na sya.

Ilang minuto kaming naghintay bago dumating ang inorder kong pagkain.

Gustong gusto ko na talagang matulog. Halos tumiklop na ang mga mata ko habang tinatanggap ang order.

The Secret Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon