KABANATA 6

60 13 3
                                    

ZAINE'S POV

Lumipas ang ilang araw at pansin kong andaming nagbago simula noong may nangyari sa akin.

Napapadalas na ang pagbully sa akin ng mga kaklase ko at pati narin ang mga schoolmates ko. Wala akong laban dahil nag iisa lang ako at madami sila.

Wala rin naman na akong pake pa. Hinahayaan ko nalang silang gawin kung ano ang gusto nila. Masyadong ukupado ang utak ko sa nagdaang araw.

Si Lucas naman ay hindi na ako kinakausap. Okay na rin yun at least hindi niya ako pinalayas.

"Hoy okay ka lang? Lutang na lutang ah." Biglang singit ni Andrei dahilan para mabalik ako sa huwisyo.

Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa rooftop, lunch time na kasi at dito namin naisipang kumain na dalawa.

Sa ngayon siya yung nagpapatawa sakin. Gumagawa siya ng kakornihan mapatawa lang ako.

"Okay lang ako, wag mo na akong intindihin." Sagot ko habang nakatingin sa kawalan.

"Talaga ba?" Hay naku etong gurang na ito napakakulit.

"Oo nga." Ika ko sabay irap sa kanya.

"Ang sungit, tara gala tayo libre ko." Aniya sabay ngiti ng malapad.

"Gagi ka ba? Nakalimutan mo na bang may pasok pa tayo pagkatapos ng tanghalian?" Bulyaw ko.

"Alam ko pero akong bahala sayo." Aniya sabay kindat.

"Tigil tigilan mo nga yang pag kindat kindat mo para kang asong na stroke nakakadiri." Ika ko sabay aktong nandidiri.

"Sus ang sabihin mo napopogian ka lang sakin, andami mo pang arte." Aniya sabay pogi sign.

"Asa ka, mas pogi pa yung alagang aso ni Lucas kesa sayo, mahiya ka nga." Reklamo ko.

"Sus andami pang sinasabi, tara na nga." Hinila lang naman niya ako pababa sa rooftop.

"Malandi talaga itong babaeng to."

"Yeah right sinabi mo pa."

"Masyadong ginalingan yung kakapalan ng mukha. Pati si Andrei balak sulutin like iwww."

Sari saring kumento ng mga nadadaanan naming mga studyante pero itong kasama ko parang walang naririnig balewala lang sa kanya lahat.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad niya akong pinasakay sa sports car niya.

"Teka hoy san ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko habang sya nama'y abala sa paglagay ng seatbelt sa sarili.

Makaraa'y bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at halos magdikit na ang mga ilong namin sa sobrang lapit. Pinipilit kong iiwas ang sarili pero hindi ako makagalaw.

"T-teka hoy anung gagawin mo?" Nauutal kong tanong sa kanya dala ng kaba na nararamdaman ko.

"Ba't ka nauutal? Tinamaan ka na sakin noh." Mahinang sambit niya habang magkalapit parin ang mukha namin.

Sa hindi malamang kadahilanan ay natulak ko siya ng malakas at tumama yung ulo niya sa manibela.

"Pag nauutal tinamaan na agad? Tumigil ka nga baka tamaan ka ng kamao ko ehh. Nakakadiri ka." Siya naman ay himas himas ang ulo.

"Napakamapanakit mo talaga, binibiro ka lang sineseryoso mo na. Di ka pa nakuntento binagok mo pa ulo ko sa manibela ng sasakyan ko." Reklamo niya.

The Secret Revenge Where stories live. Discover now