Chapter 4

21 1 0
                                    

"Tigilan niyo nga kami sa pagsasabi ng kung ano-ano, alam naman naming hindi talaga kayo gumagawa ng assignment." Pagsusungit ni Minelli, ang aming vice president sa room.

Kakatapos lang ng aming debate sa FILPAG, kung saan ang grupo ko at grupo ni Minelli ang naglaban. Ako mismo ang pumili ng topic na "Dapat bang tanggalin ang takdang-aralin?"

Ang kaso nga lang maling panig ang nabunot ng kagrupo ko kaya no choice ako kundi mag-dis-agree na tanggalin ang takdang-aralin. Mas marami sana akong pambato kung sa amin agree na position.

Wala namang panalo at talo sa debate dahil own opinion namin iyon. Pero itong si Minelli at ang iba sa mga ka-grupo niya ay ang OA. Akala mo naman natalo sila.

Ano? Nagagalit siya dahil panay ang bira ko sa kaniya kanina? Ganoon naman talaga ang debate, pikon lang talaga siya at ayaw na nalalamangan.

"Sige, mamaya kapag nagbigay ng assignment sina ma'am kayo lang gumawa, ah. Sabi niyo kasi nakakapangtalino ang assignment kasi kahit wala sa school may kaalaman pa rin kayong naiipasok diyan sa kokote ninyo." Litanya niya pa.

Hindi man ako nakatingin sa kaniyang direksyon ngunit alam kong sa akin siya nakatingin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko kaya naman nanahimik siya sandali. "Akala mo naman talaga-" natigil siya sa pagsasalita nang mag-umpisa akong maglakad papalapit sa kaniya.

Natahimik ang mga lalaki kong kaklase sa pagtatawanan. Tumahimik ang buong klase at parang naghihintay sila kung anong sasabihin ko.

Walang-emosyon kong tinitigan ang kaniyang mga mata na matalim ang tingin sa'kin.

"Do you know the purpose and rules of the debate?" Seryoso kong tanong sa kaniya. "It seems like... hindi mo alam."

Lumayo ako kaunti sa kaniya. "Ayoko sanang sabihin 'to pero sinusubukan mo kasi pasensya ko." Sambit ko. "That's why debate is for someone who is knowledgeable about a topic to engage in a discussion. They can utilize evidence from social media and also express their own opinions.."

"Lahat ng sinabi ko opinyon ko lang." Boses ko lang ang tanging maririnig sa buong room. "Yes, may sinabi akong dagdag kaalaman ang assignment. Pero hindi ko sinabing nakakasipag 'yon. Kaya walang connect 'yung sinabi mo kanina. Magkaiba ang matalino sa masipag, search mo pa kay google." Huli kong sabi bago lumabas ng room.

Agad namang tumakbo papalapit sa'kin ang dalawa kong kaibigan. "I'm so proud talaga sa'yo, Moon. Imagine, kahit ang president natin hindi siya pinagtangkaang sagut-sagutin dahil sobrang maldita niya. Pero ikaw, nagawa mo siyang mapatahimik." Natatawang wika ni Raine.

"Deserve niya ‘yon." Sambit ko. "Ilang quarter akong nagtiis sa kaniya dahil sa basura niyang ugali. Akala siguro niya hahayaan kong apak-apakan niya lang ako. Bakit, magadan ba siya?" Napapairap ko pang tanong.

"Tama, true, hindi naman siya maganda, I mean, yes, maganda siya pero mas maganda ka pa rin. Kahit walang make-up outstanding ang beauty mo." Pagkampi ni Angel.

Lumagpas kami sa room ng section C. "Bro, saan ka pupunta?" Rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses.

"Library." Sagot ng pamilyar na boses ni Ryo.

Nasa likod namin sila? "Nasa likod natin ‘yung lalaking pa-mysterious." Bulong ni Angel sa gilid ko.

Pa-mysterious? Sino? Si Ryo?

Napasulyap si Raine sa aming likod bago tumango. "Manahimik nga kayong dalawa." Saway ko sa kanila.

Pababa na sana kami ng hagdan nang makasalubong namin si ma'am Ayessa na kakataas lang sa aming floor.

Senior high School Series #2: Love & Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now