Chapter 10

19 2 0
                                    

Pagkatapos nang naganap na classroom officers ay pinabayaan kami ni Sir Nico sa mga gusto naming gawin. Niyaya ako nina Raine sa mga kaklase naming nakapabilog ang upuan.

"Lika, naglalaro kami." Anyaya nila.

Tinuro ko ang aking notebook. "Nagrereview ako." Pagtanggi ko.

"Ha? Review? Wala naman tayong quiz sa ibang subjects, ah. Kaka-quiz lang natin e." Sambit ni Lana, ang muse namin.

"Ganiyan talaga 'yan si Moon, nagrereview kahit wala pa namang dinidiscuss." Ani Angel. "Tayo na lang laro."

Bumalik ako sa pagbabasa hanggang sa nagsalita ang pilyong kaibigan ni Ryo. "Ryo, sali ka." Ani September. "Tama na kakabasa ng mga libro, mag-enjoy naman kayo pres, syaka vice pres."

Nagtawanan naman ang mga kaklase namin. "'Wag mo na silang pilitin, September, nagreready talaga sila baka kasi may pa-surprise debate na naman si ma'am Crizlle." Natatawang sabi ni Raine.

"Mga hindi marunong magpatalo." Ani September.

Nagtaas ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon pero nanatili ang titig ko sa binabasa ko.

Yes, I refuse to accept defeat. I know the purpose of what I am doing, and I won't let Ryo be the only one to hinder my desire to obtain the scholarship. I am willing to do whatever it takes just to surpass him.

Akala ko sumuko na talaga sila sa pagyayaya sa‘kin at kay Ryo para sumali sa laro nila. Pero nang maging kaunti na sila ay nag-umpisa na naman mamilit.

"Moon, sama ka na!" Sigaw ni Raine. Sinaway kaagad siya ni Sir Nico. Lumapit siya sa‘kin at sapilitan akong hinila. "Dali na, 'wag puro aral, ngayong senior high school pa lang tayo na-e-enjoy pa natin ang mga ganitong bagay, pagtungtong natin ng college hindi na natin magagawa ang ganito kaya 'wag ka ng kill joy, okay?!"

I heaved a sigh and reluctantly let myself be pulled by her. I thought I was the only one they were going to include, but to my surprise, September suddenly made Ryo sit next to me. Nakaupo si Ryo roon habang naguguluhan sa nangyayari sa circle, at ako naman ay nakatayo sa kaniyang kaliwa.

"Anong laro naman? 'Wag na truth or dare, panget na no‘n." Ani Angel.

"Cherry de Apple?" Suhestyon ni Lana.

Tiningnan ko ang mga kaklase kong nakapabilog at sabay-sabay silang tumango sa suggestion ni Lana. "Anong category?" Tanong ni Angel.

"Names para madali lang." Lana answered.

"Paano 'yon laruin?" Literal na bumagsak ang kanilang mga panga dahil sa tanong kong iyon.

Inosente ko silang tiningnan na may nagtatanong na mga mata. Bakit? Masama bang hindi ko alam ang mga larong alam nila?

"I can't imagine, matalino ka pero hindi ka naglalaro ng cherry de Apple?" Hindi makapaniwalang tanong ni September sa tabi ni Ryo.

"Hindi naman ako palaging nakikihalubilo sa mga kaklase ko." Sagot ko.

"Ganito 'yan, Moon." Ani Angel bago lumapit sa‘kin. Kinuha niya ang kaliwa kong kamay bago ipinatong sa nag-aabang na kamay ni June. "Dapat 'yung dalawa mong kamay magkaiba ng posisyon. Kung itong kaliwang kamay mo nakaibabaw sa kamay ni June, 'yung isa mo namang kamay nakailalim sa kamay ni Ryo." Pagpapaliwanag niya.

"Ganito 'yan." Pumunta siya sa kabila kong gilid bago kinuha ang kamay ni Ryo. "Alam mo ba kung paano laruin 'to, Ryo?" Tanong niya rito at agad namang tumango. Angel extended Ryo's hand towards me. Angel then took my hand and placed it under Ryo's palm.

Agad akong napagalaw nang biglang makaramdam ng kung anong kuryente ng maglapat ang balat namin. "'Yan, ganiyan ang posisyon. Tapos kapag nag-umpisa ang laro at tinapik na ni June 'yung kamay mo, tatapikin mo naman 'yung kamay ni Ryo hanggang sa magtuloy-tuloy. Gets?" Tanong ni Angel. Agad naman akong tumango dahil madali lang naman.

Senior high School Series #2: Love And Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now