Chapter 2

18 2 1
                                    

Habang naglalakad ako sa hagdan pataas sa room floor ay bigla na lang may umakbay sa akin. Tinitigan ko si Whylle, tumawa lang siya bago tanggalin ang kaniyang kamay sa balikat ko.

"Anong ginagawa mo rito? Ilang minuto na lang mag-uumpisa na ang klase." Sambit ko.

"Hindi mo man lang ako babatiin ng good morning?" Nakangisi niyang tanong.

"Sige, good morning. Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko ulit.

"Nakita kitang pumasok sa building niyo kaya pumunta ako rito para bumili ng kakanin mo." Sagot niya.

"Ang aga pa, syaka hindi ako nagbebenta sa mga estudyante, kahit student teacher ng wala sa time kaya bumalik ka na lang sa building niyo." Wika ko.

"May itatanong pala ako," saad niya bago kunin sa'kin ang pinaglalagyan ko ng mga kakanin. Pinilit kong inagaw sa kaniya pero itinaas niya kaya hindi ko na abot. "Anong strand ‘yung nasa 3rd floor?"

"Humms, bakit?" Walang gana kong tanong.

Napadaan kami sa 3rd floor at panay ang linga niya sa hallway. "May nakikita ka rito?" Tanong niya.

"Oo, mga estudyante." Pilosopo kong sagot.

"Tangina namang sagot ‘yan, kasing walang kwenta mo." Aniya.

"Nagtatanong ka tapos kapag sumagot mumurahin mo ‘ko." Maangas kong wika bago ako tumingkayad at binatukan siya. Hindi naman masakit iyon, matigas naman ulo niya.

Nang makarating kami sa floor ng room ko ay nagtanong ulit siya. "May sport ka ng sasalihan?" He asked.

"Wala." Tipid kong sagot.

"Sabi ko naman sa'yo sumali ka ng badminton, tuturuan naman kita kung paano maglaro." Aniya.

"Mukha bang may time pa ako para makapag-practice? Pinagsasabay ko na nga pag-aaral at paghahanap-buhay ko, gusto mo pang sumali ako sa intrams. Baka mamatay na ako niyan." Saad ko.

"Ang oa mo," sambit niya. "Meron na kaming team sa badminton. Nag-practice kami isang beses before exam, kasama namin badminton girl team."

"Pake ko?" Sarkastiko kong tanong.

"'Yan hirap sa'yo, sarili mong pake hindi mo mahanap mag-isa." Pang-iinsulto niya.

I rolled my eyes at him before taking the basket from his hand and walking into my room. "Maraming salamat sa pagdadala, bumalik ka na sa building niyo." Kibit-balikat kong wika.

"Mamaya sabay tayong umuwi. Ililibre kita ng pamasahe." Wika niya.

"Ayoko, maglalakad na lang ako." Wika ko.

"Huwag ka na ngang mapilit, masisira na ‘yang sapatos mo kakalakad ng pauwi sa inyo araw-araw." Reklamo niya.

"Bakit, sapatos mo ba ang nasisira? Sipain kita riyan e." Sambit ko bago tangkang tatadyakan siya.

"Ang kulit. Bahala ka nga sa buhay mo." Aniya.

"Pumunta ka na sa building niyo. Salamat sa corcern." Nakangisi kong wika.

"Sige, bye." Pagpapaalam niya bago ako kawayan at tumalikod na sa'kin para makalakad papalayo.

Haharap pa lang sana ako sa mga kaklase ko ngunit sinunggaban na kaagad ako ni Angel at Raine. "Si Whylle ba iyon?" Parang chismosa nilang tanong. Magkasabay pa.

Tinatawanaw-tanaw namin si Whylle na preskong naglalakad sa hallway ng floor namin. "Hindi mo kaagad sinabi na si Whylle pala iyon. Gusto ko pa naman sana makipag-kaibigan sa kaniya." Sambit ni Raine, nanghihinayang.

Senior high School Series #2: Love & Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now