Chapter 8

13 1 0
                                    

"Ano ba, anak?!" Pigil sa'kin ni mama nang aktong lalabas na sana ako ng gate para puntahan ang bahay ni papa syaka ng kaniyang bagong asawa. "Ano? Susugurin mo si Imelda at ang ama mo dahil lang sa ginawa sa'kin?"

Hindi ko siya makapaniwalang nilingon. "Anong sabi mo, mama? Dahil lang sa ginawa sa'yo ng Imelda na 'yon? 'Wag mo ngang ni-la-lang ang ginawa niyang pananakit sa'yo!" Inis kong sabi, naluluha na.

"Ayos lang naman ako, anak." Mahinahon niyang sabi. "Tama naman siya, may asawa na ang ama mo pero lumalapit pa rin ako."

"Bakit, ma? Bakit mo pa nilalapitan ang lalaking iyon?! Pagkatapos nang lahat ng ginawa niya s'yo. Bakit natitiim mo pa ring makita siya?!" Mangiyak-ngiyak kong tanong.

"Dahil sa inyo... Dahil sa'yo." Mahina niyang sagot na siyang ikinatigil ko. "Akala mo ba madali para sa'kin na makita kang nahihirapan sa pagsasabay ng trabaho at pag-aaral mo?"

"Hindi madali para sa'kin, anak. Sa bawat madaling-araw na nagigising ako at nakikita ka sa sala na nag-aaral imbes na natutulog, pinupunit ang ng pira-piraso ang puso ko."

"Hindi ko maiwasang bumalik sa kwarto at doon umiyak habang sinisisi ang sarili ko. Tinatanong ko pa ang sarili ko kung ano ba ang nagawa kong mali sa ama mo para iwan niya tayo ng ganito? Hindi ba sapat? Hindi ba ako naging mabuting asawa para sa kaniya? Ginawa ko naman ang lahat para sa pamilya natin. K-kahit alam kong may babae na siyang natitipuhan sa pinapasukan niyang trabaho."

"A-alam mo?" Nauutal kong tanong. Dahan-dahan naman siyang tumango. Ang akala ko noon, ako lamang ang nakakaalam. Hindi pala.

Kung iisipin, siguro nga magmumukha akong OA sa mata ng maraming tao, lalo na ng mga kabataang buo ang pamilya. Hindi lang naman kasi basta-basta nagloko si papa. Bago niya kami iwan nakita ko pa lahat ng kahayupan niya. Ang panloloko niya sa mama ko. At para sa'kin, iyon ang pinakamasakit na araw. It's always, "My father is my biggest heart break".

While my mother was building me into a loving woman in the future, my father was the one who broke me into pieces, in a day.

"Ilang beses ko silang nakikitang magkasama, sa mall, sa palengke, sa kalsada, sa tapat ng bahay tuwing hinahatid siya ng babaeng iyon." Umiiyak na sabi ni mama. Basag na basag siya, at hindi ko mapigilang mas lalo pang sumama ang tingin ko kay papa.

I truly despise my surname now. It is the surname of a cheater.

Once I graduate from school, I plan to change my surname. The last name that caused so much pain to my mom doesn't fit me.

Hinding-hindi ko mapapatawad si papa sa lahat ng sakit na dinanas ni mama sa kaniya. Pero sana, 'wag siyang karmahin. Galit ako, pero papa ko pa rin siya.

"Ginagawa ko lang naman ang paglapit kong iyon sa ama mo para sa inyo ng mga kapatid mo." Aniya pa. "Pinipilit ko siyang sustetuhan na lang tayo, kahit 'wag na siyang bumalik dito."

"Kahit 'wag na, mama." Wika ko, pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. "Ilang taon na akong nagtatrabaho kasabay ang pag-aaral ko, pero never akong nagreklamo sa'yo, never kong sinabing pagod na 'ko, di'ba?"

"Alam ko naman iyon." Aniya. "Pero kahit hindi mo sabihin alam ko sa sarili kong napapagod ka na rin."

"Napapagod ako pero nagpapahinga naman ako e, pero never pumasok sa isip ko na sumuko na lang. Na puntahan si papa at magmakaawa sa kaniya." Sambit ko. "Ang gusto ko mama, makita ni papa na 'yung anak niyang iniwan niya ay nakakatayo sa sariling mga paa. Na hindi na ako 'yung batang Moon na kilala niya."

Lumapit siya sa'kin bago ako yakapin ng mahigpit. "'Wag kang mag-alala, anak. Hinding-hindi na ako lalapit sa ama mo para manghingi ng pera sa kaniya." Wika niya.

Senior high School Series #2: Love & Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now