PROLOGUE

25 6 0
                                    

🧪🧪🧪🧪

MOON'S POINT OF VIEW;

People often say, "I will never love again" or "I don't love anymore," which, in my opinion, is incorrect. Love does not end once you experience heartbreak in a romantic relationship. Love is a complex concept that encompasses various forms and meanings.

If you love your friends, if you love your family, you are still in love. It is not limited to having a boyfriend or girlfriend to justify being in love.

So, even though I have never had a boyfriend since birth, I still say that I am in love when someone asks me. In the end, people often ship me with random individuals.

Before anything else started I want to introduce myself first. I'm Moon Agatha Cazandra Bordeos, a 17 years old, STEM student, the breadwinner of my family.

Simula ng grade 7 ako nag-umpisa na akong mag-isip kung paano kikita para makatulong sa bahay, dahil iyon ang taon na hinding-hindi ko makakalimutan, iyon ang taon kung kailan kami iniwan ni Papa at sumama sa ibang babae.

Si Mama na lang ang aming naging sandalan ng mga panahong iyon, bata pa ang mga kapatid ko kaya kapag wala si Mama ako palagi ang naiiwan sa kanila. Pinagsasabay ko ang pag-aalaga sa bunso kong kapatid pati ang pag-aaral ko.

Yes, it's so hard. Pero noong una lang naman. Nung nasanay na ako sa buhay kong iyon ay hindi na ako nag-rereklamo, at taos-puso na lamang na tinatanggap ang pasanin ko sa buhay.

Naging tindera ako sa canteen noong junior high school ako, tuwing break time ng mga estudyante ay dapat nasa canteen ako.

Umabot pa sa point na imbes na mag-review ako for exams, nasa counter ako sa canteen, nag-ta- trabaho. Kaya ang ginagawa ko upang hindi ako bumagsak ay gumigising ako ng madaling-araw para mag-review. Mas effective iyon dahil tahimik.

Pero kapag tahimik ang paligid maraming kung ano-anong pumapasok sa isip ko, kaya minsan ayoko ng tahimik.

Sometimes I cry silently because I think, if Papa hadn't left us, wouldn't life be this difficult for me? Kung nanatili ba si papa sa pamilya namin, mas nakakapag-focus ba ako sa pag-aaral ko?

Of course, yes! I graduated elementary with so many awards. When it comes to the battle of the brains, lagi ako ang bukam-bibig ng mga teachers. Hanggang ngayon nandoon pa rin sa tapat ng school ang tarpaulin ko noong nanalo ako ng math, english, science quiz bee sa iba't-ibang school.

Bumaba lamang ng kaunti ang grades ko ngayong high school. I prioritize my family instead of my acads. Of course, they are my family, walang ibang mas mahalaga kaysa sa kanila.

Nung nag-grade 10 ako, nagkaroon ng sakit si Mama. Bumabagal at bumibilis ang tibok ng kaniyang puso, isang beses lamang siyang nakapagpatingin sa doctor dahil sa kawalan ng pera.

Sinabihan kami ng tumingin sa kaniyang doctor na bawal na siyang magpagod. Kaya kahit labag sa loob ni mama ay natigil siya sa pagkuha ng mga labada sa mga kapit-bahay namin. Wala kaming washing machine kaya mano-mano ang paglalaba niya noon.

Pero ngayon, ako na lang ang naglalaba. Kapag may labada, maaga akong gigising ng sabado at linggo para may time akong gumawa ng assignments ko.

Hating-gabi na lang talaga ang pahinga ko ngayong senior high na ako. Sa gabi kasi nagiging tagaluto, tagahugas ng pinggan, tagalinis ng mga kalat ni Muhlack, tagagawa ng assignments ni Yienne, si Yoenna naman minsan ang nagpapatulog kay Muhlack.

Yoenna is 12 years old, siya ang sumunod sa'kin, junior high na siya pero grade 5 pa lang ang matured na niya.

Si Yienne naman ay 9 years old, busy siya palagi sa pagpapaganda, hindi ko na lang pinapansin dahil passion niya iyon. Kung saan siya masaya, bahala siya.

Si Muhlack naman ang nag-iisang lalaki sa amin, siya rin ang bunso. 6 years old pa lang siya at special child. Hindi siya nakakatayo, talagang nakahiga lang siya, minsan naman ay tinuturuan ko siya kung paano umupo. Kaya naman niya umupo pero hindi nang pangmatagalan, umuungol siya sa sakit kapag matagal na.

Kung ano-ano kasing ipinapainom na gamot kay Mama ng nurse niya sa clinic kung saan siya nanganak. Naging sakitin kasi si Mama during her pregnancy kay Muhlack. Si Papa naman, oo na lang ng oo sa pinapabili ng nurse kaya nagkaganoon si Muhlack.

Ang sabi ng doctor ay hindi na makakatayo si Muhlack, hanggang paghiga at upo na lamang siya. Kakayanin naman niyang makapagsalita basta mahahawakan ng magaling na doctor. I-sinuggest pa ng doctor na dalhin namin sa America, wala naman kaming pang-biyahe. Hindi naman namin kapit-bahay iyon.

Si mama naman, simula ng magkasakit siya ay pagluluto na lang sa tanghali ang kaniyang nagagawa. Alam kong masipag si mama, sobrang maasikaso niya sa amin, pero ayaw niyang mawala siya sa piling namin kaya ginagawa niya ang labag sa kaniyang loob.

Malaking pagpapasalamat ko na lamang dahil hindi siya katulad ng ibang nanay na gustong-gusto kumikilos kahit alam na may sakit.

Ayaw lang talaga ni Mama na lumala ang kaniyang sakit at dumagdag pa ang kaniyang araw-araw na gamot sa binibili ko para sa bahay.

Tumuntong ako ng senior high na hindi sa gusto kong strand ako pumasok. Pumasok ako sa STEM dahil maraming opportunities ang nandoon. Gusto ko sanang mag ABM dahil business minded ako.

Nagtitinda ako ng mga kakanin, hindi iyon sikat sa mga mayayaman pero may bumibili naman. Iyong mga curious kung ano ang lasa. Simula first day of school nagpaalam na ako sa principal na magbebenta sa loob ng school, pumayag naman sila dahil wala iyon sa canteen namin.

Parami nang parami ang mga bumibili sa'kin each day, nakikilala na kasi nila ako. Syaka masarap akong magluto, pwede na sa TVL.

Lagi akong nangunguna sa klase pero never akong pumayag sa gusto nila na tumakbo akong SSG president, maraming estudyante na ang nakakakilala sa'kin pero ayoko ng dagdag trabaho.

Pagod na nga ako sa araw-araw na buhay, dadagdag pa ang isipin tungkol sa mga magiging event ng school. Baka mamatay na ako niyan.

I'm always on top in our classroom but never in overall STEM.

Yes, I have a rival for first place. I feel disgusted when I hear that man's name. I also get annoyed when I see that I am always under his name on the bulletin board. Hindi ba pwedeng pumangalawa muna siya?

Gusto niya rin ba ang opportunities kapag top? Naririnig ko namang mayaman siya kaya bakit hindi muna niya ibigay ang place niya sa'kin. Kaya naman niyang mag-aral ng walang scholarship. Ako, hindi!

Ryo Nyx Dale E. Pineda 99.8%

Moon Agatha Cazandra N. Bordeos 99.7%

Sa point lang nagkatalo, kapag nakita at nakaharap ko talaga ang lalaking 'to, ipapamukha ko sa kaniyang hindi niya deserve ang top 1.

Malaman ko lang talaga kung anong section mo, araw-araw kitang bibisitahin doon para ipa-mukha na ako dapat ang nangunguna. Tsk.



-iamlunamoon

Don't forget to comment all your thoughts in any chapter. Vote are highly appreciated >333.

Senior high School Series #2: Love & Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now