Chapter 6

12 2 0
                                    

After a month of preparation, the day finally arrived when we would compete against another strand. Madaling-araw ako gumising para tanggalin ang kaba ko dahil ilang taon din akong hindi nakasali sa mga ganito. Nawala na ata ang lakas ng loob ko.

Talo ang strand namin sa pampalakasan, pero nanalo naman sa board games. Mamaya pang hapon ang laban namin ni Ryo kaya wala akong ginawa kundi magbasa-basa ng dictionary sa loob ng library. Hindi muna ako nilalapitan nina Angel dahil alam nilang napepressure na ako.

Hindi ko pa nakikita sa araw na ito si Ryo. Napadaan ako sa classroom nila kanina pero hindi ko siya nakita roon. Noong huli kasi naming practice ay nasigawan ko siya.

Nag-focus na ulit ako sa pagbabasa, isang oras ang lumipas ay kumakalam na ang tiyan ko at nanlalabo na rin ang paningin ko sa sobrang kakatitig sa libro.

May naglapag ng pagkain sa harap ko syaka umupo ang taong may dala ng pagkain. Hindi ko siya tinapunan man lang ng tingin. "You have not eaten yet." Malamig niyang sabi bago ilapit sa'kin ang dala niyang pagkain.

Napatigil ako sa aking pagbabasa at dahan-dahang nagtaas ng tingin sa lalaking kakarating lamang. "Buti nagpakita ka pa." Masungit kong wika.

"Are you looking for me?" Taas-kila niyang tanong sa'kin.

"Hindi ba obvious?" Sarkastiko kong tanong. "Lagapak tayo sa basketball, football, badminton, volleyball, panalo lang sa mobile legends, COD, syaka chess. Lahat ng laro na ginagamitan ng isip panalo ang strand natin kaya nga napepressure ako kasi ayokong matalo tayo." Mahaba kong sabi.

"Don't think we will lose." Kalmado niyang sabi.

Paano siya nagiging kalmado gayong nasa amin ang pride ng strand namin. Hindi lang strand ang dala namin, section namin, mga teachers namin, mga kaklase, mga sarili namin. Ayokong madissapoint ulit sa sarili ko.

"Eat first." Sambit niya.

"Ayoko." Tipid kong saad bago binalik ang tingin sa dictionary.

He grabbed the dictionary from my hand and handed me the food he brought. "Your brain won't absorb anything if your stomach is empty." Aniya.

"Mas walang pumapasok sa utak ko kapag busog ako. Tatamarin lang ako magbasa mamaya." Wika ko, tinangka kong kunin sa kaniya ang dictionary pero inilayo niya sa'kin.

Palibhasa mahaba ang braso niya tapos may lamesa pa sa pagitan namin kaya hindi ko maabot! Bwisit!

"Once you're finished eating, I'll provide it to you immediately. In the meantime, I'll read." Sambit niya bago suotin ang glasses niyang nasa kaniyang polo bago magbasa.

Tinarayan ko na lamang siya bago ilabas ang pagkaing dala niya. Ang dami naman nito! Syaka mukhang mamahalin, amoy pa lang. Hindi ko afford.

"Magkano bili mo rito?" Tanong ko sa kaniya.

"Don't ask." Sagot niya.

"Magkano nga." Pangungulit ko pa.

"Why do you want to know? It's not important." Aniya.

"Babayaran ko. May pera naman akong pambayad sa'yo." Sagot ko.

"I'm not making you pay."

"Gusto kong bayaran."

"Nevermind."

"Anong nevermind? Gusto ko ngang bayaran. Ayokong nililibre ako."

"That's not free."

"Oh, hindi naman pala libre, edi babayaran ko."

"The price for that is that you should be full."

"Anong klaseng bayad ‘yan?"

Senior high School Series #2: Love & Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now