Chapter 12

16 1 0
                                    

"Ano ba 'yan, umayos nga kayo!" Sigaw ni Lana.

I've been getting annoyed with her voice for a while now. All she does is shout. We are outside the school, and there are only a few students coming out because they have already left earlier.

Nandito kami para pag-usapan ang tungkol sa gagawing Greek mythology para sa 21st Century subject namin. Pero nakakainis kasi walang cooperation 'yung iba, lalo na ang boys. 'Yung ibang girls naman inuna pang mag make-up kaysa tulungan si Lana sa pagsasaway sa mga pasaway.

Pati ako hindi makapagfocus sa aking ginagawa. Ako ang director at writer, habang si Lana naman ang co-director ko syaka ang leader namin. Hindi ko talaga kinuha ang pagleleader dahil ayokong manaway nang manaway, baka bigla kong tanggalin kaagad.

Kanina ko pa sila pinagmamasdan dahil sa room pa lang nag-iisip na ako kung saan namin i-sho-shoot ang movie. "Isa pang saway boys!" Banta ulit ni Lana. "Susumbong ko na talaga kayo kay Sir mga punyemas kayo!"

Ang gagawan namin ng act ay simula kay Chaos, kung paano niya binuo ang lahat. Susundan ni Gaea at ng kaniyang mga anak, which is the primordial deities.

"Okay, guys, makinig na." Mahinahon ngunit may pagbabanta sa boses ko. Agad namang tinago ng mga babae ang kanilang make-up kit, natahimik din ang mga lalaki. "Mag-a-assign na ako ng mga roles. Kapag nabigyan ko na kayo ng mga roles gusto kong practisin niyo sa mga bahay niyo kung paano kumilos ang god or goddess na mapupunta sa inyo. Don't worry, maraming characters ang nandito kaya lahat kayo may ambag."

"Ang sabi ni Sir, i-a-act natin kung ano ang naging ambag nung gods, ipapakita rin natin kung paano nila nakilala ang kanilang mga asawa." Dugtong ko pa. "I want everyone to cooperate because we won't get anything done without cooperation. Kapag sinabi kong may practice tayo sa araw na 'to, umattend. 'Wag din magpa-vip kasi kawawa 'yung mga kaklase nating maagang pumupunta ng practice tapos after 5 hours pa mag-uumpisa kasi ang daming hinihintay. Kaya sana wala magpa-vip."

"Okay, first, Chaos, ikaw 'to." Turo ko kay June. "Panoorin mo 'yung about sa kaniya."

Nagbigay-bigay na rin ako. Kung sino na lang matitirang goddess 'yung sa'kin. Si Lana ang ginawa kong Gaea. 'Yung kaklase naman namin na tahimik na maputi ang ginawa kong Nyx, mukhang sa gabi lang ata siya lumalabas ng bahay nila e.

Binigay ko ang role na Eros kay September, habang ang kay Angel naman ay si Psyche. Kaunti lang naman ang cameo ni Psyche dahil tatayo lang siya sa gilid ni Eros bilang wife niya. Kaya binigay ko na rin kay Angel ang role ni Hera.

Hindi namin kagrupo si Raine. Nahati kasi sa dalawang group ang section namin. Pero same lang kami ng gagawin. Buti nga hindi kami sa labas magpeperform. Nakakahiya.

Sa huli ay ako ang ang wala ng role. Kinuha ko ang role ni Persephone. Anak ni Demeter na asawa ni Hades.

Persephone is the wife of Hades and the queen of the underworld. Hades, on the other hand, is the Greek god of the underworld. Persephone was Hades' first wife, and they had two children together, while he had one child with another wife. Bale tatlo ang anak ni Hades.

Nang kinabukasan ay wala kaming ginawa sa 21st, hinayaan kami ni Sir na mag-discuss sa mga ka-grupo namin kung ano ang gagawin.

Nasa unahan kami while ang group naman ni Ryo ay nasa likod. I watched him teach his group mates what to do. He's nonchalant but for grades he will be talkative. Buti pa 'yung group nila lahat nakikinig kay Ryo, ka-group ko paos na si Lana, maingay pa rin.

"May alam akong pagrerentahan ng mga gown. Gown ba gagamitin natin, Moon?" Tanong ni Lana.

Tumango naman ako. "Samahan mo ako sa Saturday sa alam mong rentahan, pipili tayo ng mga gown. 'Yung hindi gasinong mabigat para madaling dalhin." Sagot ko.

Senior high School Series #2: Love And Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now