Chapter 13

21 1 0
                                    

"Nakakainis naman kasi e!" Nagdadabog na sabi ni Raine habang naglalakad kami papuntang library para tumingin ng bagong libro.

Nagbago kasi ang isip ni Ma'am Crizlle, dahil mayroon na kaming book review sa isa naming subject, ang pinapagawa niya sa‘min ay book summary naman tapos during presentation magtatanong ang mga kaklase naming may gustong itanong.

Okay lang naman iyon. Okay na sana, not until sabihin ni Ma'am na romance lang ang babasahin. But for 16+, syaka walang bed scenes.

Buti na lang at maaga niyang nasabi, wala kasi siyang binago ang due date. Maswerte kung hindi aabutin ng time ang apelyido mo, kasi may time pa para ayusin, pero ako? Letter B, tapos lagi pang ladies first!

"Tapos ko nang basahin 'yung fantasy na 'yon tapos malalaman kong binago ni Ma'am." Patuloy sa pag-aalburuto ni Raine.

Kahit ako, gusto kong magmaktol. Pero walang magagawa ang pagmamaktol ko, mag-c-cram lang ako kasi mas inuna ko magmaktol.

Nang makarating kami sa Library ay agad kaming nag-fill up ng form dahil dadalhin namin sa room ang book. Para hindi na kami bababa sa library. Nakakapagod kaya mag-akyat-baba.

Naghiwa-hiwalay kaming tatlo para maghanap ng sari-sariling kwentong i-su-summary namin. Sinabihan ko naman silang doon kami maghintayan sa labas ng library.

Naalala ko ang sinabi ni Ma'am Crizlle na dapat ay wala kaming kaparehong librong babasahin sa buong section. Ngayon napapaisip ako, ilang romance book ang mayroon dito sa library? Titingnan ko pa ba muna ang mga librong babasahin nila bago ako pumili ng akin? Pero nakakapagod tumaas!

Pero okay na iyon para sure ako sa mababasa ko. Baka naman kukuha ako ng isa rito tapos may kapareho pala, sayang pagbabasa ng description.

Lumabas ako ng library. Akala ko wala pa sila, ngunit laking gulat ko nang makitang nandoon na ang dalawa at nakikipagtawanan pa kay September.

Bago ako lumapit sa kanila ay nakita kong nasa likod ni September ang kaibigan niyang si Ryo. May dala siyang dalawang libro.

"Uyy, Moon, nandiyan ka na pala." Ani Raine nang mapansin ako sa gilid nila.

Dahil nakatuon kay Ryo ang paningin ko ay nakita ko kung paano siya mabilis na tumingin sa akin nang banggitin ni Raine ang pangalan ko.

"Wala kang nagustuhang libro?" Tanong ni Angel.

Umiling naman ako. "Hindi sa ganoon, naalala ko lang ang sinabi ni Ma'am Crizlle na dapat wala tayong kaparehang libro sa mga kaklase natin. Iniisip kong baka kapag kumuha ako ng isa ay mayroon na sa mga kaklase natin." Mahaba kong sagot.

"Ano na balak mo?" Tanong ni Raine. Sumulyap naman siya sa pintuan ng library. "Bawal ka nang bumalik doon baka kasi ma-prito ka ni Mrs. Librarian."

"Makikiusap na lang siguro ako? O hindi kaya ay isama ko mamaya rito si Ma'am Crizlle?" Hindi ko siguradong sagot.

"'Wag na, Moon." Napatingin ako kay September nang bigla siyang magsalita. Hinila niya si Ryo para mapalapit sa‘kin. Halos isubsob niya sa akin ang kaibigan niya. "Sagot ka na ni Ryo." Nakangisi niya pang sabi.

Tiningnan siya ni Ryo na may pagtataka sa mukha nito. Gusto kong matawa dahil mukha siyang batang binubugaw ng kaniyang magulang. "Dalawa ang kinuha niyang libro, baka kasi may kapareha 'yung isa kaya dinalawa niya ang kuha. Ang utak niya 'no?" Nakangising tanong ni September, nagtaas-baba pa ang kaniyang kilay.

"Tama si September, Moon." Pagsang-ayon ng dalawa kong kaibigan. "Para hindi ka na bababa."

"Paano kapag may kapareha ang isa?" Tanong ko.

Senior high School Series #2: Love And Lies (A Collaboration)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora