Chapter 9

11 2 0
                                    

Kinabukasan ay buong araw akong nasa bahay lang. Wala lang, gusto ko lang enjoyin muna ngayong araw ang pahinga ko. Wala pa akong napapasukang part-time job kaya hinihintay si Aling Belle, ang kapit-bahay namin na nakausap ni mama na mayroong alam na pwede kong pasukang trabaho.

Habang hinihintay siya sa bakuran ay umupo muna ako sa tapat ng aming gate. Hindi na tirik ang araw dahil hapon naman na. Actually, katatapos lang namin nina Yeonna at Yienne mag general cleaning sa bahay. Pagkatapos namin maglinis agad na naligo si Yienne dahil napaka-arte niya.

Ilang minuto akong naghintay hanggang sa marinig ko ang busina ng kotse nina Aling Belle. Agad akong tumayo bago ilapag ang notes kong binabasa ko kanina.

Aling Belle swiftly exited her car and approached me. "Nasabi na sa‘yo ng mama mo?" Tanong niya sa‘kin na kaagad ko namang tinangunahan. "Malapit lang iyong tinutukoy kong pwede mong pasukan."

"Pwede po ba ang minor? Next year pa po ako mag-lelegal age e." Sambit ko.

"Oo naman, iyon ang priority nila, mga estudyanteng naghahanap ng mapagkakakitaan dahil alam nilang masisipag." Aniya. "Kung gusto mo sasamahan kita mamaya kasi bukas naman sila hanggang 12 midnight."

Agad naman akong natuwa. "Sige po, kayo pong bahala kung anong oras po tayo aalis para makapaghanda po ako." Wika ko.

Tumango naman siya bago sabihin sa‘kin na aalis kami ng bandang ala-syete ng gabi. Inutusan niya akong magdala ng resume, school ID, syaka consent galing kay mama. Iyon ata ang mga requirements.

Malapit lang talaga ang nasabi niyang café dahil 8 minutes lang ata siya nag-drive. Bumaba kami sa kaniyang kotse at bumungad sa‘min ang maliwanag na café. Kakaunti lamang ang tao kaya agad kaming pumasok.

Pumunta kami sa counter at kinausap ni Aling Belle iyong babaeng nasa counter. "Hello, Ms. Pwede ko bang makausap ang inyong manager?" Tanong ni Aling Belle sa babae.

Tumango naman agad ang babae bago magsalita. "Lemon! Pakitawag nga si Ma'am Kate." Utos nito sa babaeng papasok na sana sa kusina. Nag-okay sign ang babaeng inutusan syaka pumasok sa loob. Humarap sa amin ang babae sa counter. "Pakihintay na lang po si Ma'am Kate sa gilid." Aniya bago ituro ang gilid ng counter.

Tumango kami ni Aling Belle bago naghintay sa gilid ng counter hanggang sa may lumabas na babae na mukhang nasa mid 20's, nilapitan niya iyong babaeng nasa counter at saglit silang nag-usap bago kami tinuro nung babae. Tumango sa kaniya si Ma'am Kate na siyang manager bago lumapit sa‘min.

"Good evening, what can I do to you?" Pormal nitong tanong. "By the way, ako po ang manager ng café na ito. Kate Zapanta." Pagpapakilala niya.

"Good evening, Kate. Ako iyong customer niyo noong nakaraang araw na nagtanong kung may maaalok ba kayong trabaho para sa anak ng kapit-bahay ko." Pagsisismula ni Aling Belle bago ako nilapit kay Ma'am Kate. "Ito si Moon, grade 12 student sa malapit na school. Masipag at breadwinner kaya naghahanap ng trabaho."

Ngumiti sa‘kin si Ma'am Kate. "Hi Moon, may dala ka bang resume?" Tanong nito sa‘kin. Tumango ako bago inilahad sa kaniyang harapan at kinuha niya naman para basahin ang information ko.

Habang nagbabasa ay napatango-tango siya. "So, anong schedule mo sa school? Para makapag-adjust ang schedule mo rito." Aniya.

"7:30 to 4 pm po ang pasok ko sa school." Sagot ko.

Tumango siya. "Sakto naman ang age mo sa hinahanap ko bilang isa pang waitress. Kulang kasi kami sa waitress kaya roon na lang kita ipepwesto."

Hindi na ako nagreklamo dahil mukhang madali lang naman ang pagwawaitress kahit hindi ko pa alam kung paano iyon gawin. Lagi kasi akong sa counter napupunta syaka first time ko itong papasok sa café.

Senior high School Series #2: Love & Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now