CHAPTER 24: Connecting Dots

8 0 0
                                    

Aza.

Days passed, ang school ng EHU ay bumalik na ulit sa dati. What I mean is, pagkatapos mailibing ng mga kaklase ko ay nagpatuloy na ulit sa pag-aaral ang mga estudyante sa EHU. Especially Ms. Solene, nagtuturo na ulit siya na para bang walang nangyari.

Balak kong mag-drop out sa school na 'to pero sayang din naman kung titigil pa ako. Kaya ngayon pinipilit kong mag-aral sa pesteng school na 'to, inilipat ako ng section since wala na naman akong kaklase.

“Aza, crush ka raw ni Val.” sabi  ni Gabriel na kaklase ko na ngayon, nakaklase ko na siya dati kaso napalipat yata siya ng section kasi bumaba ang grades niya. Hindi ko sila pinansin bagkus ay tumayo ako upang lumabas at magpahangin.

Vacant kami ngayon kaya free akong lumabas sa room namin. Wala masyadong tao sa labas, ang maririnig mo lang ay ang malakas na simoy ng hangin at ang maiingay kong kaklase mula sa loob ng room.

“I can't believe they're gone. It feels like a nightmare that I can't wake up from.” wala sa wisyong bulong ko,  kahit ilang araw pa yata ang lumipas hindi ko na maaalis sa aking isipan ang mga nangyari. The way I witnessed my friends and classmates being killed. “You'll get through it.” napatingin ako sa aking likuran nang may biglang nagsalita at hindi nga ako nagkakamali, it's Gabriel's voice.

Gabriel Cyrus Fernandez. Siya yung taong araw-araw na lang ginulo ang buhay ko. But, he's the president of this section. How funny.

“Tapos?” sarkastikong tanong ko. “Anong tapos? Ikaw na nga 'tong kino-comfort, ayaw mo pa?” sabi niya. “Then keep it to yourself because I don't need that lalo na kung galing sa'yo.” mataray na sabi ko sabay inirapan siya, umalis na ako at pumasok na ulit sa room.

Minutes passed at tumunog na ulit ang bell. Pumunta na sa kani-kanilang mga upuan ang aking mga kaklase. I do get deja vu, parang ganito lang kami dati ng section serenity.

“Good afternoon!” pagbati ni Miss Solene. Binati rin namin siya pagkatapos ay nagsimula na kaming magtalakay ng aming lesson.

“Aza, time na?” pabulong na tanong ni Gabriel sa'kin kahit kasisimula pa lang ng kaklase. Hindi ko siya sinagot at nagpasiyang makinig na lang kay Ms. Solene na nagsasalita ngayon sa unahan.

Minutes passed at natapos na rin ang klase namin. “Aza, can we talk?” tanong sa'kin ni Ms. Solene at tumango naman ako bilang pagsagot dito. Lumabas na siya sa room kaya naman sinundan ko siya, nang makalakad kami nang malayo ay tumigil siya. Tiningnan niya muna ang paligid bago magsalita, “Alam kong naguguluhan ka pa rin kasi hindi ko sinabi sa lahat ang totoong nangyari sa inyo. But I can do it now since napaimbestigahan ko na ang lahat.” sabi niya.

“Investigating for what?” tanong ko.  Well, the fact na alam naman namin kung sino ang may kagagawan ng lahat. “Sa tingin mo ba, magagawa talaga 'yon ng isang estudyante lamang nang walang nag-uutos sa kaniyang matanda?” tanong niya sa'kin. Hindi ako nakasagot, maaaring mangyari ito lalo na't ang dahilan ay paghihiganti.

“Take a look at this.” sabi niya, inabot niya sa'kin yung phone niya at dun ko nakita ang picture ng isang pamilyar na mukha habang kausap si Mazeghiel. It's my sister. Hindi lang isang picture kung hindi lima, iba't ibang araw ito dahil magkakaiba ang suot ni ate.

What a plotwist in my life.

“Thanks to that store's CCTV.” dagdag niya. “But we can't tell just by that pictures, na si ate ang nag-utos kay Mazeghiel.” sabat ko. “Let me ask my sister first.” dagdag ko sabay umalis na. I know it's disrespectful pero sobrang gulo na talaga ng isip ko.

Trust No One Where stories live. Discover now