Chapter 22: In Pursuit Of Justice

9 0 0
                                    

Paris.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin sumasabog yung bomba na nakakabit kay Maze. Iminulat ko na ang aking mata, pagkatingin ko kay Maze ay abot-tainga siyang nakangiti.

“Bakit hindi sumasabog 'yang bomba?” naguguluhang tanong ni Jeya na may konting luha pa sa mata.

“Mukhang pinaglaruan lang tayo ng mga gagong teacher na 'yon.” galit na sabi ni Jaxx. Pero kabaligtaran naman ito ng emosyong pinapakita ngayon ni Maze, dahil malakas itong tumawa sabay may pagpalo pa sa hita niya.

“Ano ba Maze?! Bakit ka tumatawa?” inis na tanong ko. Siya na nga 'tong muntikan ng mapahamak, siya pa 'tong may ganang tumawa kahit wala namang nakakatuwa sa sitwasyon namin.

“It's just so funny 'cause you guys aren't still realizing the truth even though I gave you a lot of hints.” sagot niya sabay tumawa ulit.

The truth? Tang'na, dumagdag pa siya sa isipin kung kailang nasa bingit na kami ng kamatayan.

Tumayo na kaming tatlo at tangkang aalisin na namin yung bomba— yung pekeng bomba kay Maze pero piniglan niya kami. “Wait!” sabi niya kaya naman napatigil kaming tatlo at tiningnan siya.

May kinuha siyang parang remote sa kaniyang bulsa, “Sabayan niyo akong bumilang hanggang sampu.” utos niya sa amin.

Ano bang trip mo, Maze?

Sa parang remote na nilabas ni Maze ay may isang malaking red button na siyang pinindot niya. Sabay nagsimula na siyang magbilang.

“3” malapit na siyang matapos sa pagbibilang pero hindi pa rin kami sumasabay, dahil wala kaming kaalam-alam kung para saan ba yung hawak niyang parang remote.

“2...”

“1” pagkatapos niyang magbilang ay  naparinig ko ang isang napakalakas na pagsabog.

Kung hindi ako nagkakamali ay mula 'yon sa labas. Pupunta na sana ako sa labas pero bigla akong sinalubong nina Sir Quira at Ms. Joy sa pintuan.

“Nailigtas niyo na ba ang kaibigan niyo?” tanong ni Ms. Joy nang may mga ngiti sa labi.

“Syempre, sino ba namang hindi makakaligtas sa pekeng bomba?” walang galang na sagot ko.

“So, kapag tunay na yung bomba maraming mamamatay?” tanong ni Ms. Joy sabay mahinhing tumawa.

Tang inang tanong 'yan parang hindi nag-college.

Hindi na ako sumagot at nagpasiya nang lumakad palabas. Pero hinawakan ako ni Ms. Joy sa braso at hinigit ulit papunta sa loob.

“Hindi pa tayo tapos.” sabi ni Ms. Joy, dahil sa malakas na pagkakahigit niya ay nawalan ako ng balanse na naging dahilan ng pagkatumba ko. Mabilis naman akong tinulungan nina Jeya upang tumayo.

“Let's have some fun!” bigla siyang kumuha ng baril sa kaniyang tagiliran at itinutok sa amin. Ganun din ang ginawa ni Sir Quira.

“Kung papatayin mo rin lang kami, maigi pang unahin mo na lang ako.” sabi ni Jaxx at bigla namang tumawa si Maze na nasa likod namin.

“Tang ina, ano ba Maz—” gusto ko sanang sawayin si Maze at patayuin dahil baka sakaling makatakas kami, pero siya nga pala ang dahilan kung bakit may sumabog na bomba sa labas.

I can't believe that he also betrayed us.

“Hindi pa yata kayo nagigising sa realidad...” natatawang usal ni Sir Quira. “Maze is not your friend. Siya ang tunay na utak ng larong ito.” dagdag pa nito, bawat salitang sinambit niya na aking napakinig ay lumabas din sa aking tainga sapagkat hindi ko ito magawang intindihin.

Trust No One Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα