CHAPTER 2: Adviser

9 0 0
                                    

Paris.

Parusa ba talaga ito? Feel ko pare-parehas lang kami ng reaksyon ngayon.

"Kailangan niyong papirmahan 'yan sa inyong magulang para malaman namin kung sang-ayon sila. Kung hindi kayo payagan ay isu-suspend na lang namin kayo. Kaya lang namin ginawang 10-days camp ang sanang pagsuspend namin sa inyo ay para may matutunan kayo at hindi ma-bored kung mananatili lang kayo sa inyong bahay" sabi ni Ms.Joy, and I strongly agree to that. Kasi kung isu-suspend lang nila ang mga estudyante baka tamarin na sila sa pagpasok after the suspension.

"Old Ethereal Highschool University is located in Quezon Province. Matagal na iyong hindi ginagamit pero 'wag kayong mag-alala kasi na-check na namin 'yon last week." dagdag ni Ms.Joy.

Tumaas ng kamay si Celestia kaya tinawag ito ni Ms.Joy. "Ms. Joy, allowed po bang magdala ng phone or gadgets?" tanong nito. Nakita naming tumango si Ms. Joy kaya naman nagsigawan at nagpalakpakan kami.

"Mas better talaga 'to kaysa sa suspension!" rinig kong sabi ni Jem, magaling din siya sa pagpapatawa. He's gay and friendly. He is good at explaining and in debating. Kumbaga matalak siyang tao.

Pinatigil naman kami sa ingay ni Ms. Joy dahil alam kong parinig na parinig ang aming sigaw sa kabilang room. Bago umalis si Ms.Joy ay nabanggit niya rin sa amin na seksyon Serenity lang ang kasama sa 10-days camp kasi kami raw ang 'worst section' sa school ayon sa mga teacher dahil sa sobrang dami na naming na-violate na school rules.

"Thank you sa mga teacher na nagsabing worst section tayo kasi magka-camping tayo for 10 days. Ligtas sa mga lessons at recitation!" sarkastikong sabi ni Vyn, ang kaibigan ni Jem.

"Paano kung may recitation din sa camping natin?" pabirong tanong naman ni Izhan, siya ang assistant secretary. Humorous person and smart. He likes Paige according to chikas.

"Bahala sila, basta ako i-enjoy ko ang camping. Okay lang na walang points pagbalik basta nakapagrelax!" ani Vyn at sumang-ayon naman ang iba dito.

Oo nga, ano? Dapat i-enjoy na lang namin yung camp. Well, wala namang kompetisyon sa seksyon namin. Ewan ko ba pero halos lahat sa amin walang pakialam sa nakukuhang grado, pero matataas pa rin naman ito.

"Cleaners, ituloy niyo na ang paglilinis!" sigaw ni Jaxx. Pinalabas muna kami ng mga cleaners para daw madali sila sa paglilinis.

Ting! Ting! Ting!

Bumatingting na ang bell ng school dahil labasan na. Pumasok na kami sa aming room at kinuha ang mga bag namin.

"Uuwi na agad kayo?" tanong ni Maze. Tumango lang ako pero bigla akong inakbayan ni Jeya. "Tara muna sa park. Maaga pa naman mamaya ka na umuwi." sabi niya. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama, at kaming lima ulit ang magkakasama.

Bumili kami ng street foods at kinain ito dun sa palagi naming tinatambayan sa park. Tawanan. Chikahan. Asaran. 'Yan lang ang ginawa namin pagkatapos ay umuwi na rin.

Pagkadating ko sa bahay ay nagpalit na ako ng damit. Umupo muna ako sa sala namin at nagbukas ng cellphone. Pagkabukas ko ng data ay puro tadtad ng chats ang aking messenger kaya nung una ay naghang pa ito. Binasa ko naman lahat ang chat at ang pinakahuli ay ang messages sa groupchat ng Serenity.

Serenity 2022-2023

January 4 at 4:15 PM
Ms. Joy:
Remember the paper that I gave you earlier. Ipabasa niyo 'yan sa inyong mga magulang. Then paki-collect na lang Jaxx bukas ng umaga tapos dalhin mo sa faculty. Thank you!

Trust No One Where stories live. Discover now