CHAPTER 15: Different Point Of Views

6 0 0
                                    

Jeya.

Malapit nang mag tanghalian kaya umalis muna si Sir Quira kasama ang aming class officers. Kaming natira ay nagpatuloy pa rin sa sharing about life.

"What if yung mga tahimik ang magshare para naman alam natin kung anong buhay ba ang meron sila." suhestiyon ni Claire. Maraming sumang-ayon sa amin kaya ang sunod na pinagsalita ay si Jeanne.

Si Jeanne Ygoña ang masasabi naming sobrang tahimik. May dala siya laging yarn tapos nagawa siya ng crochet kapag may free time. Nakakausap naman siya kapag about acads.

"Huwag kang mahiya sa amin, kami lang 'to." sabi ni Mica. Tumango naman si Jeanne at huminga nang malalim.

"Boring ang buhay ko. Scholar din ako gaya ng iba. Kapag labasan na sa school deretso bahay ako, hindi katulad nung iba na may gala pa tuwing hapon. May mga kapatid ako pero hindi ko masyadong ka-close. Tahimik din ako kahit nasa bahay kaya 'wag na kayong magtaka kung hindi ako laging nakikipag-usap. Mas pinili kong maging ganito kasi trauma na ako, actually nung elementary naka-experience ako ng bullying at ang worst pa dun mga tinuring kong kaibiganin yung nambully sa'kin. 'Yon lang." pagkukwento niya. Mahina ang boses niya pero ramdam ko yung lungkot at sakit.

Nilapitan ko siya at inakbayan. "We can be friends if you want at promise ko sa'yo hindi ako magiging kagaya nung mga past friends mo." sabi ko at nginitian niya ako sabay tumango.

Sunod namang nagsalita ay si Sebastian. Nanatili pa rin ako sa tabi ni Jeanne.

"So, I like someone. Hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan, ni-hindi niya nga abot ang standard ko dahil sa height niya. Joke lang!" pagbibiro niya kaya naman natawa kaming lahat dito sa loob. "Ang totoo niyan wala naman talaga akong standard kasi sabi ko hindi pa ako handa sa love na 'yan but then I meet her. Kapag nakikita ko siya parang biglang nawala lahat ng tao sa paningin ko at siya lang yung nakikita ko. Ginusto ko ngang umamin kaso pinangunahan ako ng takot hanggang sa nalaman ko na lang na may gusto siyang iba, at yung gusto niya gusto rin siya. Alam kong alam mo na ikaw 'to pero 'wag kang mag-alala ititigil ko na rin naman 'tong nararamdaman ko." sabi niya at mapait na ngumiti.

Parang kilala ko na kung sino yung sinasabi niya. Si Precious ba 'yon? Sayang ship ko pa naman sila.

"Scholar din ako kaya boring buhay ko. Mahirap kami kaya tuwing bakasyon hanggang bahay lang at hindi rin ako palaging nakakasama sa gala ng mga kaibigan ko kasi wala ngang pera. Parehas nagtatrabaho ang mga magulang ko at nag-iisa nila akong anak kaya sa akin lahat ang mga gawaing bahay. Nakakapagod siya pero wala naman akong choice. 'Yon lang, salamat sa pakikinig." kwento naman ni Euan. Isa rin siya sa classmate kong tahimik. Hindi namin siya makausap kasi palaging nasa libro ang atensyon niya. Hindi wattpad book, educational book ang binabasa niya.

Sunod namang pinagsalita si Cassie. "Hindi kami sobrang yaman pero nakakayanan naman ng mga magulang ko na bayaran yung tuition ko sa school. Only child ako kaya minsan kapag wala ang mga magulang ko mag-isa lang ako sa amin at wala akong makausap. Minsan lang akong lumabas sa bahay namin. 'Yan lang naman ang pwede kong i-share." sabi niya. Tumango naman kami at biglang natahimik.

"Ikaw naman, Jhaira." sabi ni Mica at itinuro ito.

"Share ko sa inyo love life ko. So, noong bakasyon kasi may nakilala akong lalaki sa isang online game. Ilang linggo rin kaming nagkausap nun hanggang sa magpakilala siya, tapos nalaman ko na may girlfriend pala siya. Hindi ko masasabing nagcheat siya kasi never siyang umamin sa'kin or nanligaw kaso ito nahulog ako. Masakit syempre pero buti na lang at nakamove-on na ako sa kanya bago pa man magpasukan. 'Yon lang." sabi niya sabay ngumiti.
Natahimik ulit kami pero bigla na lang may pumasok sa room. Iniluwa nito sina Jaxx.

Trust No One Where stories live. Discover now