CHAPTER 8: Trust And Sequence Continuation

7 0 0
                                    

Jaxx.

Day 3. Patatlong araw pa lang namin dito pero nakakapagod na. Iniisa-isa kami dito at hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung sino ang killer. Hindi pa rin namin nahahanap ang mga susi and for sure nasa killer na 'yon. I think we should stop finding the things that we can never ever see.

I feel like I'm not living anymore, I'm just surviving.

Umaga na ngayon. Ang iba ay patuloy pa rin sa paghahanap ng susi kahit naikot na namin itong buong school. Nakaupo ako ngayon sa room kung saan ako natutulog. Wala akong ganang tumulong sa mga kaklase ko at wala naman na talaga akong planong maghanap ng susi.

"I love you all so much please live and get out here safely."

"I love you all so much please live and get out here safely."

"I love you all so much please live and get out here safely."

Aureah's last words or phrases keep on repeating in my head. Para akong nasisiraan ng ulo. Kung hindi lang sana siya diniin sa kasalanang hindi naman niya ginawa sana buhay pa siya. Wala akong proof para mapatunayan na hindi siya ang killer pero alam kong hindi niya 'yon magagawa.

Bumukas ang pinto ng room kaya napatingin ako dito. Iniluwa nito sina Paris, Jeya, at Maze.

"Jaxx, kumain ka na ba?" tanong ni Paris, umupo siya sa harapan ko at ang dalawa naman ay sa gilid.

Umiling lang ako kay Paris. Tumingin naman siya sa kanyang relo. "Tanga ka ba? Kumain ka na it's already 10:03 AM." sabi niya.

"Sa lunch time na ako kakain, wala akong gana." walang emosyon kong sabi. Tumayo silang tatlo at akala ko ay aalis na sila pero bigla nila akong hinila at pinilit na papuntahin sa teacher's office. Nasa harap na kami pero bigla akong napatigil.

Teacher's office. Sa harap nito nagpakamatay si Aureah. Galit ako sa mga kaklase ko pero mas galit ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang siya napigilan. I'm such a coward and weak person. Bakit ba ang hina ko?!

"Don't cry, Jaxx. Gusto mo bang dalhan ka na lang namin ng pagkain? Sorry for dragging you here. Hindi ko naisip na-" sabi ni Paris but I cut her off.

"No, it's not your fault. It's mine. Ang hina ko kasi tapos ngayon nagpapabigat pa ako." sabi ko at pinunasan ang mga luha na tuluyang umagos sa mukha ko. Mapait ko silang nginitian sabay pumasok na.

Isinarado namin ang pinto ng teacher's office at saka kumuha ng pagkain pagkatapos ay umupo. Sabi nila kakain daw ulit sila ng kaunti para may kasabay ako. Nasa harap ko sina Jeya at Paris samantalang si Maze naman ay nasa tabi ko.

"Jaxx, 'wag mong sisihin ang sarili mo." sabi ni Jeya bago siya sumubo ng pagkain.

"You can cry on our shoulders but you shouldn't lose hope or just surrender." sabi naman ni Maze at tumango lang ang dalawa.

"Wala kang kasalanan so please be strong." dagdag ni Paris.

Tama, kung patuloy akong magiging mahina hindi ako tatagal dito. Kailangan kong patunayan na malakas akong tao.

"Thank you sa inyo." sabi ko habang ngumunguya. Hindi ko na rin napigilang umiyak na naging dahilan nang pagtawa nila kaya napatawa na rin ako.

"It suits you well." sabi ni Paris habang nakatingin sa'kin. Bigla kaming natigilan sa kanyang sinabi maging siya ay hindi rin makapaniwala sa kanyang
inusal. Nakita ko naman ang pag-smirk ni Jeya.

"Anong sabi mo, Paris? Anong bagay kay Jaxx?" sabi ni Jeya at pilyang ngumiti.

Napainom naman si Paris ng tubig bago sinagot ang tanong ni Jeya. "Sabi ko bagay kay Jaxx yung pag-iyak niya" sabi niya.

Trust No One Where stories live. Discover now