CHAPTER 9: Unmasking The Culprit

4 0 0
                                    

Paris.

Napuno ng katahimikan ang buong room. Lahat kami ay natigilan sa sinabi ni Jeya. Hindi mo alam kung may guilty ba o takot lang?

"Wala naman siguro sa atin ang killer, diba?" pagbasag ni Jem sa katahimikan.

"Let's do the elimination." sabi ni Arthur at hindi man lang sinagot ang tanong ni Jem.

"Elimination? Don't tell me papatay tayo ng tao, bakla ka hindi ko gagawin 'yan bahala kayo." sabat ni Havien. Napakamot naman sa ulo si Arthur at napailing ng ulo.

Kahit ako mapapakamot sa ulo dahil sa sinabi ni Havien. Elimination, kumbaga sa test aalisin mo na sa choices yung alam mong hindi talaga sagot sa tanong. Tapos saka ka mamimili dun sa mga natirang choices para mas madali.

Pagkatapos ipaliwanag ni Arthur kung ano ba ang elimination sa iba ay nagsimula na kami.

"Let's eliminate kaya muna the people here." suhestiyon ni Jane.

"For the meantime, 'wag muna nating isama yung mga nandito sa posibleng maging killer." sagot ni Jaxx.

"For the meantime?! So, hindi ka pa rin nagtitiwala sa'min?" galit na tanong ni Athena.

Oops! Wrong used of word. But I agree with Jaxx. We should not fully trust others.

"Pero ganun din naman kayo, diba?" sabat kaagad ni Jaxx.

"No! We're trusting your group, Jaxx." sabi ni Athena. Natahimik naman si Jaxx at alam kong hindi niya inaasahan 'yon.

"We're sorry on behalf of Jaxx." mahinahong sabi ni Maze.

"It's okay let's just continue." sabi ni Athena.

"Sa group muna nina Galle. Sa tingin niyo may suspicious ba sa kanila?" tanong ni Jeya.

Tumaas naman ng kamay si Luna. "I don't want to accuse pero ang suspicious ni Galle." sabi niya. "I saw Galle smirk nung namatay si Aza." dagdag niya at saka ibinaba ang kamay.

"I saw it too." sabi naman ni Jem.

"If I'm not nagkakamali I saw her na lumabas sa room then after ilang oras sumigaw siya. And that's when Celestia nakitang dead." sabi ni Jane.

"Then we can't deny na isa siya sa pwedeng maging suspect. List it, Paris." utos sa'kin ni Jaxx. Tanga ba 'to? Wala naman akong dalang papel.

"Wala akong papel." sabi ko. Tumayo siya sa pagkakaupo at kumuha ng notebook at ballpen sa bag niya sabay inabot sa akin. Umupo naman ulit siya sa tabi ni Maze at Jane.

Boy scout pala ang president namin kasi laging handa. Pero bakit hindi niya ako sinalo nung nahulog ako sa kanya? Joke lang!

"May suspicious pa ba sa group nila?" tanong ni Jeya. Wala ng nagsalita kaya naman lumipat kami sa group nina Gianna.

"I think Gianna is suspicious." sabi ni Adriana.

"Huh? Bakit naman?" sabat ni Vyn.

"Hindi niyo ba nakita na si Gianna yung sobrang naging malapit kay Ayaka bago siya namatay." paliwanag ni Adriana. "Nakita ko rin 'yon pero nakita ko rin na lumapit si Chase kay Ayaka nung uminom 'to ng tubig. Tapos paglabas ni Ayaka dun na nagsigawan at nakita na lang na patay siya." sabat naman ni Vyn.

"But still hindi natin masasabing walang kinalaman si Gianna sa pagkamatay ni Ayaka." sabi ni Adriana sabay nag sign of the cross.

"Then list Gianna and Chase." sabi ni Jaxx at tumingin siya sa akin. Sinulat ko naman kaagad ang pangalan ng dalawa.

Trust No One Where stories live. Discover now