CHAPTER 6: Lost Keys And Hidden Feelings

13 0 0
                                    

Gianna.

Nakakatakot na sa school na ito parang gusto ko na lang lumipad at bumalik sa bahay namin. Pero wala na akong magagawa kung hindi maghanap ng susi para makalabas sa mala-hell na school na 'to.

Bago pa man kami maghiwa-hiwalay ay ramdam ko ang mga tingin nina Jaxx sa akin. Bakit? May dumi ba sa mukha ko?

O baka naisip din nila yung napag-usapan naming mga babae. Kasama ko sina Paris, Jeya, Maeve, Akiesha, Johanna, Mica, Claire, Gwyrene, at Aureah sa isang room.

Hindi kami makatulog kahapon kaya nag-usap na lang kami. Nabanggit ni Claire yung pattern na naisip niya tungkol sa sequence ng pagpatay ng killer. Kasi G1 at G2 ang namatay. Noong una gusto kong itanggi ang kaniyang ideya pero may posibilidad na totoo ito at G3 ang isunod, and that's me.

Nakaramdam ako ng takot pero agad itong nawala ng maramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Maeve sa braso ko. "Don't worry hindi ka namin pababayaan." sabi niya kaya pilit akong ngumiti sa kaniya maging sa harap ng iba ko pang kasama.

Ngayon ay naglalakad kami papuntang gate. Kasama ko sina Maeve, Akiesha, at Johanna. Tiningnan namin ang bawat dinadaanan namin at nagbabakasakaling makita namin ang mga susi.

"Maeve, what if I am the killer?" tanong ko. Tumingin siya sa akin at pinanliitan ako ng mata. "Sinong niloko mo?" sabi niya at napatawa ng konti.

"Kulang ka lang sa tulog, Gianna." ani Johanna. Nagpatuloy kami sa paglalakad at hindi namin namalayan na nakadating na kami sa harap ng gate. Nakita namin ang tatlong lock doon. Hindi talaga kami makakalabas dito kung hindi namin mahahanap ang mga susi.

Malaki ang gate at hindi ito pwedeng akyatin. Matataas din ang bakod at may alambre pa ito.

Napaupo si Maeve dahil sa pagod kaya umupo na rin kaming tatlo para magpahinga. Alam kong wala na kaming oras para dito pero kung aabusuhin namin ang aming katawan baka ito pa ang ikamatay namin.

Tahimik lang kaming nakaupo nang biglang nagsalita si Akiesha. "I like Jyzhian." nanlaki ang mata namin sa kanyang sinabi.

"Bakit mo naman sinasabi 'yan ngayon sa amin?" tanong ni Johanna.Mapait namang ngumiti si Akiesha. "Kasi hindi mo masasabi kong hanggang kailan ka na lang dito sa mundo." sabi niya, biglang kumirot ang puso ko ng marinig 'yon mula sa kanya. "Kaya sinasabi ko na sa inyo ang mga sikreto ko." pagpapatuloy niya.

"No. Sabihin mo sa amin lahat ng 'yan kapag nakaalis na tayo dito nang buhay." sabi ko kahit walang kasiguraduhan na makakaalis nga kami nang buhay dito.

"I hate to say this, but I'm slowly losing hope. I feel so scared." sabi niya. Tumungo siya sa amin at nagsimulang humikbi kaya naman niyakap namin siya. Natatakot na rin ako, pero sa ibang dahilan.

Pagkatahan niya ay bumalik na kami. Mainit na ngayon dahil tanghali na. Hindi pa kami kumakain ng umagahan dahil mas inuna naming hanapin ang susi.

Makakain pa ba kami sa ganitong sitwasyon?

Pagkabalik namin sa SHS building ay nakita naming nagtatakbuhan ang iba papunta sa JHS building. Did they find the keys?

Sana talaga nahanap na nila para makaalis na kami. Hinila ko ang kamay ni Maeve at tumakbo rin papuntang JHS building pero imbes na susi ang makita namin ay isang katawan na naman ang nakahiga sa tabi ni Celestia at Aza.

It's Aiden. Aiden Bernardo. May nakatusok na tinidor sa kanyang dalawang mata at kita pa rin ang tumulong dugo sa ilong at bibig nito.

"No, tell me it's not Aiden right?" rinig kong sabi ni Ayaka habang umiiyak. Basang-basa na ang kanyang mukha dahil sa pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mata.

Trust No One Where stories live. Discover now