Chapter 23: Completely Depleted

6 0 0
                                    

Aza.

Aza, magtiwala ka lang sa'min. We need to do this para makaligtas ka.” sabi ni Paris na ngayon ay kinukulayan ng ube ang aking mga labi.

“You just need to play dead. Sir Quira will help us, don't worry.” pag-aassure sa'kin ni Jeya. “But can we really trust him?” tanong ko at nagkatinginan naman silang dalawa.

“You have a point. Pero kapag nakita kang buhay ni Ms. Joy, baka ipapatay ka niya sa iba pang follower. And I fear, that follower will truly kill you.” sabi ni Paris kaya naman napatango ako.

Hours passed at nakahiga na ako malapit sa patay na katawan ni Celestia. Umalis na lahat ng mga kaklase ko, maging sina Sir Quira. Pero maya-maya pa ay ramdam kong may pumasok ulit sa room, lumapit ito sa akin at binuklat ang puting kumot na nakatakip sa'kin. Hindi ako nagdalawang-isip na isaksak sa kaniya ang maliit na kutsilyong tinago ko kanina.

“Sabi ko na nga bang traydor ka.” sabi ko kay Sir Quira. Mabilis akong tumakbo papunta sa likod ng SHS building. Tumingin ako sa paligid upang alamin kung nakasunod ba sa'kin si Sir Quira, fortunately hindi naman.

Balak ko sanang puntahan sina Paris na nasa kabilang building para sabihin sa kanilang traydor si Sir Quira, pero bigla akong nakakita ng anino ng tao kaya nagpasiya akong lumayo dito. Masyado pang madilim kaya hinintay kong mag-umaga. Nang sumikat na ang araw ay napagtanto ko na lang na medyo napalayo ako sa SHS building.

Naglakad ako nang naglakad at napatigil ako ng may pumukaw ng aking atensyon. Hindi ko ito nakita nung kumuha kami ng mga kahoy sa likod ng building na 'to para sa campfire namin.

Pero teka?! Mukha itong isang gate. I guess, it's a hidden gate. Napapalibutan ito ng lumot at mga baging kaya hindi ito madaling mapapansin. Sinubukan ko itong buksan at madali naman itong nagbukas. Gusto ko sanang balikan ang mga kaklase ko upang makatakas kami pero biglang sumulpot si Sir Quira na may dalang baril, pinaputok niya ito kung nasaan ako kaya mabilis akong lumabas dun sa gate. Tumakbo ako sa kung saan at nagtago.

Lumipas ang ilang oras at lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Binalikan ko ang gate, binuksan ko ulit ito gaya kanina pero napansin ko na lang na may padlock na ito.

Fuck.

Naglakad na lang ako palayo dun sa gate at umaasang may makitang bahay.

“Tulong! Tulong! Tulong!” desperadong sigaw ko dahil makalipas ang tatlong araw ng aking paglalakbay ay nakakita na ako ng isang bahay.

“Ija, anong nangyari sa iyo?” tanong ng isang matandang babae, nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas nakakita na rin ako ng maaaring makatulong sa'kin.

“Mahaba pong kwento pero nakakahiya man po, pwede po bang makikain muna sa inyo.” tanong ko dahil wala pa akong matinong kain simula nung umalis ako dun sa school.
“Naku, kaunti lamang ang maiihain ko sa iyo ija pero sana ay mabusog ka kahit kaunti.” sagot niya kaya naman laking pagpapasalamat ko sa kaniya.

Trust No One Where stories live. Discover now