#29

9 2 0
                                    


***

I thought paradise were in heaven but I was wrong. Hindi pala lahat ng paraiso ay nasa langit dahil karamihan narito sa lupa.

Pagbaba namin ng kotse ay tumambad sa harap ko ang harap ng dagat na banayad na humahampas ang tubig sa dalampasigan.

Ang kahel na langit at ang tuluyan ng nakalubog na araw ang siyang mas pumukaw sa ganda ng paligid. Hindi ko man lang napansin ang mga taong masayang kumukuha ng larawan.

Nature is indeed beautiful. Who thought that calmness comes from sea?

"Bakit mo ako dinala rito? To remind me that endings were beautiful too katulad ng mga sinasabi nila sa mga palabas?" Biro ko.

"Hindi."

"E ano?"

Buti nalang talaga hindi na umuulan.. kung umuulan baka hindi ko maaappreciate ang ganda ng sunset.

"To remind you that I will stay beside you until the very end."

Natawa ako at tumingin sa kanya. Ang buhok ko ay tinatangay ng hangin. "Alam mo? Ang corny mo!"

"Alam ko pero at least ngumiti ka," banat niya.

Tuluyan ko nang tinanggal ang paningin ko sa dagat at nakahalukipkip na humarap sa kanya.

"Iyong totoo kasi, anong gagawin natin rito?" Ulit ko.

He let out a soft sighed at inilahad ang palad.

"Take my hand and I'll show you why we're here," aniya na parang nakikipagnegotiate sa isang negosyante.

I raised my right brows. Tinanggap ko rin ang palad niya kahit medyo nahihiya ako. May isang lalaking lumapit sa amin at tinuro naman ni Leo ang likod ng kotse niya na hindi ko alam kung paano niya nakuha gayong nasa bahay siya kanina.

Muli rin akong nagulat noong ilabas nung lalaki 'yong mga maliliit na maleta na may laman din palang damit ko.

"Wait nga! Nasaan ba tayo?" Pangungulit ko.

Hindi pamilyar ang lugar saakin at aaminin kong ngayon lang talaga kami nakapunta rito or mas magandang sabihin kong ngayon lang ako nakapunta rito.

"At nasaan ba sila tita? Akala ko nakasunod sila—"

My eyes widened when he put his fingers on my lips. Ang lapit din ng mukha niya saakin habang hawak pa rin ang isang kamay ko.

"Shhh, trust me this time. Can you? Do you trust me, Bree?" He softly asked.

Dahil nakaharang ang hintuturo niya sa labi ko ay tango lang ang naisagot ko.

Naglakad kami palapit sa isang hotel and restaurant na nasa harapan ng dagat. Mababasa rin kasi sa karatula ang pangalan ng lugar.

The place is cozy. Napaka minimalist pero ang sarap sa mata. Tumigil si Leo at ganoon din ako, nagulat nalang ako noong may inilabas siyang piring ng mata.

Humingi siya ng permiso at nais ko ulit matawa sa kanya. Tumango nalang ako at dahan dahan naman niyang inilagay ang piring.

"Mahigpit ba masyado?"

"Nope, sakto lang."

He held my hands gently. He's still behind me. I felt his warm breath on my shoulder and neck that gave me goosebumps but I remained calm.

"Step gently," he whispered. Gusto kong sampalin 'yung sarili ko dahil sa panlalamig ko.

Ang bango bango ng hininga niya. Sa bawat hakbang ng paa ko ay siya ring panginginig ng aking tuhod. Marahan lamang ang paghakbang ko pero sinisiguro ni Leo na hindi ako matatalisod.

TEACH ME TO LOVE (Sullivan Boiz Series#3)Where stories live. Discover now